A/N: Hello sa mga readers kaway tayo, this is my second story in watty enjoy reading this para ito sa lahat ng taong uhaw sa lovelife at sa mga taong NEVER SAY DIE....!!!
last na kahit di kayo magvote ayus lang trip ko lang talaga ishare... :D
One....
"Wahhh!! I really hate him, I really, really do huhuhu!!!!" ngawa ako ng ngawa habang patuloy na tumatakbo sa mall. Walangya sya pati yung hipon nyang babae magsama sila sa motel!! Bestfriend daw ngeta ano na friend-zone lang ako! Akala nya ba magtatagal sila di nya alam ginayuma lang sya ng malandutay na yun. Halos lahat ng tao dito ay napapatingin sa akin, masisisi ko ba sila eh sa maalindog ako eh. Pero teka di ba dapat sad ako bat ba ako nagjojoke!!. Punas ako ng punas sa mga luha kong malagripo ang agos bakit ayaw tumigil ng mata ko!! Lahat na ata ng pwedeng tumulo ay tumulo na pati sipon! Di bale I'm still beautiful parin naman eh.
Ayoko ko na talaga bugbog sarado na puso ko pinukpok pa ng martilyo!! Akala ko pa naman he's the one na talaga ayun pala he's one of the notorious gang na tumapak, humiwa, pumunit, sumaksak, at lumapastangan sa puso kong tigang na tigang na. Patuloy parin ako sa pagtakbo ni di ko ramadam ang pagod marahil dahil narin sa sakit ng nararamdaman ko.
Bakit ba ganito Lord nagpapakahirap naman ako diba? Palagi akong nagsisimba ni minsan di ako umabsent. Mabait naman ako, di ako nagdu-drugs, di ako murderer, wala akong inaapi pwera sa yaya ko pero ganun talaga ang lambingan namin eh. Lord bigyan nyo na ko ng jowa, magiging thunders na ako soon. God naman, ihulog nyo na mula sa langit at buong puso ko syang sasaluhin God please.........please.......plea-
"Ay baklang pader na tumubo sa mall!" Aray naman oh kitang nage-emot yung tao, istorbo! Teka lang kelan pa nagkapader sa gitna ng mall? Napakamot ulo ako saka kinapa-kapa yung pader sa harap ko, bakit ang bato naman yata ng pader na to? Mas kinapa ko pa yun ng bongga ewan kakaadik lang...xD
"Ehem" napatingala ako sa inakala kong pader. Shreek ang poging pader naman neto! Ang tangos ng ilong, ang sarap halikan ng lips, nangungusap ang mga brown nyang eyes, tapos ang kapal ng kilay nya pero bagay nama ito sa kanya,matangkad hanggang balikat lang ako, moreno ang kulay, shreek talaga pinoy na pinoy! at ang pang finale ANG DAMING PANDESAL!!!!!
Sya na ba God sya na ba talaga tenkyu Lord, tenkyu talaga!!!!
"Miss yung kamay mo." Ay letcheplan pati boses ulam!
"Sorry!" Natatarantang sagot ko pero dahan dahan ko lang na tinanggal ang kamay ko sa abbs nya, bitin ang lola nyo! Bigla akong tinubuan ng hiya ng titigan nya ako. Nakakunot ang noo. Annoyed ata sa feslak ko, agad-agad kong pinunasan ang mukha kong basang basa ng luha, kumalat ata make-up ko.
BINABASA MO ANG
This Chase[Editing]
Humor"Being able to wait is a sign of true love and patience" yan ang madalas paniwalaan ng iba pero wait meron atang isang babaeng hindi naniniwawala at tutol sa kasabihang yan!!! Meet Rico Mae Letante, isang babaeng never say die sa pag-ibig, ilang bes...