Chapter 2

66 1 0
                                    

Andito kami sa loob ng classroom ngayon. Nagtuturo na naman si Pakanton about sa Ancient History ng mga Griyego at mga Romano. Ano bang pakealam ko sa kanila eh hindi ko nga sila kababayan eh. As usual, ang mga kaklase ko bored na bored rin.

Sa wakas natapos din magturo si Pakanton. Bago siya umalis ng classroom. Ni remind nya samen na next week daw ay magsisimula yung Club Day at dahil daw doon ay hanggang 12 lang ang klase para makapag register na sa iba’t ibang club. Ano kayang magandang club ang pwedeng salihan ko?

“Hoy Patchot, gusto mo sumali sa club namen? Ako ang President ng club na yon” Sabi ni Mokong

“Ayoko nga. Pagti tripan mo na naman ako dun for sure eh. Wag nalang” sabi ko

“Bahala ka, alalahanin mo transferee student ka lang, wala ka pang masyadong kakilala dito sa STA. kung sa club ka naman namen sasali, for sure hindi ka naman mao-OP.” ang dami niyang sinabe

Sa bagay may point naman siya. Wala pa akong masyadong kakilala dito sa STA. well wala akong choice kundi sumama sa club niya. For sure di naman nya siguro ako papansinin don.

“Sige papayag na ko sa isang kundisyon”

“Ano naman yon?”

“Sasali ako sa Club mo basta kasama si Yen”

“Sus yung lang naman pala eh. Oh sige kita kits nalang tayo mamaya sa Registration haa.” Bigla na siyang lumabas ng classroom. Aba! Ang power naman niya hindi pa nga tapos yung 3rd subject tapos lumabas agad. Iba na talaga pag rich kid eh.

Eto na nga at lunch time na. early dismissal para makapag register na sa iba’t ibang clubs. Pumunta na kami ni Yen sa club ni Ivan. K-Boys ang pangalan ng club niya. Medyo jologs haa.

“Ay ang taray naman ang hanggang dito sa labas ng room yung pila for registration sa club ni Ivan”

Syempre hindi na ko nagtataka, sobrang haba nga talaga ng pila at halos lahat ng nakapila ay Babae, may ilang beki rin. Infairness di naman halata sa kanila ang pagka obsessed nila ka Ivan.

“Ang haba naman ng pila. Baka abutin naman tayo ng anong oras dito” sabi ko

“Uhm Excuse Me, kayo ba si Patchot at Yen?” sabi ng pogi na lalake

Infairness ang pogi nga nya talaga. Bakit patchot ang tawag nya saken eh di ko naman sya kilala?

“OO kami nga yon. Bakit?” sabi ko kay pogi

“Good. So pwede na kayong pumasok sa Loob” sabi nga ni Pogi.

“Ay taray naman eh nakapila pa kami eh” Yen

“Ahhh don’t worry kasi nailista na kayong dalawa ni Ivan” taray may special treatment pa. pero ayos na rin yon atleast di mauubos yung oras namin kakapila sa pesteng club na to.

Nakapasok na kami sa loob ng room. Grabe siksikan naman dito sa loob. Akala mo parang sardinas sa sobrang siksikan. Anyways, May choice pa ba kami? Kailangan nalang naming magtiis. Maya maya at nagsimula na yung Program, syempre bilang siya ang presidente ng club ay andon si Ivan sa stage kasama ang tatlong iba pang lalaki. Correction, Tatlong Gwapong Lalaki. emegs

Nagpakilala na nga si Ivan sa members. Bat pa nya kailangan magpakilala eh sikat na sikat naman siya dito sa STA. masyado talaga siyang pagwapo. At syempre pinakilala rin nya yung 3 poging lalaki sa amin. Una kong nakilala yung sumundo sa amen kanina sa labas ng Room. Ah okay, so Zander pala ang name niya. Ang cute rin nya eh infairness, ang lakas maka Enrique Gil ang dating. Kinwento nya sa amen na siya ang Team Captain ng Football Team ng STA.

Fated To Love You (JaDine FanFic) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon