"AHHH !!!" tili ng isang babae ng makagat siya ng isang zombie.
Tumakbo ako ng makita kong may isang Babae na puro dugo na papapunta sa direksyon ko.
Halos hindi ko lubusang maisip na mangyayari ito sa totoong buhay. Dahil sa mga palabas ko lamang ito napapanuod at hindi ko rin inisip na mangyayari ito sa kasalukuyang panahon.
Takbo lang ako ng takbo katulad ng mga taong gustong tumakas katulad ko.Halos hindi ko na maipinta at mailarawan ang nangyayari sa paligid ko dahil totoong nakakapangilakbot at nakakasuka ang mga nangyayari sa paligid.
Napatigil ako sa pagtakbo ng may makita akong papasalubong na tatlong lalake at masama ang titig at nais akong lapain. Agad kong iniba ang direksyong tinatahak.Paglingon ko sa aking kaliwa ay may mga nakabulagta at pinagpipyestahan ng kung ano mang creature sa aking daraanan. Nang maramdaman nila ang aking prisensya ay dali dali itong tumakbo papunta sa aking gawi lumingon ako sa aking kanan at ganoon rin ang pangyayari. Hinahabol ako ng mga ito.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa may nakita akong pulang sasakyan.
Agad ko itong nilapitan at binuksan ng malaman kong hindi ito nakalock, ay agad kong sinilip ang loob nito kung may laman bang kung ano ito at ganoon na lamang ang pagkapanatag ko nang wala akong makita na kung ano sa loob maliban na lang sa isang sanggol na mahimbing na natutulog at mga groceries.
Agad kong inistart ang kotse nang makita kong malapit na sa kinaroonan nitong kotse iyong mga humahabol sa akin. Agad kong minaneho ito at pinaandar papunta sa highway kung saan ko narinig na may ligtas na evacuation center na malapit.
Nasa galagitnaan ako ng pagmamaneho ng marinig ko ang iyak ng baby na kanina lang ay mahimbing na natutulog.
Itinabi ko muna sa kalsada iyong kotse at agad na nilapitan iyong baby para ilipat sa tabi ko. Maihahalintulad ang mukha nitong sanggol sa mga anghel na ipinalalabas sa mga movies. Napakaamo ng mukha nito at halatang may lahi.
Nang mailipat ko ito sa tabi ko ay agad kong kinuha iyong gatas niya na nakalagay sa lalagyanan ng inumin nitong kotse.
Ibinigay ko dito ang gatas at agad naman nitong kinuha sa akin. Kinuha ko rin iyong laruan na nakalagay sa backseat para ibigay duon sa baby saka ko pinaandar muli iyong kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho.Sakto namang paubos na ang gas ng mapadaan ako sa isang gasoline station. Agad kong ipinarada sa tapat ng gasulinahan iyong kotse at lumabas ako para makargahan ko na ito ng gasolina. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkakarga ng may narinig akong ungol ng isang tao.
Lumingon ako at nakita ko sa di kalayuan ang isang gasoline boy na puro dugo at halos lumabas na lang mga lamang loob na papunta sa kinaroroonan ko.
Agad akong pumasok sa loob ng kotse at kinuha iyong toolbox na nakita ko sa ilalim ng upuan na pinaglagyan ko sa baby. Kinuha ko dito ang isang malaking parang plais at sakto naman na malapit na sa kotse iyong lalake kung kaya't ipinalo ko ng pagkalakaslakas sa ulo nito iyong malaking plais na nakita ko hanggang sa madurog ang ulo nito.
Sakto namang pagkapatay ko duon, ay siya ring pagkapuno ng tanke ng gasolina iyong kotse.Sinarado ko na iyong lalagyanan ng gasolina at pumasok na sa loob ng kotse.
Mukhang nakatulong din sa akin iyong panonood ko ng mga zombie movies para makaligtas ako sa mundong ito.Oo, iyong mga humahabol sa akin kanina'y masasabi kong mga zombies. Lahat ng makita at mahawakan ng mga ito at agad nilang kinakagat na animoy mga hayop na hayok na hayok upang makakain.
Nagmaneho na akong muli papunta sa sinasabi nilang evacuation center sa radyo kanina bago mawalan ng signal iyong radio station.
![](https://img.wattpad.com/cover/25517418-288-k157083.jpg)
YOU ARE READING
EXOPOCALYPSE <EXO FF> (Ongoing Series)
Mystery / ThrillerLiving in a world like this is not easy. Everytime they smell your scent and see's you, you need to escape for your life. But fate is really playful. When your already struggling to survive you'll find another survivors. Not one but 12 guys. 12 guy...