Chapter 1- The Crazy Beginning

155 1 1
                                    

Papasok ako ng school nang Makita kong dadaan sa kalsada yung kotse ni Ivan. Grabe rich kid talaga siya Nakaka inggit naman. Syempre ako naman di nagpahalata na nakita ko siya. Pabebe style ko yan syempre. Nagulat ako kasi bigla siyang bumusina sa aken. Siraulo ba sya? Nasa gilid ako ng kalsada tapos bigla nya akong bubusinahan.

“Hoy ikaw” sabi nya

“Uhmm ako?” pabebe ko namang sinabe

“Baket, may iba pa bang tao ngayon sa kalsada bukod sating dalawa” aba alangya to ah. Napakasungit talaga

“Pasensya naman. Bakit ano bang kailangan mo?”

“Sumabay ka na sa aken.” Medyo kinilig ako nung sinabe nya yon

“Ano pag ti-tripan mo na naman ako? Hindi na total malapit na rin naman tayo sa School eh” sabi ko sa kanya with pride. Pero sa totoo lang tinatamad na kong maglakad at gusto ko nang sumamkay sa kanya

“Ang dami mo pang sinasabi dyan eh sumakay ka na” bigla siyang bumaba sa sasakyan nya at hinila ako papasok sa auto nya. Sa passenger seat niya ako punaupo. Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin nito saken?

Maya maya habang nagmamaneho siya

“Patchot….” sabi ni mokong. Patchot ang tawag niya sa aken. Inaasar ako niyan kasi kamukha ko daw si Bakekang. Pero di naman ako naniniwala syempre mas maganda naman ako dun noh.

“Sabi ko na nga ba eh. Pagtitripan mo na naman ako. Ano yon?”

“Ano kasi ehh Will you…”

Ohmygod eto na ba yung pinaka hihintay kong moment? Dahil kung eto na nga yon YES na ang sagot ko.

“Ano?? Ano bang pinagsasabe mo dyan Ivan?” sabi ko sa kanya with matching pabebe style

“Will you be my………”

“GUMISING KA NA AT MALE-LATE KA NAAAAA!!!!!!!!” parang kilala ko yang nagmamay ari ng boses nayan ah. Maya maya ay naibuklat ko na rin ang mga mata ko.

Ay tangina naman. Panaginip lang pala L medyo panira rin ng moment itong sa mama eh. Ganda ganda na ng panaginip ko ehh. Uhhm wait lang ipipikit ko ulit yung mga mata ko baka sakaling makabalik ulit ako sa panaganip ko..

Para akong tanga sa ginagawa ko. Alam mo yung gigil na pikit para makatulog ka. Pero wala eh, hindi na  talaga ako makatulog. Nakakaasar naman L

Maya maya ay bumangon na rin ako. Pag check ko sa phone ko, 5:00am pa lang naman pala. Medyo nakakainis rin itong si mama eh. 7am pa naman ang pasok ko eh walking distance lang naman mula sa bahay namen hanggang sa school. Kung di lang sana nya ako ginising edi sana narinig ko nang nagtapat si Ivan sa aken. Kahit hanggang sa panaginip lang. pero wala eh, di na talaga ako makatulog. Wala na akong choice kundi bumangon nalang at maligo na.

TIME CHECK 5:45AM

Bumaba na ko galling sa kwarto ko at kumain na ng breakfast kasama si Mama, Papa, at Kuya Jeremy.

“Goodmorning Patricia” masayang bati ni Papa

“Goodmorning din Papa, Goodmorning Kuya” bati ko sa kanilang dalawa

“Aba ako ba eh hindi mo babatiin?” sabi ni Mama

“Eh kasi naman Mama eh ang aga mo akong ginising. 7am pa naman yung pasok ko. ”

“Mas mabuti nang maaga kesa ma late.” Dahilan naman netong si Mama, hay nako to si Mama, kaya lab na lab ko to eh.

“Hay nako ma, para namang napakalayo ng Bahay natin sa STA (St Thomas Academy). Pero wala na rin akong magagawa kumain nalang tayo.”

Fated To Love You (JaDine FanFic) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon