IMAHINASYON

15 4 0
                                    


IMAHINASYON

Ika'y pinapangarap sa tuwina
Araw gabi'y ikay nasa ala ala
Mga pangarap na ikay makasama
Makakasama ko hanggang sa aking pagtanda

Uupo sa tabing dagat namnam ang hanging umiihip
Di ma wari'y ikaw  naman ang iniisip
Sa ganda ng ulap ika'y inaimahi
Iniimahing ika'y nasa aking tabi

Naglakbay sa isang parke
Kung saan madalas tayung nag kakape
Uupo sa isang tabi
Iniimahing ikay aking katabi

Isang taong nagpakilala
Na nakikita ko lamang sa aking ala-ala
Siya ba yung taong laman nang aking imahinasyon?
O,isang kathang isip lamang ang taong nasa aking tabi ngayon?

Mga imahinasyong puno nang pangarap
Ngayo'y di parin makapaniwalang ikay nakakausap
Bawat oras,minuto at segundo ako'y pa sulyap-sulyap
Totoo nga nang hinawakan mot niyakap.

T U G M A ' T  TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon