~Chapter 42~

615 19 0
                                    

Sa bawat oras at panahon na lagi ko siyang kasama di ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

Hinihiling ko na matapos nato na sana makalimutan ko na siya ng tuloyan pero malabong mangyari ang hinihiling ko masyadong mabilis ang gusto kung mangyari.

Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko dadalhin itong nararamdaman ko para sa kaniya?

Alam ko din namang may mahal na siya pero tangina lang talaga!

Bakit ba ganito? Bakit dumating ako kaagad sa puntong to?

Ganito ba talaga ang pagmamahal? Basta -basta nalang dadating ng hindi mo nalalaman?

Tangina naman oh!!

Bakit sa akin pa? Bakit ako pa ang napiling paglaruan ng tadhana?

ZAINE'S POV

Minsan hindi ko din maintindihan si Candy.

Minsan kasi iniiwasan niya ako tsaka minsan din nawawala siya sa pagiisip niya.

Di ko alam kung nagugulahan ba siya o kung ano man parte na rin siguro sa mga problemang dinadala niya kaya nagkakaganon siya.

Pinipilit ko namang intindihin siya kahit ganun.

Pero nagaalala lang talaga ako kung ano nang nangyari kay Camille ngayon siguro hinahanap na ako nun kasi wala siyang mauutusang bumili ng paborito niyang pagkain.

Hindi naman talaga ako importante sa buhay niya.

Wala naman talaga ako para sa kaniya.

Wala din naman talaga akong laban sa taong mahal niya.

Nagmamahal lang ako ang problema dito may mahal nang iba yung taong minahal ko ng buo.

Masakit sa loob ko pero kailangan kung tanggapin ito.

Talo tayo kapag may gusto na yung taong gusto natin.

Wala tayong magagawa nasa kaniya yung desisyon.

Si Zaiden? Siya naman talaga yung mahal niya at hindi ako.

CAMILLE'S POV

Madaming buwan , panahon at oras ang nakalipas wala paring bakas ni Zaine ang nahanap nila.

Gustohin ko mang tumulong pero sabi nila mas mabuti na daw yung nandito ako sa bahay nagpapahinga.

Wala naman akong magawa kundi sumunod nalang sa kanila.

Buti nalang talaga at palaging dumadalaw dito si Zaiden na may bitbit na prutas.

Minsan natutulog din siya sa bahay para daw sa proteksyon ko.

At ngayong araw nato nandito na naman siya.

Araw - araw naman talaga siyang nandito e.

"Heto kumain kana"sabi niya habang bitbit ang isang tray ng ulam at kanin

"Mamaya na muna busog pako" pagsisinungaling ko

"Ayan kana naman sa mga sinungaling mo hali kana dito kumain kana makakasama yan sa bata" sabi niya habang nagaalala

Wala naman akong magawa kundi sumangayon nalang sa sinabi niya.

Pumunta nalang ako sa mesa at umupo pinagsilbihan din naman niya ako.

"Kumain ka ng marami :)" sabi niya

Ngumiti lang ako.

Wala talaga kong gana kumain.

The Bad Girl Meets The GangstersWhere stories live. Discover now