"Hi miss musta ang unang araw? " bungad sa akin nila keith napangiti naman ako buti pa sila kinamusta ako. "Maayos naman dami ko nang kaibigan dun ei. "napatango tango naman sila nag paalam na akong mag sho shower muna... ang pera ko naman na ibinigay ni Thunder isusuli ko nalang di naman nagalaw ei.
Bumaba na ako pag katapos nag uusapa naman sila sa sala ng seryoso kaya tumikhim ako.
" Kumain naba kayo? "umiling naman sila" sige mag lulu--." pinutol naman ni Thunder ang sasabihin ko... Bastos lang ei lam niyang nag sasalita pa ako. " bayaan mo silang mag luto ng sarili nila. " sungit talaga.
" Ano ba Thunder." suway ko rito "dito nalang muna kayo huh luto lang ako." napangisi naman sila saka tumango tango.
" Under si boss." dinig kong saad ni kieth.
" Kaya nga. "
Binuksan ko naman ang ref ano bang masarap na lutuin sinigang nalang pag kasarado ko ng ref gulat naman akong napalingon sa katabi ko."Ano ba naman kidlat. "
"Unti nalang ang lutuin mo umalis na sila. " napatango nalang ako..
"Ayy wait lang bakit naman. ""Wag nang madaming tanong. "
?!
"Teka Thunder. "kinuha ko sa bulsa ang 10k na pinabaon niya sa akin.
Binalik ko naman ito sakanya.
" Nga pala nang libre kanina yung classmate ko isasauli ko sayo ang 9k sobra na kasi ito para sa isang linggo ko sakto na itong 1k."" Anong kasya? mahal ang mga pag kain doon. " napailing nalang ako mayaman nga naman.
"Thunder naman may mga mura naman dun edi yun nalang ang bibilhin ko."Napakamot nalang ito sa ulo " ang kulit mo kunin mo yan ayaw kong magutom ka." namula naman ako dahil sa sinabi niya..
"Ayaw ko naman agad mawalan ng asawang walang binibigay na anak."
" Oo na akin na itatabi ko nalang bahala ka jan. " saad ko rito saka na nag patuloy na mag luto.
Pinag mamasdan lang ako nito kaya nahihiya akong lumingon sa kanya grabe naman kasi kung maka titig wagas ei.
Hindi parin ako makapaniwalang yung muntik ng makasagasa sa akin asawa ko na grabe naman. Kamusta nadin kaya sila tita.
Pag katapos ko mag luto kumain na kami shempre di kami nag usap ano bang aasahan ko. Natapos na kami sa pag kain kinuha ko nalahat ng pinggan para hugasan ng kinuha nito sa kamay ko at siya na ang nag hugas tinulongan ko nalang ito.. Marunong pala siya mag hugas ei.
Nag paalam na akong matutulog na..
Umaga nanaman 7:05 na ginawa ko na ang daily routine ko ... Kailangan ko ng mag madali kasi late na ako ano ba naman yan... "THUNDER! " sigaw ko rito pag kababa ko "tara na kaybago bago ko late ako agad huhuhu. " tumakbo ako agad sa sasakyan sumunod namn agad ito ano ba yan ang bagal naman mag lakad.
"Thunder ano ba! " umirap naman ito saka mas binagalang mag lakad naman ei huhuhu. "Thunder uupakan kita. " naiinis na saad ko tumawa naman ito kaya na panganga ako amppogii nam-- este panget..."Bakit ka nag mamadali?" pag tanong nito. "Late na ako malamang." pambabara ko rito. "Eh akin naman yung University asawa naman kita. "
"Ehh ano ngayon kung asawa mo ako sakin ba yun? Huh? Dalian mo nalang. "
Nakarating naman kami agad pero unti nalang ang studyanteng nag lalakad..Tumakbo ako ng tumakbo bwesit ang layo naman kasi ng room ko nasa third floor pa nakarating naman ako ng mga ilang oras 32mins. Late na late na late na talaga ako shems naman.. Hinihingal pa ako.
Binuksan ko naman ang pintuan napatingin naman silang lahat sa akin. "Sorry ma'am late po ako. " ngumiti lang ito sa akin at nag patuloy ulit ito nag mag discuss.. Ano yun? Diba dapat nag h-high blood na si ma'am wierd naman.
"Grabe ka bessy kala ko absent kana. " napakamot nalang ako ng ulo di naman pwede yun.
"Bakit hindi ka pinagalitan ni ma'am samantala si jesieca ( je- say- ka) kanina napagalitan ng bungga. " napalingon naman ako sa sinabi niya.
"Di ko rin alam ei. " nag kibit balikat nalang ito.
Natapos din ang discussion wala kaming vacant ngayon kaya wala munang kakain grabe gutom na akooo!
Nag paalam naman ang teacher namin na may gagawin kaya nag sigawan kami. Tarang cafeteria sigaw ng isa kaya nag sunudan kami.
Pag pasok palang naman nag aabang na sila Britney kasmaa ang mga kaibigan niyang may hawak na mga pag kain patay kang bata ka ...
"Kaya pala wala kana sa bahay kasi may bago ka ng tinitirhan. " wag kang mag simula ng gulo Britney..
"Ano ba tumigil ka Britney! " sabat ni josh
" ayaw niyo marinig ang kwento ng buhay ng bago niyong classmate. "
Tumawa naman ito ng napakalakas."Yaya namin yang kaklase niyo Josh." nag tawanan naman ang mga ibang studyante. umiling iling lang ako kasi hindi naman totoo.
"Hindi yan totoo pinsan kita. " saad ko rito bakit kailangan niya akong ipahiya sa harap ng maraming tao.
"At kaya ka hindi umuuwi sa bahay kasi meron kanang asawang matandang mayaman na mabilis mamatay tama ba ako. " tumingin naman ako sa paligid ko naluluha na ako.
"Di yan totoo. " naiiyak kung saad.
"Tumigil kana Britney di na nakakatawa ang ginagawa mo." sabat naman ni josh na halatang galit na.
"Bakit Josh siya naba ang bago mo? Malandi!" malakas na sigaw nito saka ibinuhos ang mga pag kain sakin napayuko nalang ako.
"Ms. Britney Agustin ikaw lang gumagawa ng ikakapahamak mo sumama ka sa akin sa dean office. " umiyak lang ako ng umiyak.
Hindi yun totoo paulit ulit kong saad inaalo lang nila ako "naniniwala kami sayo. "saad naman nila bakit ba kasi ganito dito kala ko masaya na ei.
" Pinsan mo pala yun bessy bakit di mo sinaktan."binatukan naman nila si Sofia natawa nalang ako diko na alintanang marumi ako at basa dahil sa pag kain at juice na binuhos sa akin ni Britney.
" Shempre may utang na loob parin naman ako ei." kahit naman ganon ang ginawa niya saakin pinsan ko parin naman yun ei.
" Teka sino ba asawa mo huh?" tanong ni Mico tskk.
" Si Mark Thunder Valdez. "walang gana kung sagot samantala sila gulat na gulat.. Ano bang nakakagulat?
" Wahh totoo!" ang Oa naman mag react ni Bianca." Yung totoo bessy bawal mag sinungaling." parang nag j-joke naman ako.
" Ayaw niyo maniwala di wag bahala kayo jan alis na ako bye. " shems nahihilo na ako kailangan ko ng maka uwi ei gutom na ako.
Ang tagal naman Thunder asan kana. Nakita ko naman agad ang sasakyan niya nag lakad ako palapit rito pero hindi pa ako nakakarating ng napahiga na ako tumakbo ito palapit sa akin.
" Wife naririnig mo ba ako. " oa naman nitong asawa ko matutulog lang ako saglit ei ano kala niya sakin binge....
BINABASA MO ANG
Unexpected Marriage
ActionUnexpected Marriage Paano iibigin ni Quinn si Thunder kung isa itong mafia boss? Matatanggap bq nito ang pag katao ni Thunder?