Chapter 16 Knowing the Innocent One

194 4 0
                                    

Sorry kung ngayon lang nakapag-update, ang hirap tlaagang gumawa ng eksena dapat kase maganda para may thrill diba.

Hope you like this part, makikilala niyo si Mr. Percival, o ayan ah spoil kona haha.

Happy reading!!
ʕ•ﻌ•ʔ

James POV

2:45am na nung magising ako dahil sa kaluskos, tumingin ako sa sliding door sa terrace ngunit wala namang tao at impossibleng may tao duon.

Tumayo ako at binuksan ang pinto, pag-bukas ko ay sinalubong ako ng malamig na hangin kaya napa-yakap ako sa sarili. Maganda ang view at matatanaw mo ang kagandahan kahit na hating gabi na.

Tumalikod nako at sinara ang pinto, tinignan ko si Jared na halatang pagod ito. May konting galos ito sa braso at pisngi pero gwapo parin tignan.

Salubong ang kilay nito, iniisip ko tuloy na masama ang panaginip nito kaya hinimas ko ang buhok nito.

Napa-ngiti ako dahil marahan naman itong ngumiti, naramdaman kong naiihi ako kaya tumayo agad ako para mag-tungo sa banyo.
Pag-pasok ko ay umihi agad ako, pag-tapos ko ay parang may tao.

Nakaramdam ako ng init, hindi naman mainit dito at hindi naman ganito ang pakiramdam ko kanina pero kakaiba ang pakiramdam ko.

Natatakot akong humarap, alam kong may tao sa likod ko.

"Natatakot kanaba?" tanong ng isang lalaking nakakatakot nag boses.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Anong ginagawa mo dito?" nag-mamatapang na tanong ko sakanya.

Hindi ako nag-pakita ng sindak sakanya kahit naka-talikod ako sakanya.

"Para sayo." simoleng sagot niya at bigla nalang itong may inilagay sa mukha kong bimpo.

Pero naka-kuha ako ng lakas at siniko ko ang tyan niya.

Malakas ang epekto ng elementong meron ang bimpo kaya medyo nahilo ako, umiikot na ang paningin ko kaya nahirapan akong kumapa kung nasan ba ang pinto.

"Ahhhh!!" sigaw ko nang may maramdaman akong kutsilyo sa bewang ko.

Agad din niyang tinakpan ulit ang mukha ko ng bimpo at nawalan na agad nang malay.

Nagising nalang ako na nasa kotse na kami, pinikit-pikit ko ang aking mata sadyang nahihilo parin ako sa ginawa saken ng lalaki nayon.

Tumingin ako sa paligid ko, tatlo lang kami dito. Ang driver at ang kumidnap saken.

Katabi ko siya ngayon, hindi ako makapag-salita dahil sa telang naka-tapal sa bibig ko.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil mukhang may kausap siya.

At tinapat niya saken ang cellphone, naluha ako nang makita ang pangalan ni Jared sa screen. Tinanggal niya ang tela sa bibig ko para makapag-salita ako.

"Jared help me, please help mepghh!!" nag-mamakaawang wika ko.

Agad din niyang binalik ang tapal saking bibig.

Narinig ko ang malakas na mura ni Jared, alam kong sa mga oras na ito ay galit na galit si Jared dahil sa lalaki nato.

Ano bang gusto niya? Bakit ba ginagawa niya saken to, samin to?!

"Ops haha sorry Jared, pero kailangan namin si James eh utos ni boss. Nga pala kung hahanapin mo siya, wag kanang magpaka-pagod dahil wala siya dyan sa Korea. Dahil bukas na bukas palang, patay na siya." pinatay niya ang linya at agad na tumingin saken.

I'm A Sex Slave Of A Billionaire [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon