I. Poor Samantha!

178 2 0
                                    

We are all helpless.. hopeless..

Muntikan ko nang masaktan 'tong Sam na kasama namin kanina, kaya bumalik si Joshua sa tabi ko.

Wala akong magawa kundi ang umiyak nalang. Napayakap na lang ako kay Joshua.

"Akala ko pa naman okay na tayong lahat." Napapailing na sabi ni Manong.

"Ba't ba hindi natin napansin?" Pailing-iling na sabi ni Cindy.

"Kung hindi pa tayo kinontak ni Sam, hindi natin malalaman." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

Lahat kami sobra-sobra ang panlulumo.

"These are all my fault." Sabi ni Cindy.

"I thought all those horrors were over when we stepped here at Cagayan de Oro." Sabi ni Anthony na napabuntong-hininga.

Lumabas si Manong ng van. Tinungo niya ang pinto namin at binuksan ito.

"Boy, paano ka namin maibabalik dun?" Tanong ni Manong nang mahinahon kay Benjie. "Paano namin makukuha yung tunay na Samantha?"

Umiling-iling ito tapos biglang naiyak.

"Boy, hindi ka naman namin sinasaktan di ba? Ba't ka umiiyak?" Iritang tanong ni Manong.

"A ... ayoko nang bu...buma...bumalik du..dun." Sagot nito tapos biglang hinawakan ang kamay ko. "Ate, parang awa n'yo na, dito nalang ako." Umiiyak nitong pakiusap.

Naaawa ako sa bata lalo pa't si Samantha ang nakikita ko. Mabait naman si Benjie e, alam ko. Pero maling maawa ako sa ganitong sitwasyon.

"Bullshit!" Galit na sabi ni Anthony. "Don't tell me maaawa ka sa kanya?"

Halatang-halata na ang takot sa mukha ni Sam. Gustuhin ko mang isipin na si Sam ang kaharap ko, pero hindi e. I just cannot fool myself.

"Sagutin mo na si Manong, Benjie." Pakiusap ko.

"Alam mo bang nabubwesit ako sa mga batang hindi sumasagot sa katanungan kasi kawalan 'yun ng respeto. Nakikinig ka ba? Respeto? Alam mo ba kung ano yun, bubwit? SUMAGOT KA! MALILINTIKAN KA TALAGA SA'KIN!" Sigaw ni Anthony na naka.closed fist na.

"Pre, bata lang 'yan. Huminahon ka." Sabi ni Joshua na napalipat ulit ng upuan para tabihan si Anthony.

Umiyak lang nang umiyak yung batang nasa anyo ni Sam.

"Hey kid! Please help us. We just want our friend back." Pakiusap ni Cindy na nakalingon sa amin.

Nagalit lang lalo si Anthony sa kakaiyak ni Benjie.

"SHUT UP!" Sigaw ni Anthony sa batang nasa katawan ni Sam. "Pag hindi ka tumigil, malilintikan ka sa akin!"

"Utang na loob, Anthony, natatakot na yung bata. Kung tutuusin nga e ang laki ng tulong nitong batang ito sa atin kanina. Siya nagturo sa akin kung nasaan ang portrait, siya rin yung gumawa ng paraan para mamemorya ko yung nakasulat dun sa portrait. Kaya please, huwag mo siyang sasaktan. Lalo na ngayong nasa katawan siya Sam." Pakiusap ko kay Anthony. "Stop yourself. He only wanted to be happy. He is tired of being alone. We cannot blame him for that. He was only little when his life was taken away from him."

"Kung alam ko lang na iyang batang iyan ang tumulong sa atin, sana hindi na ako sumama papalabas sa lugar na yun e. Come on! Hindi biro ang pinasok natin! Halos mamatay-matay na tayo sa takot makalabas lang sa pesteng lugar na yun! Tapos ngayon babalik lang pala tayo nang dahil sa batang iyan? E di sana hindi ka nalang nagpatulong di ba?"

Hindi ako umimik. May kasalanan rin ako.

"Naiintindihan mo ba ako, Chlow?" Galit na tanong ni Anthony. "It appears as though sinadya nitong batang ito na tulungan tayo kasi planado niya na lahat."

"Now what? If we go back for Samantha, we'll still make it out alive, right?" Tanong ni Cindy.

Walang sumagot sa tanong niya. Tahimik lang kami.

"Ano na ho ba gagawin natin Ma' am Cindy, nakapark na po tayo oh." Pag-iwas ni Manong sa tanong.

"Ano na ho ba mangyayari, Manong?" Pag-uulit ni Cindy. "Sigurado ka bang hindi ka na sasama sa amin? Can we still make it out of that place without you helping us?"

Hindi umimik si Manong. Tumingin lang siya sa amin.

"Ah e... Siguro mas makabubuti kung magpunta na muna tayo dun sa baba, sa restaurant, nang tayo ay makakain. Sa paraang iyon, makakapagplano tayo nang maayos." Joshua interrupted.

Everyone agreed. Isa-isa kaming nagsibabaan ng van.

"E teka, panu tong si Sam... este si Benjie? Shall we leave him... her... No, it... here?" I asked them.

"Just let him stay with us. Let him eat. Anyway, that is Samantha's body. We are obliged to take good care of it while she's away." Joshua answered calmly.

Sumenyas si Joshua sa Sam na kasama namin na bumaba na.

"How do you think should we call him?" I asked.

"Sam pa rin... not Benjie... Huwag tayong masyadong magpahalata. Baka mamaya may makakilala kay Sam dito tapos biglang marinig na tinatawag natin siya bilang ibang tao." Pasingit na sagot ni Cindy.

"Then let us just tell them what happened." Agad kong sabi.

Napailing si Cindy.

"Think, Chlow. Mahihirapan tayong mag-explain with our current situation." Pag-explain ni Cindy. "Walang maniniwala sa atin. They'll all think that we are going insane. Ano na sasabihin nila? Nakadrugs tayo? Ganun? E kung gusto mong ma-tokhang, susuportahan kita."

"Ang hirap naman atang tawagin siyang Sam sa ganyang ayos." Sabi ko sabay kamot sa noo.

"Come on, do we have a choice here?" Mariing tanong ni Cindy.

I just gave her a nod. Tama naman siya e.

"Let us just keep an eye on this creature here." Sabi ni Cindy sabay tingin kay Benjie (sa katawang Sam). "Let us just make sure that he never escapes."

"Ma'am Cindy, dito nalang ho muna ako sa sasakyan. Babalik pa naman siguro kayo dito para kunin mga bagahe n'yo di ba?" Sabi ni Manong.

"Panu yung food mo?" Agad kong tanong.

"Ah mamaya nalang ho, dun ako sa karenderya sa labas." Sagot ni Manong.

"Okay, everyone shall bring their things. Let us leave the van here. This thing deserves some rest, too." Utos sa amin ni Cindy. "Didiretso na tayo sa bedroom para iwan ang mga gamit dun and makapagwash-off na rin, then kakain sa restaurant after."

"Panu si Manong?" Tanong ko.

"Naku, huwag niyo akong alalahanin. Ilang taon na akong driver e. Kaya ko matulog dito sa loob ng van." Nakangiting sabi ni Manong. "Para mabantayan ko rin itong sasakyan. Sige na ho. Alam kong gutom na kayo."

"Manong, kakain ka sa restaurant with us. After what happened, hindi ka na iba sa amin." Sabi ni Cindy sabay lapit kay Manong. "Tara na Manong. I insist. Please?"

Ngumiti si Manong. Agad nitong kinuha ang maliit niyang bag at siniguradong lock na ang van.

Then naglakad na kami papunta sa elevator nitong hotel at tinungo ang information area.

An Abrupt Destination II: EGRESS {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon