CHAPTER 1

2.6K 22 4
                                    


PROLOGUE

I'M TURNING eighty next year. Bagaman halos lahat na ng bagay sa mundo ay nagawa at nakamit ko na, hindi ko pa rin masabing kontento na ako at handa nang mamaalam sa mundo nang may ngiti sa mga labi. Sa labinlima kong apo ay iisa pa lamang ang may asawa. Tanging si Zareth pa lamang ang nakikita kong masaya na at payapa sa piling ng pamilyang sinisimulan niyang buuin.

Mayroon pa akong labing-apat na apo na hanggang ngayon ay tila hindi pa rin sawa sa pagbubuhay-binata at dalaga nila. Hindi ko maunawaan ang bagay na iyon. The happiest moments of my life were those spent with my beloved Salome when she was still alive. Being with one's beloved is the best type of fulfillment a man can ever have in this life. At iyon ang nais kong ipaunawa sa aking mga apo. Mas pinahahalagahan nila ang kanilang demanding careers, mga panandaliang aliw, at huwad na kalayaan.

I think it's time for me to do something about this. Nasisiguro kong hindi matatahimik ang aking kaluluwa sa langit kung iiwan ko sa ganitong napakalungkot na sitwasyon ang aking mga apo. At para magawa iyon, sa tingin ko ay kakailanganin ko rin ang tulong ng nag-iisa kong kapatid na si Dorinda.

Pero kanino ako magsisimula? Kailangan ko bang simulan sa pinakamatanda kong apo? Kung gayon ay si Simoun iyon, ang nag-iisang anak ng aking panganay na si Adam. Maaari ding unahin ko na muna si Bastian, ang kawawa kong apo na dahil sa kawalan ng responsibilidad ng bunso kong anak na si Japhet ay naging bastardo.

No, hindi. Sa palagay ko, mas dapat kong unahin si Ravin, ang unico hijo ng aking unica hija na si Esther. Noong isang taon lamang ay dumaan sa matinding pagsubok ang apo kong ito. It made him so disillusioned him about love, family, and happy ever after. At sa tingin ko, kilala ko na ang babaeng nararapat para sa kanya; ang babaeng magpapabalik ng ngiti sa mga labi niya at magpapalambot uli sa kanyang puso.

ASERON WEDDINGS-AS LONG AS YOU LOVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon