2

6 1 0
                                    

akala nila ay masaya ako
ngunit sa likod ng mga ngiti ko
ay isang babaeng parang pasan ang mundo

pinigilan ko naman ito
pero bakit humantong padin sa ganito
unti unti na akong pinapatay ng isip ko
gusto ko nang kumawala sa mundong ito.

Aking iniinda
pero hindi ko na 'ata kaya
paano ba sumaya
kung ang dami dami kong problema

Nais kong tumakas sa reyalidad
at makamit ang sayang hinahangad
nawalan na ako ng gana sa lahat
sa paggising sa umaga'y lungkot agad ang bumungad
ako ay lilisan na, patawad

PoetryWhere stories live. Discover now