Hello readers, eto ang chapter nato jusko nag-kanda sakit sakit ulo ko kase kailangan kong mag-isip nang magandang past ni James, tsaka etong chapter nato malalaman niyo yung tunay na pag-katao ni James marami na ulit siyang curiosity.
By the way marami pa kayong malalaman kay James hindi lang to haha wala lang skl.
Happy reading!!
ʕ•ﻌ•ʔBIGLA NALANG NIYAKAP NI Jared si James nang mahigpit na mahigpit na parang ilang taon silang hindi nag-kita kahit dalawang araw palang ang nakaka-lipas.
"J-Jared b-bakit nandi-dito ka?" takang tanong ni James sakanya.
Sinabi niya dito, bago siya umalis na mag-message o tumawag ito kung ano na ang ginagawa niya, ayaw niyang mag-alala dahil mahal niya ito, at ayaw pa niyang mawala ito ulit.
Hindi niya alam kung bakit hindi ito nag-messege sakanya kaya nag-alala siya, halos tadtarin na niya ng message at missed call si James, kinansel niya lahat ng meeting at nag-desisyong umuwi para malaman kung ok lang ba si James.
Thankful siya dahil wala namang masamang nangyari sakanya.
Private jet ang sinakyat niya papuntang bansa kaya isa't kalahating oras lang ang byahe niya, palagi siyang nag-aantay sa message ni James bago siya matulog, ganon niya ito kamahal kahit na inaantok pa siya o pagod ay gusto niyang malamang ok ito at marinig ang malambing na boses nito sa pamamagitan ng pag-tawag.
Hindi na niya nabitawan ang maleta dahil kinakabahan siya, pag-bukas niya ng pinto ay naka-upo na ito sa kama at nagulat nang makita siya, binitawan niya ang maleta at bigla nalang siyang lumapit dito at niyakap.
Napa-ngiti siya nang maalala niya dati kung paano niya iligtas ang kaibigan.
Flashback
Hinintay niya ang kaibigan sa cafeteria dahil break time na, may ginawang baon ang kanyang mommy kaya naisipan niyang gawan rin ng mommy niya si James para pareho sila ng kakainin.
Habang naka-upo ay biglang patakbong pumasok ang tatlong kaklase ni James.
"Hoy tara sa room binu-bugbog si James!!" sigaw ng isa.
Biglang nag-tayuan ang ilang studyante at ang iba naman ay nag-bulungan.
Agad siyang tumayo at iniwan ang bag at pag-kain na gawa ng mommy niya, patakbo siyang umakyat sa room nila James.
Maraming mga studyante na nanonood nang maka-pasok siya, sumingit siya at duon niya nakita ang dalawang matabang kaklase nito na hinahagis ang laman ng bag ni James.
Tumingin siya kung nasan ang kaibigan at nang makita niya ito na umiiyak at may sugat sa gilid ng bibig.
Bigla nalang nag-init ang ulo niya nang makita ang kaibigang umiiyak habang naka-upo sa sahig.Walang salita na bigla niyang sinapak ang dalawang matabang kaklase nito, hindi siya malakas manapak dahil bata pa sila pero ayaw na ayaw niya ang makitang may nananakit sa kaibigan niya.
Naka-handusay na ang dalawang mataba pero hindi niya parin ito tini-tigilan sa pag-sapak, ang mga studyante ay nag-sigawan na.
Tumayo siya at biglang hinatak ang kaibigan, nag-tungo sila sa labas ng school at umupo sa bench.
Umiiyak parin ito, kaya niyakap niya ito para mapa-tahan.
"Nandito nako, ok kana wag kanang umiyak." pag-papatahan niya sa kaibigan.
Humi-hikbi pa ito at kumalas siya para punasan ang luha nito gamit ang daliri niya.
Iniwan niya ito at bumalik sa cafeteria para kunin ang gamit niya at pag-kain, sa bench nalang sila kumain.
BINABASA MO ANG
I'm A Sex Slave Of A Billionaire [BoyxBoy]
RomanceSi James ay isang mayamang bata, ngunit ng dumating ang trahedyang hindi niya inaasahan, sumabog at lumubog ang barkong sinasakyan nila dati kaya nag-karoon siya ng amnesia o nabura lahat ng ala-ala niya. Si Jared naman ay isa ring mayamang bata isa...