IV. The Knocking

66 0 0
                                    

Chloe'S POV

"Cindz, wake up! Wake up!" I said as I slap her face.

"Ouch!" She said, touching her cheeks. "Inaano ba kita? Ba't ka nananampal?"

"You were screaming... crying for help! What is going on with you?" I asked Cindy.

"Halika, sit with me." Aya niya sa akin, then she told me about her dream, how she struggled.

"Baka naman dahil lang 'yun sa traumang inabot natin sa lugar na' yun kaya ganun 'yung umappear dun sa panaginip mo. Huwag kang masyadong mag-isip. Pagod, trauma, at stress lang' yan." Sabi ko sa kanya.

Saglit siyang nanahimik, tulala. Maya-maya pa'y nakita kong tumutulo na ang kanyang mga luha.

"Namimis ko na si Ayal." Halos pabulong nitong sabi.

"Sino ba yang Ayal na yan? Hindi naman yan yung pangalan nung ex mong manloloko e." Tanong ko.

Napansandal siya sa balikat ko.

"Ayal is my older brother, Karl." Kwento nito.

"May kuya ka pala?" I asked. "How come you never mentioned him to us?"

"I lost him when I was little... he drowned. It's as if something lured him to the water to drown...Yes, it was the singing that lured him."

"What singing?" I asked confusingly.

"It's kinda odd but I do think it was because of the singing...I don't know... I am not sure." Sabi niya na may pailing-iling pa.

Her answer was some sort of confusing. Tulog pa siguro utak nitong babaeng 'to.

"Ah ganun ba? Ah... Alam mo Cindz, tingin ko kailangan mo pang matulog. Pagod ka lang siguro." Sabi ko sa kanya.

Saglit siyang tumingin sa' kin, nagkibit-balikat... at tumayo.

"I am going to take a sleep now. Hindi ka naman siguro matutulog nuh? So stay beside that 'Sam' over there. Keep an eye on 'that'... thing." She said then she walked straight to her own bed.

"Ako na bahala." I said to her.

Napalingon ako sa Sam na kasama namin. Himbing na himbing ito sa pagtulog.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Benjie, until now I still cannot believe na magagawa mo 'yan. Akala ko kasi okay ka na sa bahay na 'yun. It's not that I do not want you to be happy, it's just that mali 'to e.

Napailing-iling nalang ako.

"Hay naku! Makatulog na nga lang." Bulong ko sa sarili. "Dito lang ako sa bed na katabi ng sa'yo Benjie ah? If you need anything, I am just here... Gisingin mo lang ako."

Saglit kong tinitigan ang mukha ni Sam.

"I miss you, Sam. I do hope you are doing fine there. We are really very sorry. We will be back for you. I promise." Bulong ko sa sarili bago ko ipikit ang aking mga mata. "Goodnight Samantha."

5:45 AM

Bigla akong nagising sa ingay ng kaluskos.

Nakita kong wala yung 'Sam' na kasama namin sa kaninang hinihigaan nito. Napabangon akong bigla.

"Benjie!" Tawag ko. "Nasa'n ka na ba?"

Biglang bumukas ang pinto.

Napakamot nalang ako sa ulo.

"Naku Benjie! If this is one of those tricks of yours, better be good at it." Sabi ko.

I glanced at my friends. They are all sleeping.

"Oh well." Sabi ko sabay kibit-balikat. "Ako na bahala dito sa nakulit na batang ito."

Naglakad ako papalabas ng room.

Nagulat ako sa aking nakita.

"Ba't ako napunta dito sa lugar na'to? hindi naman ganito yung hitsura nung labas ng room namin ah." Bulong ko sa sarili.

I am in a huge pink room.

Hala! Panu kaya ako napunta dito? Teka, makapaglakad-lakad na nga lang.

"Benjie? Little boy! Where are you?" Tawag ko.

"Saan kaya nagpunta yun?" I asked myself. "Ang daming kwarto dito ah. Ano kaya meron sa loob nitong mga pintong ito?"

I tried opening the doors pero locked. Until I reached the read-colored door. Nung aabutin ko na sana yung doorknob, biglang lumindol. Natumba ako. Sa sobrang lakas ng paglindol, dahan-dahang gumuho ang sahig. Agad kong binuksan ang pulang room at pinasok ito.

Pagkapasok ko, napansin kong huminto ang paglindol.

"Buti nalang at hindi ako inabutan." Bulong ko sa sarili. "Ano kaya meron dito sa kwartong ito? Ito lang talaga natatanging pula sa lahat ng pintong sinubukan kong buksan kanina."

Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna at maghanap ng kasagutan.

"Wala naman gaanong gamit dito sa loob e. Just three large cabinets lang naman." I told myself.

But I am really very curious. Ano ba meron?

"Oh well, wala naman sigurong masama kung bubuksan ko 'tong mga cabinets, right? The owner won't mind naman siguro." I whispered.

Saglit akong nag-isip.

"Paano kaya kung may mga dead bodies dito sa loob... baka naman damit lang talaga nadito... o baka naman pagkain?" I guessed, holding my stomach. "I am kinda hungry na rin kasi... wala pa akong breakfast e."

Napaisip ulit ako.

"Alin kaya dito sa three cabinets na ito uunahin ko?" I asked myself.

I decided to open the one on the left.

Naubo ako sa kapal ng alikabok na bumulaga sa akin.

"Ano ba yan? Grabi namang dust 'to." Paubo-ubo kong sabi.

Saglit kong tiningnan mga gamit sa loob nung cabinet. Nothing special, just old letters, photo albums, and hindi ako nagkamali, some old clothes din. Check ko nga 'tong isa pang cabinet na nasa gitna. Pariho lang sila ng laman nung cabinet na una kong binuksan. Hindi ko na binuksan pa yung pangatlong cabinet for I am certain na ganun lang rin naman makikita ko.

Nagpasya akong lumabas.

Hahawakan ko na sana yung doorknob nung pinto nang may marinig akong kumakatok. Bigla akong natigilan.

"That's odd. The knocking is not from behind this door." I whispered to myself.

I searched the place. There were no more doors other than these cabinet doors here.

Then I heard the knocks once more.

Parang nanggagaling yung sound from behind this third cabinet e.

Kinakabahan ako. Tumigil ako sa harap ng cabinet kung saan ko narinig yung parang may kumakatok.

"Ano kaya meron sa loob nitong cabinet? May tao ba sa loob nito? O baka naman si Benjie lang nakikipagtagu-taguan." I whispered.

Bumuntong-hininga muna ako at nagbilang hanggang tatlo. Bago ko pa man buksan ang cabinet, nagulat nang may gamit na nahulog galing sa isa sa mga cabinet na nauna ko nang buksan kanina. Hinayaan ko lang. Hindi na rin ako lumingon.

Linakasan ko na ang sarili ko. Bubuksan ko na talaga ito.

"Bahala na."

An Abrupt Destination II: EGRESS {C.O.M.P.L.E.T.E.D}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon