Reality 33 - Happiness

846 9 3
                                    

*Heaven's POV*

"Bakit mo naman tinatanong yan? Alam mo naman ang sagot." Sabi nya. Huminga ako ng malalim. "Sagutin mo ang tanong ko Dark. Yung totoo." Sagot ko.

"Pinag-dududahan mo ba ako, Heaven?" Tanong nya sakin. "Hindi ko maiiwasang mag-duda Dark." Sagot ko.

"Anong hindi? Mahal kita Heaven! Hindi pa ba ayos sayo yun?"

"Ano bang malay ko Dark?! Hindi ko alam kung totoo ba talaga yun sinasabi mo... Alam kong hindi kaagad-agad mawawala ang pag-mamahal mo sa Ate ko. Kaya nakakapang-duda ang mga kinikilos mo. Hindi ko alam kung ginagawa mo lang ako panakip-butas o ewan."

"Heaven, pakinggan mo ako, mahal kita. Totoo yun.. Maniwala ka sakin." Sabi nya at hinawakan ang mag-kabilang balikat ko.

"Totoo ba talaga yan? Please lang, wag mong lokohin ang sarili mo... Hindi ko kayang makita kang nag-sisinungaling sa mga nararamdaman mo." Giit ko. Hindi ko alam kung bakit ko pinag-pipilitan na hindi nya ako mahal gayong yun naman ang matagal ko ng gustong mangyari.

Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko magawang maniwala. Parang nakukulangan ako sa pag-mamahal na sinasabi nya.

Pakiramdam ko hindi pag-ibig ang nararamdaman nya para sakin. Parang, naa-attract lang. Pero dahil kating-kati na syang mag-move on, siguro pinag-pipilitan nyang pag-ibig ang nararamdaman nya.

Yun ang kutob ko. Hindi ko alam ang totoo.

"Totoo ang lahat ng yun, Karylle. Ba't ba ayaw mong maniwala?" Tanong nya. Bakit nga ba? Bakit ayaw kong maniwala? Hindi ba ito naman ang gusto ko? Ang mahalin nya? Ito na yun eh, mahal nya na ako. Pero.. Hindi ko magawang paniwalaan ang mga nangyayari.

Hindi ko alam kung nasa realidad ako o nananaginip lang ako. Kasi hindi kapani-paniwala ang mga nangyayari.

Napa-iling ako, "I'm sorry.... Natatakot lang siguro ako. Baka hindi ko matanggap ang lahat pag hindi ko pa aalamin ang mga bagay-bagay. Sabihin mo lang sakin ang tunay mong nararamdaman, maiintindihan ko. Pipilitin ko ang sarili kong intindihin yon. Basta, sabihin mo sakin...."

Napayuko sya, "Sa totoo lang, hindi ko alam ang nararamdaman ko, pero sa tuwing nakikita kita, para akong lumulutang. Ang gaan ng pakiramdam ko. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko. At hindi ko mapigilang ngumiti pag kasama kita. Ang kaso, pag nababanggit mo ang ate mo, hindi mapigilan ng sarili kong mamiss sya." Sa mga sinabi nyang yun, naramdaman kong naguguluhan sya.

"You push yourself to someone to fight against reality. You make yourself stupid for calling things like those love. You want to escape from the past and look at others to keep yourself from hurting. But that doesn't make anything better, it makes things worse. Nag-papaka-duwag ka dahil lang ayaw mong masaktan kahit konti. Sabi nila, ang buhay, hindi lang puro sarap, kaya nga nandyan ang problema. Pero kailangan nating masaktan ng konti para maging handa sa kung ano mang makakasakit satin ng sobra." Sinabi ko at inalis ang mga kamay nya sa balikat ko.

"Umuwi ka na... You need time for yourself." Sabi ko at tinalikuran ko na sya.

As soon as I closed the door, I felt hot tears stream down my cheeks.

Sabi nga nila, kahit magka-hiwalay pa ang dalawang tao, patuloy pa rin silang nakatali sa isa't isa.

Wala na ata talaga akong pag-asa. O baka naman simula't sapul wala akong pag-asa. Ako lang tong tangang umasa.

**Fast Forward - Next Day; Hope Hospital; 10:59AM

Naisipan kong bisitahin si Kean sa ospital. Pero wala pa rin syang malay ng makarating ako roon. Sobrang putla na ng mukha nya.

Nasa labas si Kim para kumain ng lunch nya, hindi daw kasi sya nakakain mula kagabi. Kaya nag-volunteer na ako para bantayan si Key kung sakali mang magising sya.

Hinawakan ko ang kaliwa nyang kamay. "Key, sorry ha. Hindi ko naman alam na ganun pala. Ngayon, naiintindihan ko na. Please, gumising ka na." May tumulong luha galing sa mata ko.

Bigla ko na lang naramdaman ang pag-galaw ng daliri nya. "Kean?"

"He.... Heaven...." Narinig kong tinawag nya ang pangalan ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"S-sorry... S-sorry sa la-lahat.. H-hindi ko gusto... Yun.. Hanggang ng-ngayon, mahal kita... G-gusto ko... Ma-maging masaya k-ka.. G-gusto ko yung k-kuntento ka na sa k-kung a-anong meron ka.. Mahal na mahal kita, Heaven... Ma-hal.. na mahal.. M-masaya ka na ba?" Pilit nyang sinabi yun ng may ngiti. Alam kong nahihirapan na sya pero pinag-patuloy nya pa rin.

"Hindi ko alam... Komplikado ang lahat. Hindi ko alam kung pano ko sosolusyunan to.." Sagot ko sa kanya.

"S-subukan mong g-gawin kung anong makakapag-pasaya sayo.. K-kahit papano maging madamot ka.. Ka-hit papano isipin m-mo ang sarili mo.. Kasi pag hindi, baka abusuhin nila ang pag-paparaya mo... A-at hindi maganda y-yun... Ipangako mo s-sakin na magiging masaya ka... Ipangako mo.."

Tumango ako, "Pangako." Tears started streaming down my cheeks as I felt his grip on my hand got tighter.

"G-good. I wish you happiness.... I love you.. Heaven..." Nagulat ako ng bumitaw sya sakin. Tinignan ko ang heartbeat nya. Unti-unti itong humihina hanggang sa maging diretso ang linya sa makina.

"Kean? Kean!" Niyakap ko sya. H-hindi pwede...

Isang mabuting tao si Kean. Nami-misinterpret lang nila ang pagka-misteryoso nya. Kasama na ako ron.

**Fast Forward - 1 week later...

Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng mamatay si Kean. Kasulukuyan kaming nasa sementeryo para sa libing nya.

Maraming tao ang nadalo. Siguro kung makikita to ni Kean, iisipin nyang masaya ang mga tao dahil wala na sya pero kabaligtaran ang mga yon, lahat ata may luha sa mga mukha nila.

Nag-tapon na kami ng roses sa kabaong nya.

I'll pray for your soul to rest in peace, Kean Fuentes.

*Third Person's POV*

Punong-puno ang lugar na ito ng tao. Bawat tao ay may kayakap na kapamilya sa pag-babalik nila sa bansa. May ilan ding malungkot sa pag-alis nila.

Nag-simulang mag-lakad si Hera sa gitna ng airport.

Nakabalik na rin sya, sa wakas.

___

Awoooo~ Bumalik na si Hera~ XD

Malapit na ATA itong matapos. XP

Wala sa plano ang pagka-matay ni Kean. Pramis. xD Iba dapat ang mangyayari pero, ewan ko ba sa utak ko. hahahaha.

~Chamiko

Fighting Against Reality [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon