Reality 24 - Start A New

1K 11 23
                                    

*Heaven's POV*

Alas-dose na ng madaling araw. Hindi ako umuwi agad dahil gusto kong lumamig muna ang ulo ni Ate. Pumasok ako sa loob ng condo. Dahan-dahan akong dumiretso sa sala. Malinis at hindi mo aakalaing may naganap na away dito kagabi.

Baka tulog pa si Ate. Well, ganun sya pag malungkot, para syang si Sleeping Beauty pag may problema. Ang tagal nyang magising.

Pupunta na sana ako sa kusina ng may marinig akong pag-bukas ng pinto. Lumingon ako ay nakita si Ate Hera.

Magulo ang buhok nya. Nakasuot sya ng maluwag na white t-shirt tapos pajamas. Kinukusot nya ang mga mata nya medyo napatigil sya ng makita nya ako.

"Ate.." Tinawag ko sya.

Bigla syang ngumiti na syang kinagulat ko. "Pasensya ka na Ven, ha? Nadala lang ako ng galit ko. Sana mapatawad mo ko." Sabi nya.

Nilapitan ko sya at hinawakan ang magkabilang balikat nya. "Naiintindihan ko naman kung bakit mo nasabi ang mga salitang yun kagabi. Alam kong mahal na mahal mo si Dark, Ate."

Huminga syang malalim. "Tama ka. Mahal na mahal ko sya. Sa sobrang pag-mamahal ko sa kanya, nakakapagod na. Nakakasakal pala mag-mahal ng lubos, Heaven. Kaya nga tinapos ko na." Nanlaki ang mga mata ko.

"Tinapos?" Tanong ko na tila di maintindihan ang mga sinabi nya.

"Wala na kami. Pero alam mo ba? Imbis na mag-lupasay ako sa sahig, nakakahinga na ko ng maluwag. Pakiramdam ko binitawan na ko ng nakakasakal na pag-ibig na yan."

Ganun ba talaga ang pag-ibig? Nakakasakal ba talaga sya? Nakakapagod? Ganun din kaya ako? Mapapagod din kaya akong mag-mahal? Kung ganun yun, parang ayokong mapagod. Ayokong masakal sa pag-ibig.

"Heaven, may hihingiin sana akong pabor sayo." Sabi nya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Pwede bang mag-hiwalay muna tayo?" Sabi nya. "Gusto kong mapag-isa muna. Gusto kong mabuhay ng mag-isa. Hindi na ako nagkaron ng oras para sa sarili ko simula nung maging kami ni Dark. Kaya gusto kong kunin ang mga nawalang oras na yun. Mag-simula ulit. Okay lang ba yun sayo?"

"Kung ikakabuti mo yun, syempre payag ako. Kahit alam kong magkakahiwalay tayo." Sagot ko.

Ayokong iwan si Ate mag-isa. Pero kailangan. Kailangan nyang makahinga. Makarecover sa past relationship nya. Atsaka, pwede pa rin naman siguro kaming magkita diba?

"Salamat. Maraming salamat, Heaven.. At ngapala, may isa pa akong pabor." Sabi nya. Napataas ang isa kong kilay. "Ano naman yun?" Tanong ko.

"Tulungan mo si Dark na mag-move on. Gawin mo ang lahat para mawala ang pag-ibig nya sakin. Kapag hindi sya makapag-move on, paniguradong patuloy syang masasaktan. At alam kong ayaw mong mangyari yun. Kaya please, do whatever it takes for him to forget his feelings for me. Make him fall for you if you have to. Just do it. Can you?" Tanong nya.

Kaya ko ba? Kaya ko bang tulungan si Dark? Pano pag di ko nagawa? Ano bang mangyayari? Masasaktan ba lalo si Dark? Kung yun din lang ang mangyayari, gagawin ko ang lahat para maka-move on sya.

"I can. I will do it. For the sake of the both of you, I'll do anything." Kahit pa isakripisyo ko ang sarili ko, gagawin ko, para lang sa kanila. Ganun ko kamahal ang ate ko.. At si Dark.

Ngumiti si Ate. "Thank you Heaven. I owe you a lot." Nginitian ko sya pabalik. "No problem."

Nag-usap muna kami ni Ate sa iba pang mga bagay. Mga alas-tres na ng umaga ng mapag-isapan naming ayusin ang mga gamit ko.

Matapos naming ayusin ang mga gamit ko, umalis na ako ng condominium. Mag-hahanap ako ng bagong matutuluyan. Nilagay ko sa compartment ng kotse ko ang mga gamit ko at nag-drive paalis.

Fighting Against Reality [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon