Cyree’s POV
Shoot. 15 days. Napabuntong hininga ako habang naglalakad pabalik kung saan ko iniwan si Nami.
“Cy!”
“I’m dead”
Nilapitan niya kaagad ako at walang energy ko siyang sinalubong.
“Andito na sina Pau”
Napatingin ako sa likod namin and I saw my classmates who we are going to meet for today.
Naalala ko bigla ‘yong reason kung bakit kami nagpunta dito. Kinuha ko sa pocket ko ‘yong earphones at inabot doon sa isa kong kaibigan. “Ayan na ‘yong earphones mo. Thank you”
“Uy, ok ka lang?”
“Hindi”
“Uy, Cy! Galit ka ata?”
“Hindi, Pau. I’m not mad. Ako naman humiram nung earphones kaya obligation ko na isauli sayo, right? Kaso tinamaan nga naman ng malas ‘tong araw ko kaya ayan. Mauuna na kami, bye!”
Hinatak ko ‘yong kamay ni Nami saka kami umalis doon. Ibabalik ko lang naman dapat ‘tong earphones na hiniram ko sa kaklase ko ah? Eh bakit kailangan ko pa siyang makasalubong?
“Cy, are you ok?”
Pilit ko na iniisip ‘yong mga nangyari ngayong araw at kung anong mga mangyayari sa susunod na araw. Yung phone ko, wala at ‘yong sembreak ko, masisira because of one person.
“Hindi. Hindi ok”
Shoot. Bakit siya pa kasi? Bakit ‘yong kinaiinisan ko pang tao? Bakit si V pa?
Bakit ako naasar sa kanya? At ano ang connect ng pagtuturo ko ng Math sa kanya?
Si V Zeragado. Classmate ko since high school. Pangalan niya pa lang, sobrang weird na, V.
Typical na rich kid pero hindi matalino. Ah wait, mali. Matalino naman pala siya pero ayaw niya sa Math. At dahil ayaw niyang pag-aralan ang Math, ayun, bagsak siya nung prelims namin at in-dager siya ngayong bumagsak sa Math namin. Since high school, nags-skateboard na siya. Hindi kami close kasi may pagka- “famous” siya. Ewan ko nga kung bakit ang dami-daming tumitil kapag nakikita siya eh hindi naman siya gwapo. Wait, hindi nga ba? O para lang sa akin, hindi siya gwapo? Ewan ko ba.
Mayabang ‘yong dating niya, orange ‘yong buhok niya, at papansin siya.Simula noong high shool ganyan na siya kaya ayoko talaga siya. Hindi ko alam na halos kalahati ng klase namin, pareho ng kukuning course at sa pare-parehong University pa at sa kasamaang palad, kasama siya doon sa mga naging classmates ko. Talk about kamalasan.
Hindi kami close pero lagi ko siyang nagiging problema sa pagpasok ko. Magkalapit lang kami ng almost 12 inches, naiirita na ako. Ayoko siya kasi parang pa-easy easy lang siya palagi. Papasok-aalis-papasok-aalis. Hindi ko din alam kung bakit ayaw niya sa Math. Mataas naman grades ni V sa lahat ng subjects namin except sa Math. Ewan ko ba sa kanya.
Ngayong College na kami, may club sila kasama ‘yong mga iba pang nags-skateboard sa University at halos iyon na lang ang atupagin niya araw-araw. Ngayon, tuturuan ko pa siya
BINABASA MO ANG
15 DAYS(COMPLETED)
Romantik"Together with love, even the hardest problem will be solve."