Chapter 9 Truth

335 7 1
                                    

Hello readers! Eto na ang nakaka-gulat na chapter hope you like it!!

May mga typo dyan hehe.

Happy reading!!
ʕ•ﻌ•ʔ

TULOG NA SI Jared at naka-yakap ito sakanya, 12:45am na nang madaling araw ngunit hindi parin siya maka-tulog kaya dahan-dahan niyang inangat ang kamay ni Jared para maka-tayo siya.

Apat na araw na simula nubg nangyari ang panaginip na dahilan para malaman niya ang lahat-lahat.

Hindi siya kumi-kibo pag-kinakausap siya ni Jared dahil ayaw muna niyang mag-pahalata, ayaw rin niyang sabihin na bumalik na ang ala-ala niya, dahil iniisip niyang baka nakalimutan na siya nito.

Sampung taon na ang lumipas kaya alam niyang hindi na siya makikilala pa ni Jared hindi katulad dati na palagi silang mag-kasama sa bahay hanggang school.

Apat na araw narin siyang hindi nakaka-tulog nang maayos at hindi na kailan man pa nanaginip nang ganon, kaya pala ganon ang panaginip niya dahil gustong ipa-alam sakanya ang tunay niyang pag-katao at ang mga taong nalimutan na niya.

Pumunta siya sa terrace at napa-sapo siya sa noo niya sa mga nalaman niya.

"Ano nang gagawin ko ngayon, paano ko sasabihin kay Jared na ako si 'James Isler', ang matalik niyang kaibigan." sabi niya sa isip niya.

Sa nakikita niyang litrato, natutuklasan at nalalaman niya ay sinasabi lang ni Jared na hindi siya ang 'James Isler' na kaibigan nito.

Tumingin siya sa mga bituin at bigla nalang natawa sa nalaman niya.

"Bakit pa kase ako yung nakaranas nito, hindi ko naman ito dapat maranasan pero pinaranas mo." sabi niya sa mga bituin.

Lumingon siya at nakita niya sa glasswall si Jared na mahimbing ang tulog nito, naalala niya nung unang araw niyang natulog sa bahay nila Jared at kina-katakutan pa niya si Jared dahil masungiti ito.

Flashback

Hindi gusto ni James na mag-stay sa bahay nila Jared lalo na't hindi naman niya ito close at ayaw rin niya dahil hindi naman siya pina-pansin nito pag-nag aaya siya.

Kinuha na niya ang bag at ang teddy bear niya na kulay puti at parang 2 litters ang laki nito.

Tatlong araw siyang titira sa bahay nila Jared at hindi siya sang-ayon, pupunta ang magulang ni James sa Amsterdam, Netherlands para sa isang business.

Pag-bukas ng pinto nila Jared ay naka-ngiti silang sinalubong ng mommy ni Jared.

"James! Izzabella!!" magandang pag-bati nang mommy ni Jared.

"Gusto ko sanang dito muna si James Isler alam mo naman walang kasama yan sa bahay para narin maka-laro niya si Jared."

Mas gusto ni James na nasa kwarto lang nanonuod ng cartoons, nag-lalaro ng gameboy, psp at computer games.

"Sure, teka Jareeedd!!!" sigaw nitoat tinatawag si Jared.

"Mooomm what is it?" tanong ng isang bata na kadarating lang hawak ang gameboy.

Nakita niya ang isang batang lalaking salubong ang kilay, gwapo at moreno ito ngunit may pagka-masungit.

"Jared, this is-" biglang nag-salita si Jared.

"I know him, yung iyakin sa school." natatawang sambit nito.

"Ano ba umayos kanga!" galit na sabi ng mommy niya.

I'm A Sex Slave Of A Billionaire [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon