chapter 3:nice to meet you

11 3 2
                                    

Mackelzie p.o.v

×°×
(Flashback)

Naghihintay ako ng jeep at taxi kanina,habang ako'y naghihintay ay may babaeng dumaan sa harapan ko at muntik ng madulas.

Buti na lng at nasalo ko sya kaagad

Nasalo ko sya at itinayo ng dahan dahan

Grabe ang ganda nya sobra

Nakaka in love sya pero ngayon ko lng sya nakita ehh.

Nagpasalamat sya sakin at humingi ng paumanhin at sabay alis ng hindi man lng nagpapakilala sakin.

Nginitian ko sya at tinanguan lamang,kanina bago sya umalis.

Matapos ang nangyari na yun ay lagi ko syang naaalala sa loob ng taxi na sinasakyan ko.

*-*-*-*-*

Madaming tanong sa utak ko kung ano ang pangalan nya at kung saan sya nag-aaral.

Nang para makasabay ko sya ng pagsakay ng taxi,kaso umalis biglang ehh.

Baka siguro nagmamadali sya kaya umalis sya kaagad

Siguro first day of school nila kaya Ganon o baka mali-late na sya sa school na pinag-aaralan nya

Hyssst..

Hanggang ngayon naaalala ko parin sya

Yung ganda ng mukha nya

Yung pagtingin nya sa mata ko

Yung pagkapit nya sakin ng mahigpit

Yung mukha nyang makinis

Yung ayos ng buhok nya

Grabe ganda nya

Sana magkita ulit kami,gusto ko ulit sya nakita

Sana bukas nakita ko ulit sya.

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong late na pala ako

Napaka traffic kasi ehhh

Matapos ang isang oras nang pakikipagsapalaran ko sa gitna ng traffic ay nakarating narin ako

"Magkano po?"tanong ko sa taxi driver at inabot ang bayad sa kanya

Pumasok ako at dali daling hinanap ang pangalan ko sa bulletin board na naka dikit.

Nang nakita ko ang pangalan ko ay dalidali akong naglakad patungo sa classroom na kung saan ko nakita kong nakasarado ang pinto.

Kumatok ako sa pintuan ng tatlong beses

At bumukas naman ito

Nang bumukas ang pinto ay bumungad sakin ang babaeng kanina ko lng niligtas sa pagkakadulas

Sobrang saya ko dahil sya ang kaklase ko

Kaya hinanap ko ang bag nya

Buti at natandaan ko kung ano hitsura ng bag nya

*My Classmate Is My Soulmate*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon