Game Eight

4 0 0
                                    

Tila bumabagal ang bawat segundo ng pangyayari. Nakatitig ako kay Boy Alab, umaasa na kamay ko ang kanyang hahawakan para maisayaw.

Nang biglang naramdaman ko na may ibang taong humawak nito. Mahigpit na para bang tatakbo ako. At nang makita ko siya, ang lagkit ng tingin niya sa'kin.

Infairness naman kay Kuya, hindi man siya gwapo sa unang tingin pero kapag natitigan mo na lumalabas na 'ung appeal niya. Kahit hindi siya ganun katangkad ay maganda naman ang tikas niya. Hindi rin siya ganun kaputi pero ang kinis ng balat niya at ang lambot ng kamay niya.

Ngunit kahit ganon, hindi parin ako naattract sa kanya. At isa pa ang creepy niyang tumingin at ngumiti. Iisipin mo na may masama siyang binabalak sa'yo.

Bakit kaya ako ang napili nito. Kasi sa itsura niya mukhang hindi ako ang tipo niyang babae.

Hindi ko na magawang ititig ang mga mata ko sa kanya. Umiikot ang paningin ko sa ibang tao. At nakita ko kung kanino pumartner si Boy Alab.

Napikon ako, sa dinami dami ng babae dito talagang kay Maxene pa siya makikipagsayaw. Ughh!!! Nakakapagselos. Sa bagay, sino bang hindi pipili kay Maxene. Subalit sa napakadaming lalaki na pipili sa kanya, panigurado si Boy Alab ang pipiliin niya.

Magkapantay kasi sila ng level ng pagiging gorgeous. Kumbaga "destiny" ang tawag dun.

Nagsimula na kaming sumayaw ng waltz. Tama naman ang ginagawang steps ni Kuya Creepy, base dun sa tinuro sa'min ng choreographer.

Hindi naman ako nagwoworry dahil kahit papaano tyinaga ko talagang pag-aralan 'yung steps.

"Tumingin ka naman sa'kin oh" sabi ni Kuya Creepy habang ginagawa namin ang isang step na magkaharap "Para mas romantic"

Tiningnan ko naman siya pero hindi rin naman romantic ang tingin ko. Parang bitch please nga eh. Ayoko nga siyang tingnan. Baka mag-assume na gusto ko siya. Hindi naman.

Gagawin ko lang 'to para sa show hindi dahil sa pagpapantasya niya. Hinding-hindi ko ibibigay ang hinihiling niya. Never.

"Siguro, naiilang ka sa ka-cutan ko noh, kaya hindi ka makatingin sa'kin" sabi pa niya. Wow kuya, taas ng self-confidence mo ahh. Ano ba 'to, masyadong feeler. Ang sarap kudkurin ng liha ang mukha niya para mabawasan ang kapal.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya at sinabing "Kuya ilang kape kailangan mo para tamaan ka ng realidad?"

"Ito naman, 'wag mo na labanan ang nararamdaman mo, yan din naman ang kahahantungan natin eh" biglang nag-init ang ulo ko sa kanya. Ang tibay ng apog magsalita ng ganun.

Ang nakakainis pa, hindi siya mawawala sa landas ko habang magkahawak ang mga kamay namin at sumasayaw. Badtrip. Gusto ko ng mag-walk out dito. Nakakahiya lang gumawa ng eksena.

"Sinong nagsabi sa'yo? For sure, wala sa tamang pag-iisip 'yun" sinabi ko na may nakatagong pagkairita. Nakakainis, bakit sa dinami-dami ng babae sa'kin pa talaga napunta ang overconfident na lalaking 'to. Ang sarap pagsibakan ng kahoy ang pagmumukha niya.

Game of Hearts (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon