V. Motive

63 0 0
                                    

Samantha's POV

Pagkababa namin, naupo kami sa living room nila.

Grabi talaga ang pagbabago dito sa bahay na ito. Kanina nung wala pang ilaw dito sa loob, sobrang creepy and empty. Ngayon, may furnitures at mga dekorasyong pangbahay.

Napatingin-tingin ako sa buong lugar. Napailing ako sa ganda at laki ng bahay.

"Ang ganda talaga ng chandelier dito." Bulong ko sa sarili. "Nakakita na ako ng mga chandelier dati pero talagang masasabi kong I have never seen a chandelier this beautiful before."

Nakita kong naupo si Aling Marietta sa harap ng salamin at nagsimulang mag-ayos ng sarili. Inuna niya ng pagsusuklay ng kanyang mahabang buhok.

Naku! Ang dami ko nang nakitang horror films, pag ganyang nagsusuklay ang multo na nakatalikod, pagkalingon niyan, pangit na mukha na ipapakita tapos aatakihin na yung biktima. Naku! Goodluck Sam!... Kung anu-ano na naiisip ko. Ano kaya kung ihain niya ako sa mga halimaw sa labas o baka naman gawin akong katulad nila? Baka bait-baitan lang 'tong si ate sa' kin ngayon tapos maya-maya baka bigla akong saktan. Naku! Huwag naman sana.

Napatingin ako sa katabi kong si Benjie.

"Uy! Bata, bakit kaya tayo pinababa nung babae?" I asked Benjie. "Baka may alam ka?"

Hindi siya umimik. Tahimik lang siya.

"Ano ginagawa nung babae?" Tanong ko ulit. "Nagpapaganda ba siya?"

Tumingin siya sa akin at nagkibit-balikat.

"Ewan. Hindi ko alam e." Sagot nito.

"Bakit siya nagpapaganda? May darating ba? Asawa ba niya?" Sunud-sunod kong tanong.

"Hayaan nalang nating si Aling Marietta ang sumagot ng iyong mga katanungan." Sabi nito sa akin.

Tumango lang ako.

Saglit akong nag-antay.

Matapos ang siguro'y isang oras na kakahintay, nakaidlip ako.

"Sam... Sam..." Mahinang tawag nung babae. "Tara, kain ka na."

Pagkarinig ko nun, agad akong nagising at bumangon sa kanina ko pang kinauupuang sofa (kung saan na rin ako nakaidlip).

"Kain ho? Saan po?" Agad kong tanong sa kanya, sabay tingin-tingin sa paligid.

"Gutom ka na nga." Nakangiti nitong sabi sa akin. "Halika na sa hapag. Nakahain na doon ang iyong pagkain."

Tinungo namin agad ang dining area. Nakasunod lang ako sa kanya. Bigla kong naalala si Benjie. Nilingon ko ang living room, wala siya dun.

"Ale, pwede ho ba akong magtanong?" Tanong ko.

Huminto ito sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Ano yun, iha?" Tanong nito.

"Ah... e.... san na ho pala yung batang multo?" Tanong ko.

"Andun siya sa hardin." Sabi nito sabay turo sa pintong nasa dulo ng dining area.

"Hardin?" Agad kong tanong.

Medyo naguluhan ako.

So ibig sabihin ba nun, pwede silang makalabas-pasok dito sa bahay? Ganun ba yun?

Bigla siyang ngumiti. Nahalata ata nito ang pagtataka ko.

"May dalawang hardin ang pamilya ng asawa ko. Yung isa nasa labas nitong bahay at yung isa naman e nasa likod ng pintong iyan." Sagot niya sabay turo ulit sa pintong nasa dulo nung dining area. "Gusto mo bang magpunta dun?"

An Abrupt Destination II: EGRESS {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon