One Shot #2

2 0 0
                                    

A Teenfiction story that you'll definitely love. A one shot made by our WESOG members or so called as Wesogians. An inspirational stories that you can't deny.

A Senseigan One Shot Story...

Hope you like it!

•|•|•|•|•|•|•|•|•|•



“Panty Na Pula”

Lunes ngayon, kaya isa ako sa cleaners ng room namin. Hindi naman ako nag-aral para maging janitress lang pero, heto ako ngayon.

“Hoy, Kael! Aba, e kung tumulong kayo rito edi maaga tayong matatapos!” singhal ko sa isang kaklase ko na feeling senyorito.

“E kung binilisan mo ang paglilinis diyan edi matatapos ka kaagad!” singhal din niya.

Sa sobrang inis ko ay ibinato ko sa kanya ang hawak kong dustpan. Ayon, sharp shooter ako. Sapul ang panget na pagmumukha niya. Napahalakhak naman ang mga kasama kong nakakita. Sigaw naman nang sigaw ang gago sa ginawa ko.

“Kung ikaw kaya batuhin ko nito? Anong akala mo sa mukha ko, basurahan?” Galit na siya niyan pero, inirapan ko lang. Buti nga sa'yong animal ka.

“Teka, guys! Tingnan niyo oh, yuck. Kaninong panty 'to?” biglang sigaw naman ni Cha. Iniangat niya pa ang bagay na nadampot niya sabay tingin sa amin.

Wtf, bakit may ganiyan diyan? Panty na pula?

“Gago, Cha. Itapon mo nga 'yan. Baka mamaya kung kanino pa 'yan!” Si Eris.

“Sandali nga! Saan mo ba 'yan nakuha? Kaninong upuan?” tanong ko.

Itinuro naman niya ang lugar kung saan niya napulot iyon. Halos mapamura na lang ako nang ang tinutukoy niya ay ang upuan ni Kris, ang irog ko. Crush na crush ko ang depungal na iyon at ang lakas maka-deadma sa akin.

“Hala, kay Kris? Aanhin naman niya 'yan?” singit ni Eris.

“Gago rin 'yon. Sabi na eh, pakboy ang loko. Hindi man lang sinabi sa akin. Malamang sa chicks niya 'to. Souvenir siguro,” ngisi naman ni Kael.

“Itulad mo pa sa'yo, raulo!” buwelta ko.

“Inggit ka lang kasi hindi ka niya gusto. Bigti na Claire. Dugyot mo raw kasi,” pang-aasar pa niya.

Pinanlisikan ko lang siya ng mata sabay amba sa kaniya ng walis na hawak ko. “Lumayo-layo ka sa akin, nandidilim ang paningin ko!”

Inirapan niya lang ako sabay binelatan.

Napako naman ang paningin naming lahat nang may bigla na lang pumasok sa pintuan habang humahangos pa.

Si Kris! Emeyghed!

Bahagya kong inipit ang buhok ko sa gilid ng tainga ko sabay finger heart. “Kris, ikaw pala. May naiwan ka?” nakangiting tanong ko. Tumango lang siya saka humakbang papalapit sa puwesto ko.

Gusto kong tanungin na ‘ Ako ba 'yong naiwan mo?’ pero, lumagpas lang siya sa akin sabay hablot ng hawak-hawak ni Cha.

“Naiwan ko ang panty ko,” aniya.

“S-Sa'yo 'yan?”

“Hindi nga?”

“P-Papaanong?”

“Bakla ka?” Boses ni Kael na umalingawngaw sa room.

Bigla na lang kaming hinarap ni Kris sabay irap niya. “Di ba pa obvious? Mabuti na lang, nakita niyo itong panty ko. May raket pa naman ako mamaya. Sige na babush na! Rarampa pa ang ate niyo! And by the way, sisteret. It’s not Kris. It’s Krissy. Sayonara!” Kumendeng-kendeng pa siyang lumabas ng room namin.

Natulalala naman kaming lahat habang hindi pa rin makapaniwala.

Inay ko po! Ang akala ko, forever na. Letcheng panty na pula!

✑: E. Cosme






•|•|•|•|•|•|•|•|•|•

Don't forget to follow WesogNovelle37
Fb Account: Wesog Novelle
Fb Groups👇
-Wattpad/Ebook Stories(WESOG37)
-WESOG Spotted
Fb Pages👇
-Wattpad Feels Community
-WESOG Book Covers
-iamwesognovelle37
IG: iamwesognovelle37
Twitter: WESOG37
Don't forget to follow WesogNovelle37

-🌾

WESOG37 ONE SHOTS (Humor)Where stories live. Discover now