One Shot #1

62 0 0
                                    

A Teenfiction story that you'll definitely love. A one shot made by our WESOG members or so called as Wesogians. An inspirational stories that you can't deny.

A Senseigan One Shot Story...

Hope you like it!

•|•|•|•|•|•|•|•|•|•

Title: Untitled

"Siera!" nahinto ako sa pagbabasa ng tawagin ako ng kaibigan ko na si Ter.

"Hmm?" sagot ko lang sa kanya at hinapyawan siya ng tingin.

"Tara na uwi na tayo." aya niya sa akin habang nagaayos ng buhok niya.

"Teka. Mamaya konti. Patapos na
ko dito eh." saad ko at bahagyang inangat ang libro upang malaman niya ang tinutukoy ko.

Muli kong ibinalik sa libro ang aking pansin at pinagpatuloy ang pagbabasa.

-

Pumasok sa classroom namin si Raven. Ang 4 years ko nang boyfriend.

"Ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Yumuko siya at dinampian ng halik ang aking noo.

"Sinusundo ka na. Ihahatid kita sa
inyo." sagot niya sa akin.

Umiling ako at sumimangot.

"Ayoko pang umuwi."

Kinunutan niya ako ng noo.

"Bakit? Ikaw na nga lang nandito
oh." saad niya.

Umirap ako at sumandal sa
inuupuan ko.

"Basta ayoko pang umuwi." sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga
niya.

"Fine. Pero lumabas na tayo. Doon
tayo sa field." aya niya sa akin pero muli akong umiling.

"Ayoko din. Mainit don." turan ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Ang totoo ay kanina ko pa gustong
umuwi.

As in. Uwing uwi na ako. Pero inabutan ako ng boyfriend ko dito sa classroom dapat pala mas binilisan ko ang pagkilos. Ayokong makita pagmumukha nitong si Raven at nabubuset ako. Mabigat yung dibdib ko kasi di man lang niya naalala na anniversary namin ngayon. Ang malala pa may kausap siyang babae kanina tapos tinanong ko kung sino, aba ang damuho ayaw
sumagot. Puro 'Wala yon, ka grupo ko lang.' Ka buwiset diba?

"Tara na. Doon na lang kasi tayo sa
field." aya niya muli sa akin.

"Ayoko nga! Kung gusto mo ikaw
ang pumunta mag-isa sa field.
Buwiset ka." di ko na napigilang sigaw sa kanya.

Magkasalubong na magkasalubong
ang kilay ko dahil sa inis na
nararamdaman ko.

"What's your problem? Why are
you shouting at me?" nagtatakang tanong niya.

Inirapan ko siya at tinalikuran.

"Just leave me alone. Naiinis ako sa
pagmumukha mo." saad ko.

"Fine! Bahala ka sa buhay mo." narinig kong saad niya.

Napapitlag ako ng makarinig ng
paglagabog. Nang masiguro kong wala na siya ay humarap ako sa pinto. Tsk tsk. Napailing iling ako ng makita ang nakataob na upuan. Mukhang tinaob ni Raven. Inayos ko ang gamit ko at mabilis na lumabas ng classroom. Pinagiisipan ko pa kung dadaan ba ako ng field. Baka kasi nandoon
siya.

Hmp. Bahala na.

Ani ko at nagkibit balikat. Padaan na ako sa field ng biglang may humarang sa akin na grupo ng babae.

"Sayo na lang ate." ani ng isa sa kanila at inabutan ako ng Tulips.
Lah. Anong meron.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ko ng makitang pinalilibutan ako ng mga estudyante.

Ayt ano bang meron?

"Hi Miss."

"Raven?" tawag ko sa taong nag HI sa akin.

"Ano to?" naguguluhang ani ko.

"Ahm surprise? Hehehehe. Happy
anniversary."pagkasabi niya noon ay biglang humawi lahat ng estudyante.

Nakita ko sa harap ko ang isang
mesa na punong puno ng libro.

"Hala! Para sa akin yan??" naluluhang tanong ko sa kanya.

"Yes. Para sayo lahat yan." nakangiting sagot niya.

"La! Wala akong regalo sa iyo." nakasimangot na ani ko.

Natatawang inakbayan niya ako.

"It's okay. Ikaw palang sobrang
gandang regalo na."bulong niya sa akin na nagpawala ng mga paro-paro sa tiyan ko.

"Sorry ulit kasi sinigawan kita." hinging paumanhin ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at paulit ulit na dinampian ng halik sa ulo.

"It's okay. Hahahaha I understand. Nasanay ka kasi na ako laging unang bumabati kapag anniversary natin.".

"Hmm. Iloveyou nalang." ani ko.

"Iloveyoutoo."

"Binabasa mo na naman yan." naisara ko ang libro ng marinig ang pamilyar na boses ng lalaking mahal ko.

"Asan na si Ter?" tanong ko ng hindi makita ang aking kaibigan.

"Umalis na. Busy'ng busy ka kasi pagbabasa niyan eh." ani sa akin ng boyfriend ko.

Dinampot niya ang bag ko at isinukbit sa balikat niya. Ang cute niya. Lalaking lalaki tapos ang bitbit na bag floral. Hihihi.

"Akin na yan. Itatabi ko na yan." saad niya at pilit kinukuha sa akin ang libro.

"Ano ba? Wag nga! Lovestory natin to eh. Kaya gustong gusto kong ulitin basahin." reklamo at ipinasok sa loob ng blouse ko ang libro.

"Magpapamanyak ka ngayon?" nakangising ani niya.

"Gagi ka! Bastus mo." nakangusong ani ko.

"Hahaha. Akin na nga yan. Next time ang kasal na natin isusulat mo. Tapos kapag na-publish na paulit ulit mo ring basahin." ani niya sa akin kaya ngumiti ako.

Etong libro na binabasa ko ay lovestory namin ni Raven, ng boyfriend ko. Im a writer at gusto kong ibahagi ang magandang takbo ng lovelife ko. At after graduation ng college. Sisimulan ko nang isulat ang buhay namin bilang mag-asawa.

~senseigan

•|•|•|•|•|•|•|•|•|•

Link of the story on our FB Group: https://m.facebook.com/groups/223224118358683?view=permalink&id=421814348499658
 


                  •|•|•|•|•|•|•|•|•|•

Don't forget to follow WesogNovelle37
Fb Account: Wesog Novelle
Fb Groups👇
-Wattpad/Ebook Stories(WESOG37)
-WESOG Spotted
Fb Pages👇
-Wattpad Feels Community
-WESOG Book Covers
-iamwesognovelle37
IG: iamwesognovelle37
Twitter: WESOG37

-🌾

WESOG37 ONE SHOTS (TeenFiction)Where stories live. Discover now