Two: Drunken Heart

54 4 9
                                    

Two...





"Bean!!!" ngawa ko sa kaibigan ko ng salabungin ko sya sa entrance ng bar. Tinawagan ko kasi ito ng makaalis ako sa mall. Namiss ko sya ng sobra!!! Kailangan kong ilabas lahat ng dapat ilabas. Syempre di naman ako manhid na purkit nakakita ako ng pogi eh move on agad mga three days naman bago ulit lumandi chos!!!



"Aray naman!" muli kong untag ng batukan ako nito. Bean naman eh.



"Ikaw na bruha ka tingnan mo nga yang mukha mo! Tapos na halloween na nanakot ka pa!" Oo nga pala't kalat ang make up ko! Pagalit nitong sabi sa akin nakapamewang pa ang lola dinaig ang mudra ko!!! Hinila nya ako papunta sa isang table ay wagi ang daming papa ditech!



"Umupo ka nga!!" galit parin, naku nagtatampo lang yan sa akin dahil six months na kaming di nagkikita. Talaga tong bestie ko hobby na ang sumimangot, at magsungit, di kaya to naubusan ng dugo parang di natigil ang period dahil laging nakabusangot.



"Naku Rico Mae wag mo kong ngitian ng ganyan, di ba broken ka nanaman para kang baliw saan ka nakakita ng babaeng nakangiti pagtapos mabigo sa lo- love life na yan" Nauutal nyang sabi, talaga to maski ang banggitin ang salitang love ay di nya magawa, di kasi ito naniniwala sa love love na yan. Maganda naman tong si Bean, maraming manliligaw daig pa ko, pero lagi nya itong iniismiran at tinatarayan, because sabi nya di nya trip ang magshota-shota sa madaling salita Man hater ang lola nyo. Sabi ko nga sa kanya akin nalang yung mga manliligaw nya open arms nya naman itong ibinibigay kaso ako talaga ang problema Ayaw nila sa akin!



Umorder na kami ng pagkain, resto bar kasi itong napili naming tagpuan binalak ko sanang umorder ng beer pero pinigilan ako ni Bean. Kaasar naman oh!! Nang matapos kaming kumaiin ay ikinwento ko na ang mga pangyayaring naganap kanina at ayun nagusok nanaman ang kanyang ilong at pinagalitan nanaman ako. Kawawa naman ako.



"Ilang beses ko ba kasing sasabihin sayong pare-pareho lang yang mga lalaking yan! Ang tigas kasi nyang ulo mo pati na yang mukha mo at di ka parin madaladala kahit nasaktan ka na ng paulit-ulit kulang nalang magboldstar ka sa harapan nila di ka lang nila tanggihan!!!"Ayan nagleletanya nanaman ang lola ko, naku sanay na ko kaya ko nga mahal tong bestfriend ko kasi kahit matigas ang ulo ko, di nya parin ako natitiis, at nagagawang iwan, yun nga lang sobrang out spoken with loud speaker pa at sinasabi ang lahat ng gustong sabihin.

"Bean naman alam mo namang mapagmahal akong tao eh" simula ko sa kanya naka pout pa ko nyan.



"Oo nga sa sobrang mapagmahal mo wala ka nang tinira, sinimot mo pa lahat ng lalaking dumaan at dadaan sa buhay mo! Isipin mo nga Rico ilang beses ka na bang umiyak sa mga lalaking yan! Gusto mo bang madi-hydrate ka!! Naholdap ka na, ginawa ka ng ATM, inakyat bahay ka pa, tapos ngayon na friend-zoned ka! Tanong lang ha kelan ka ba mapapagod?" tuloy -tuloy nyang sabi sa akin grabe hanga talaga ko sa bestfriend daig pa counselor eh xD.





"Ay taray ang talinghaga, hugot pa bean, hugot!" pagbibiro ko sa kanya baka sakaling makalusot. Pero mukhang di ako makakalusot kasi lalong bumusangot ang beautiful face ng bestfriend ko.Iniyuko ko nalang ang ulo ko, hoping na di nya ko sigawan...



And I was wrong... T^T

"Rico sana di muna ako pinapunta dito kung di ka naman pala makikinig!!!! Sinasayang ko lang pala ang laway ko sayo, kailan ka ba talaga titigil dyan sa kagagahan mo. Ilang beses ka ng niloloko ng mga lalaking yan, pero anung ginagawa mo sige ka parin ng sige!!!" walang hinga-hinga nyang sabi, uminom sya ng juice, mukhang naubusan ng hininga -__-".



"Sorry na Bean!!" sorry ko sa kanya habang nag pa-pout alam ko namang mahal ako ni Bean kaya nya ko pinangangaralan kaya pagdating talaga sa kanya tiklop ako.

"Please naman Rico mahalin mo naman sarili mo. By the way kita nalang tayo bukas kanina pa nagte-text si Dad about sa business, I have to go. You take care of yourself okay. Bye I love you best" inayos nya ang gamit nya at tumayo na para umalis.

"I love you too" sagot ko sa kanya sabay beso sa kanya, at ayun tuluyan na syang umalis. Mag-isa nanaman ako T.T, tiningnan ko ang relo ko 7:15 na pala pero ayoko pang umuwi.



Di naman siguro masamang maglasin kahit onti lang di ba? Tumayo ako at pwumesto, time to make myself heal. Malay mo nandito pala si One true loves ko!!!! Hehe the only step to move on is to find a replacement.. Yan ang moto ko!!!



Heart wag ka muna mapagod ah we have to find Mr. right tonight.



Sahel's POV



"Waiter...! Hoy waiter geme more shot... I want more!!!" sigaw ng isang babae sa isa sa mga waiter dito bar ko. Halatang lasing na lasing na to dahil sa utal utal nyang pagsasalita at namumulang mukha. Tiningnan ako ng waiter kaya naman lumapit na ako... And...Shit. Kumalat ang mga nabasag na shot glass mula sa tray na hawak ng waiter dahil sa biglang pagkatumba ng babaeng lasing na yun.

Lahat ng tao ay natigilan at napatingin sa babae na ngayon ay humahagulgol habang nakahiga sa sahig. She's making a scene!!!

Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan syang makatayo.

"Pare-pareho kayo *sob Bakit di nyo ko magawang mahalin?...*sob Im pretty naman ah.... so tell me why!!! Maski virginity ko di nyo magawang kunin.. Whats the problem ba? huhuhuhu!!" walang tigil syang umiyak habang ako bigat na bigat na sa pagkakabuhat sa kanya paano ba naman ay nakasukbit ang kanyang mga kamay sa leeg ko -___-" Lahat ng tao ay natawa sa sinabi nya, ang iba pa ay nagawa syang picturan but I cover her, so that pictures are useless Im getting annoyed..I look at her at halatang puno ng lungkot ang mukha nya. Wait I remember her...

Tiningnan ko ng mabuti ang mukha nya. Im right she's the girl in the mall, Is she stalking me? Pinulot na ng mga trabahador ko ang kalat na ginawa ng babaeng to while Im managing to get her out of my restobar pati kasi ang mga customer ko ay nagsisialisan na dahil sa kagagawan ng baliw na to. Nang mailabas ko sya ay bigla na lang syang nagpupumiglas, na bitawan ko sya at ayun mukha syang batang nakalumpasay sa gilid ng kalsada... The hell

"Sabihin mo sakin pangit ba ko? ha *sob ginagawa ko naman lahat ah...*sob ano ba gusto nyong gawin ko? *sob" kinusot kusot nya ang mga mata nya. Parang isang batang naagawan ng candy. This is too much!!!

"Pwede ba anlaking gulo na ang ginawa mo sa resto ko, so please get yourself a life and dont bother others about your f*cking failure in love!!" saglit syang napatigil dahil sa sigaw ko pero makalipas ang isang minuto ay bigla syang ngumawa ng pagkalakas lakas dahilan para mapatingin ang lahat ng tao sa aming dalawa. Now what kasalanan ko pa.

"Fine shut up! come on" bulong ko sa kanya saka sya itinayo, di naman ito umalma ng gawin ko yun. Pinunasan nya ang mga mata nya na namumungaw na sa antok.

"wait I think Im going to......"

"The f*ck!!" sigaw ko ng bigla nya akong sukahan sa dibdib. This girl will pay me back!!!!

This Chase[Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon