chapter 6: sleep over

16 3 2
                                    

Habang hindi pa bumabalik ang kuryente ay ginamit muna namin ang flashlight na itinago ko sa storage box.

Ngayon ay nasa kwarto ko na kaming dalawa

"Jellianne may extra kabang damit Jan yung kasya sakin? Ayos lng kahit pangbabae basta makapagpalit lng ako ng damit" sabi nya

"Ahhmm~~ wait lng baka meron ako dito" sabi ko at sabay bukas ng cabinet ko.

Naghalungkat ako ng mga damit ko na kasya sa kanya pero wala akong nakita na kasya sa kanya dahil nasa lamugan na pala lahat nalimutan kong maglaba noong nakaraang araw.
Kaya lahat ng natira na damit sa cabinet ko ay ang mga T-shirt ko noong fifteen pa ako at minsan minsan ko na lng sinusuot kapag wala na akong maisuot na oversized na damit ko.

At may nakita ako na kaisa isang pinaka iingatan ko na ibinigay pa sakin ng mommy ko isang dress na pang tulog.

Kinuha ko ang dress ko at ipinakita sa kanya total naman sabi nya ayos lng kahit pangbabae edi ipapasuot ko sa kanya.

"Mackelzie ito lng ang meron ako e, ayos lng ba? Sabi ko at ngumisi ng tipid

Habang iniaabut ko sa kanya ang damit ko ay nakita ko ang kanyang mukha na na pangiwi bahagya naman ako natawa ng patago

" a..e..o sige ayos lng, salamat" sabi nya at ngumiti ng tipid

Alam kong peke lng yung ngiti nya at pilit

Pumasok sya sa cr na dala ang damit na ipinahiram ko sa kanya at flashlight

Habang nasa loob sya ng cr sinamantala ko na ang pagkakataon para makapag bihis narin.

Bago paman sya makalabas sa cr ay nakatapos na ako sa pagbibihis.

•~•~•~•~•
Mackelzie p.o.v

Habang hinahalungkat ni Jellianne yung cabinet nya ay may nakita akong mga litrato nya kasama ang kanyang nanay at tatay,may nakita rin akong mga litrato nya noong sya pa ay bata at iba pa grabe ganon pala sya ka cute noong bata pa sya hanggang ngayon cute parin e walang pinagbago.

Syempre may nakita rin akong mga litrato ng mga lalaki na nakahubad ng pang itaas na damit at may mga abs walang iba kundi ang exo.

Isang poster nakadikit sa pader ng kwarto nya.

Mayamaya ay may iniabot syang damit at nakatupi at binuklat nya yun ng nakita ko ay napangiwi ako.

"Mackelzie ito lng ang meron ako e, ayos lng ba?" Sabi nya at ngumisi ng tipid Alam kong nagpipigil sya ng tawa.

"a..e..o sige ayos lng, salamat" sabi ko at ngumiti ng tipid

Pumunta ako sa cr at nagbihis
Habang nasa cr ako ay napansin ko kaagad ang malaking salamin,kahit na medyo madilim.
Siguro pagnaliligo sya nakikita nya katawan nya kasi ang laki ng salamin e.

Sempre bago ako nagbihis ay nagsalamin muna ako at inayos ang buhok ko.

Pagkatapos kong mag ayos ng buhok ko ay naghubad ako at nakita ko ba naman ang eight packs ko.(^=^) hahaha

Lumabas ako ng banyo at nakita ko sya na naka upo si Jellianne sa kama at napansin kong nakabihis nadin sya

Grabi ganda nya naka pambahay sya fit sa kanya yung damit nya tapos naka pajama pa sya.

"O,nakabihis kana pala" sabi ko

"Di ba obvious" sabi nya sakin na nakatotuk parin ang mata sa cellphone nya

Habang totok sya sa kanyang cellphone lumapit ako sa kanya para tingnan Kong sino kachat nya.

Pero habang papalapit ako sa kanya ay bigla nyang iniwas ang cellphone nya at nakita na nya ako na sout ang dress na ipinahiram sakin.

Nang nakita nya ako bigla sya tumawa ng malakas pero mahinhin,mahinhin yung pagtawa nya kaya natawa nadin ako at nagtanong.

"Ba..bkt? Ano nakakatawa?" Tanong ko sa kanya na tumigil na sa pagkakatawa

"Nakakatawa ka kac ehh" sabi nya na tumawa ulit ng mahinhin

"Girl anong nakakatawa bagay naman ehh diba" sabi ko at umakmang bading

Tumawa sya dahil sa galaw ko na pangbabae

Nang tumigil sya sa pagkatawa nya ay tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo sa kama

"Girl diba bagay sakin yung damit mo?" Sabi ko na nagbabading badingan at binangga ko ang kanyang braso

"Bagay,bagay na bagay sayo,sobra" sabi nya

"Talaga ba" sabi ko

"Oo" sabi nya at tumawa ng mahinhin
Nakaka attract sya sa tawa nya ganyan pala sya tumawa

Sa ilang minuto nyang pagtawa at wentohan naming dalawa ay nakaramdam na kami ng antok.

"Tulog na tayo" pag aaya nya sakin matulog

"O sige,inaantok narin ako e" sabi ko at humikab

Hihiga na sana ako sa kama nya ng bigla sya ng nagsalita

"Hephephep,don ka sa coach matulog wag dyan" sabi nya

"Girl wala naman ako gagawing masama e,tsaka ewww ikaw gagawan ko ng masama so yuck baka nalilimutan mo na parehas tayo ng gender" sabi ko sa kanya"kaya dito na ako mahiga tsaka takot ka diba sa dilim" dugtong ko

"E,ayaw ko" sabi nya

"Bahala ka jan, Basta dito ako hihiga" sabi ko sa kanya na nakahiga na sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko.

"Hyssst,kainis bala ka nga jan" sabi nya at akmang aalis na dala ang kanya dalawang unan.

Pero na pigilan ko sya
Hinila ko sya at di sinasadyang matumba sya sakin at nagkadikit ang aming mga labi.

(^~^)(*=*)(°•°)
So kakakilig di ko yun, inaasahan ko talaga yun,pero joke lng ang lambot ng labi nya

5 second nagkadikit ang aming mga labi

Bumangon sya sa pagkakahiga saking dibdib at nakita Kong namumula sya pati narin ako

Shitt kakakilig talaga

"Ewww yuck ka girl no bayan nagkadikit pa labi natin so kadiri" pagrereklamo ko sa kanya at nagkunwaring nasusuka

"Ikaw may kasalanan kaya,kung bakit nagkadikit labi natin e" sabi nya

"Luhh,ikaw kaya may kasalanan sisi mo pa sakin,kung hindi ka sana tumayo at lilipat ng higaan,edi sana di nagkadikit lips natin dalawa,kadiri ka girl" sabi ko sa kanya

" ikaw kaya yun" sabi nya

"Tabi na lng kasi tayo napaka arte mo bessh,di naman kita gagalawin jan" sabi ko sa kanya

"E,ayaw ko" sabi nya

"Sige baka gusto mo ng isa pa" sabi ko sa kanya

"Hysst,sige na nga" sabi nya

Humiga sya at hinarang unan sa pagitan naming at tumalikod sakin

Hindi ko alam kong tulog na sya kaya bumangon ako para tingnan kong tulog na ba sya

Nakita ko na tulog na sya kaya tinanggal ko ang unan na nakalagay sa pagitan naming dalawa.

Nang matanggal ko ang unan na nakalagay kanina sa pagitan namin ay bigla syang humarap sakin at niyakap ako ng mahigpit ang akala nya ako yung unan na inilagay nya sa pagitan namin.

Hindi na ako nakagalaw pa at na tulog na lamang

J/M:I hope you like my story thank you sa pagbasa,salamat rin sa kaibigan ko na si LoveIsOnTheAir_143.

*My Classmate Is My Soulmate*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon