Magiisang buwan at kalahati na rin matapos iyong pangyayaring nagpabago sa mundong kinagagalawan ko. Kumalat sa buong mundo iyong epidemya na naganap. Napagalaman ko ring nanggaling pala ito ng Africa at sa kasamaang palad, may bumagsak na eroplano sa Manila na naglalaman ng mga apektadong sibilyan mula sa Africa at dito nagsimulang lumaganap ang epidemya sa bansa. Wala pa kaming balita kung pati ba ang malaking bahagi ng bansa ay apektado na rin ng epidemya.Magiisang buwan na ring walang komunikasyon na nagaganap sa mga kalapit na bansa. Wala na ring masyadong nagbabalita dahil halos karamihan nang mga reporters ay mga patay na.
Mahigit isang buwan at kalahati na rin ng makaligtas kami ng batang nagmamayari ng kotse na ninakaw ko. Napagalaman ko rin na ang pangalan pala ng batang iyon ay Kean Jarvis Park. Magiisang taon na ito sa December 25. Dahil nga magiisang buwan at kalahati na ang nakalipas ibig sabihin noong October naganap iyong pagkalat ng epidemya sa buong mundo.
November 10 ngayon, at kasalukuyan kaming nakatira sa evacuation center na nasa isang maliit na komunidad. Mahigit tatlong daan lang ang nakatira dito at may mga sundalo rin dito na nagbabantay. Masyadong mahigpit ang seguridad dito at talagang chinecheck up muna nila ang lahat ng taong pumapasok dito kung may galos o kagat ba ang mga ito mula sa mga zombies. Mahigpit ring ipinagbabawal rito ang paglabas-masok ng mga tao sa kampo upang makasigurado sa siguridad at kaligtasan ng lahat. Nagbibigay rin sila ng libreng matitirhan at makakain para sa lahat. Tinuturuan rin ang mga labindalawang taong gulang hanggang apat na pu't limang taong gulang na mag assemble ng baril at bumaril pati na rin ang paggamit ng iba't-ibang armas na makakaligtas sa sarili mula sa mga zombies.
At kasama ako sa kasalukuyan ngayong nagaaral na bumaril. Halos kabisado ko na nga lahat ng klase ng baril at kung paano ito gamitin. Pati na rin ang paggamit ng mga pana ay itinuro rin sa amin. Sa nakalipas na mga araw ay natuto akong lumaban sa mga zombies at pati na rin sa mga tao. Matapos ang isang oras ay natapos na kami sa aming pagsasanay at paghahanda. Lumapit na ako sa nagaalaga ngayon kay Jarvis.
"Maraming salamat po sa pagbabantay sa kapatid ko." sabi ko doon sa babaeng nagbantay kay Jarvis. Nasa late thirtees na iyong babae at mabait ito dahil siya ang nagasikaso sa amin ni Jarvis pagkapasok palang namin dito sa evacuation.
"Ano ka ba naman, okay lang yun. Sino ba naman ang magtutulungan dito kundi tayo-tayo lang rin naman. Atsaka nageenjoy rin naman ako sa pagaalaga dito kay Jarvis dahil napakabait at napakabibo." sabi nito sa akin at ipinakarga na sa akin si Jarvis.
Ipinakilala ko kasing kapatid ko ito upang wala nang maraming tanong sa akin. Buti na lang at magkapareho kami ng apelyido ni Jarvis kung kaya naman ay napaniwala ko silang lahat.
"Haha. Sige po. Mauuna na po kami, salamat po ulit." sabi ko dito at naglakad na papunta duon sa tinutuluyan namin ni Jarvis.Isa itong up and down apartment at nasa second floor ang kwarto namin. Simple lang naman ang pagkakagawa sa apartment. At ang mga kwarto rin dito ay sapat na para sa isang pamilya. Lahat ng kwarto dito ay kompleto sa kagamitan at mga kakailanganin sa pamumuhay. Meron rin itong park-an ng mga sasakyan na katapat lamang ng fire exit ng bawat kwarto.
Pumasok na kami duon sa kwarto namin ni Jarvis at inilapag ko ito sa lapag para makapagluto ako. Gumawa kasi ako ng parang isang malaking kuna na pinalilibutan ng mga sofa na hindi kayang akyatin ni Jarvis. Andoon ang lahat ng laruan upang malibang siya.
Nagluto ako ng makakain namin at iniayos ko na iyong kakainan namin ni Jarvis. Binuhat ko na si Jarvis para maiupo sa baby chair niya at ng makakain na kami. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay nakarinig naman ako ng mga sigawan at putukan ng mga baril. Kung kaya naman ay napasilip ako bigla sa bintana at duon ko natuklasan na maraming zombies ang sumasalakay dito sa kampo.
YOU ARE READING
EXOPOCALYPSE <EXO FF> (Ongoing Series)
Mystery / ThrillerLiving in a world like this is not easy. Everytime they smell your scent and see's you, you need to escape for your life. But fate is really playful. When your already struggling to survive you'll find another survivors. Not one but 12 guys. 12 guy...