A Teenfiction story that you'll definitely love. A one shot made by our WESOG members or so called as Wesogians. An inspirational stories that you can't deny.
A Senseigan One Shot Story...
Hope you like it!
•|•|•|•|•|•|•|•|•|•
//MIND READER//
Nandito ako ngayon sa loob ng classroom. As
usual ginagawa ko na naman iyong nakasanayan
kong gawin, ang basahin isa-isa ang iniisip ng mga
kaklase ko. I have this ability that can read peoples
mind. Dati natatakot pa ako sa ability ko but now
na e-enjoy ko na ito haha. Maya-maya pa ay
dumating na iyong teacher namin sa first subject.
"Ok class get ½ lengthwise"
Nataranta agad iyong mga kaklase ko pero ako chill
lang.
"Pero ma'am ba't di kami informed na may quiz
pala ngayon?"
Pagmamaktol ng kaklase ko. OA mo girl feel mo
naman may isasagot ka pag informed ka eh wala
din naman haha akalain nyo bag niyan kasing laki
lang ng lunch box ko tapos laman puro
pampaganda lang.
"Even if I didn't informed you it is your responsibility
to study and besides ang quiz ngayon ay all about
sa lessons that I discussed the other day. Kung
nakinig ka then that means you have nothing to
worry about. And as usual walang choices iyong
test natin."
Nagsimula ng mamigay ng test paper si ma'am.
Pangiti-ngiti lang ako habang iyong iba kong
kaklase ay todo simangot. Pa simple kong tinignan
si Kristine iyong first honor namin. Nasa left side ko
sya but she is one seat apart from me. But no
worries I can read someone's mind as long as abot
sya ng paningin ko. Pero nababasa ko pa rin
naman kahit di ko sila tinitignan but I can only read
his/her current thoughts but when I look at them
kaya kong halungkatin iyong previous thoughts nila.
So ito na nga nagsimula na iyong test.
" It uses the decay of the carbon -14 isotope..teka
ano nga to.. ahh right carbon dating"
Ahh carbon dating. Agad kong isinulat iyong narinig
ko sa isip ni Kristine. Naka focus lang iyong
atensyon ko kay Kristine pero may biglang
kumalabit sakin. Tss sino ba to. Agad ko itong
nilingon at inis na tinanong. "Ano?" nag peace sign
naman sya bago sabihin iyong nais nya. "No. 9"
Agad ko namang na gets iyong sinabi niya "mass
spectrometer" bulong ko sakanya.
Agad kong binalik iyong atensyon kay Kristine. Sh*t
anong number na ba sya? Lagot na No.20 na pala
sya pero 16 palang ako. No! Tumayo na si Kristine
at nagpasa ng papel. Binasa ko iyong questions
from 16-20
16. What is Einstein's equation in analyzing nuclear
reactions?
17-18. Write the two important nuclear reactions
that release tremendous amounts of energy.
19. It is the side of the camera which light enters.
20. What is the other term for myopia?
Di ko alam pero parang dumugo yata ilong ko sa
mga tanong.
"Okay class 3 mins left"
Naku naman. Tinignan ko iyong teacher namin at
siniguro na di sya nakatingin sa gawi ko. Agad
akong lumingon kay Kristine at hinalungkat iyong
previous thoughts niya
16. E=mc²
17. Fission
18. Fusion
19.
"Ma'am Jessa is copying my answer" Di ko
makapaniwalang tiningnan si Billy na katabi ko.
Aba! itong babaeng to kahit kailan kontrabida talaga
sa buhay ko. Napatingin sakin lahat ng kaklase ko
at pati na rin si ma'am.
"I beg your pardon Billy" biglang Sabi ni ma'am.
Tumayo si Billy at humarap sakin
"Jessa is copying my answer ma'am, she keeps on
glancing on my paper."
Duh feeling mo naman eh kay Kristine ako
nakatingin. Duling yata to eh.
"Jessa give me your paper at sayo din Billy" tinignan
ni ma'am iyong paper namin. Agad akong
napalunok nang biglang lumaki ang butas sa ilong
ni ma'am
"Same answers, same erasures at parehong nahinto
sa 19. Jessa how can you explain this?"
Aishh nangopya din siguro ito kay Kristine.
Sinamaan ko ng tingin si Billy pero iyong gaga
tinaasan lang ako ng kilay. Geh lang malilintikan ka
rin sakin.
"Five points deduction sa score mo. Okay class
pass your papers now finished or not you have to
pass it in a count of 10. 1 2 3.... Ok class that's all
for today goodbye."
Kainis. Di ko pa nga natapos ta's may 5 points
deduction pa. Nasan na ba iyong si Billy lagot
talaga sakin iyong babaeng iyon. Hinanap ko siya at
nakita ko siyang nakaupo sa may dulo. Bakit
parang di sya mapakali? Kinakagat nya iyong kuko
niya it seems like na kinakabahan siya. Dahil sa na
curious ako binasa ko iyong nasa isip niya
"Oh my ghad what to do.. natatae na ko. Hooo
kaya ko pa naman maybe mamayang recess nalang
para walang masyadong tao.. yes ganon nga just
hang in there."
Agad akong napatakip sa bibig ko. Di ko
mapigilang matawa hahaha alam kong ma
weirdohan iyong makakita sakin kasi tumawa ako
mag isa but I just can't help it. Dahil nga sa naiinis
ako kay Billy ay may kalokohan na pumasok sa isip
ko.
Pumunta ako sa CR at nilock ito. Tinignan ko iyong
Tub at kalahati nalang iyong tubig. Hahaha lagot ka
talaga sakin. Dali dali kong inubos lahat ng tubig
don. Iyong iba nilagay ko sa inidoro iyong iba
pinanglinis ko. Tuesday pa naman ngayon it means
walang agos ng tubig. Hahaha
Bumalik na ako sa room na may ngiting tagumpay
sa mga labi ko. Recess na at palihim kong
sinundan si Billy papuntang CR. Agad din syang
lumabas at talagang di na talaga mapakali iyong
mukha niya hahaha. Bumalik sya sa room
"Kaya ko pa naman" iyon iyong nasa isip niya. Tibay
din nito eh
Pumunta akong canteen at bumili ng lasagna
nagutom ako sa kalokohan ko eh haha. Last subject
na nang biglang sumama iyong tyan ko. Sh*t
natapos na iyong klase kaya dali dali akong
pumunta sa CR pero napalo ko nalang iyong sarili
ko nong maalala ko na inubos ko pala lahat ng
tubig. Waaahhh pano na to. Ito na ba iyong
tinatawag nilang karma?
Nakita ko si Kristine sa may lobby pareho kaming
di mapakali iyong itsura at nakahawak sa tiyan
namin. Nagkatinginan kami
"Natatae ka rin?" Tanong niya sakin napatango
naman ako
"Walang tubig sa CR pano na to?"
Parang naiiyak na sya at ganon din ako.
Nagkatinginan kami at talagang pareho pa kami ng
iniisip.
"Tara sa likod ng campus"
Sabay naming sabi._Binibining Jana_
•|•|•|•|•|•|•|•|•|•
Don't forget to follow WesogNovelle37
Fb Account: Wesog Novelle
Fb Groups👇
-Wattpad/Ebook Stories(WESOG37)
-WESOG Spotted
Fb Pages👇
-Wattpad Feels Community
-WESOG Book Covers
-iamwesognovelle37
IG: iamwesognovelle37
Twitter: WESOG37
Don't forget to follow WesogNovelle37-🌾