CHAPTER 1:Mahangin War

7 0 0
                                    

Shammy's Pov

"France?ang tagal nya naman...3:00 na po kaya"reklamo ni Gette at napairap

"Mga girls naman...wait lang please?"mahinahong tanong ni France

"Hayysstt...oo na...Gette?hayaan mo na,minsan lang naman humingi ng pabor si France,pagbigyan mo na"nakangiti kong sabi at nagkulikot ulit sa laptop ko

"Eh pupunta ba sya?"nakangusong tanong ni Gette...nagli-lipstick kasi sya.
Bridgette Gale.ang pinaka-famous at fashionable samin...pero sya ang pinaka malambing

"Oo"simpleng sagot ni France.Francine Dy.ang pinaka mahinhin saming tatlo...pero?sya ang pinaka astig manapak..ewan ko ba dito

At ako?ako lang naman ang pinakamagandang babae sa laman loob ng lupa charr!ako si Catriona Gray another charr hahahaha!

Ako si Shammy Zianlie Tiñedo.ewan ko description ko eh hahaha!

"Mga guys!ayun na sya!"masayang sabi ni France kaya inayos namin ang mga gamit namin at dali daling umalis ng canteen.Nagtago kaming tatlo sa isang sulok sa canteen...nakita namin ang tatlong lalaking mga gwapo!!wahhhhh!!isa lang kilala ko sa kanila...si Alex Renn siya ay moreno at womanizer dahil ang dami nyang kinikindatang babae.Ang isa naman ay nuknukan ng puti at nakasalamin...wala syang emosyon at mukang matalino.Ang huli ang nangunguna sa kanilang tatlo sa paglalakad,poker face sya at mala-Dao Ming Si ang aura,hindi sya maputi at hindi rin maitim...hindi rin moreno pero maputi sya...hindi nga lang nuknukan...ang gwapo nila!!kaso baka mga manyak yan!tama!

"France asan ba dyan bebe mo?uupakan ko!iniwan ka sa ere!"sabi ko,laking gulat naming dalawa ng ituro nya si Alex....

"ANO!?!?SI ALEX RENN!?!?!?!?!?!?!??!?"malakas na sigaw namin ni Gette kaya napahinto ang lahat sa paglalakad....pati ang mga kuya'ng gwapo

"Who called my name?"nakangiting tanong ni Alex at lumapit sila saming tatlo

"Kaming dalawa bakit?"mataray at sabay na tanong namin ni Gette sa kanya

"Nothing...walang autograph today girls...sa susunod nalang"mahangin nyang sabi

"Aba'y g*go ka po!ang hangin mo!dapat hindi mo nalang jinowa si France!mas boto kami kay Lee Min Ho!!tse!"mataray kong sabi sabay irap sa kanilang tatlo at hinila sila..pero hinarangan kami ng mahangin

"Hoy!anu toh!?telenobela!?haharangin mo kami tapos liligawan mo si France tengene!"mataray na sabi ni Gette

"Wait....Alex is not courting her...wag kayong mag iskandalo"walang emosyong sabi samin nung nakasalamin

"Ay aba wow!kame!?KAME!?excuse me Kuya ah!?etong LINTEK mong kaibigan eh sinakatan ang kaibigan namin!try nyo kasing tanungin...eskandalo daw!eskandalo mo mukha mo!lalo na ikaw na mahangin!"inis kong sabi kaya napataas ang kilay ng may Dao Ming Si na aura

"Miss?shut the f*ck up please...hindi sya kilala ni Alex...baka naman umaasa lang yang kaibigan mo....we're wasting time"malamig na sabi nya...aba!

"Hoy kuya'ng mala Dao Ming Si!itanong mo pa dyan sa kaibigan mong potek!naging sila ni France!tell us France"iritadong sabi ko...pero humupa yun ng makita kong lumuluha si France at nakatingin kay Alex na walang pake elam"Oh di kaya yang Alex na yan ang magsabi"galit kong sabi at sumang ayon si Gette na yakap yakap si France

"Oo nagkarelasyon kami...but she was so slow and even my jokes?she can't understand...kaya walang nagtatagal sa kanya"

3 Years Left to be With YouWhere stories live. Discover now