"Yes, baby. I love you. Sobraaaa." Umirap ang kaibigan kong si Box habang tinititigan akong may kausap sa cellphone.
"Sino ba 'yan?" Iritadong tanong ng bakla. Nandito kami ngayon sa coffee shop, nagkayayaan lang dahil saktong parehas na out na namin sa trabaho.
"Boyfriend ko." Tanong ko. I'm proud no? Ang gwapo kaya ng boyfriend ko!
"Sino? Si Hercules?" Tumango ako. Napapalatak na lang siya. Hindi ko alam kung bakit matagal ko ng kausap si Hercules pero hindi pa rin kumbinsido sa pakikipagrelasyon ko sa lalaki.
"Sabi ko naman kasi sa'yo na poser 'yan!" Sabi niya.
Inis akong lumingon sa kanya. Nagsisimula na naman siya. Magtatalo na naman kami ng baklang 'to!
Nasa ibang bansa si Hercules, working as a project engineer. We were in a long distance relationship for almost a year. Iyon nga lang hanggang voice call lang kami kaya palagi akong sinasabihan ni Box na poser lang daw ang nobyo ko.
"Hayan ka na naman! Hindi nga siya poser! Ilang beses ko ba sasabihin sayo! Sabi niya next month, uuwi na siya ng Pilipinas at magkikita na kami!" Pagyayabang ko sa kanya.
"Ha! At naniwala ka naman! Bakit ayaw niyang makipag-videocall kung ganoon?" Ursula asked.
"It's because he's shy and he's not fond of cameras!"
Yes. Never pa kaming nakapagvideo-call ni Hercules but I've seen his pictures kahit kokonti lang. Sinesend niya sa akin ang ilang larawan niya whenever gumagala siya kasama ang mga kaibigan niya. Well, he's a handsome guy. Hindi rin siya palangiti sa pictures but he's really kind to me. Ewan ko, sobrang bait niya. Well, if you're asking if he asked me money like some sort of scamming or fishing details, no he's not.
Actually, he's the one insisting on sending gifts to me on our every monthsary, kaso hindi ko rin naman hilig iyon. Pero kahit ganoon, may dumarating pa ring mga chocolates at mga regalo sa unit ko. And yes, doon ko napapatunayan that he's never a fake. He's a genuine boyfriend. Sa ilang buwan ba naman na magkausap kami, he never fails to make me smile and to prove himself to me. Kaya nabuo yung tiwala ko sa kanya kahit na hindi pa kami nagkikita.
"Alam mo kasi Kleya, dapat hindi ka nagtitiwala sa mga ganyan. Duda kasi ako sa mga ganyan. Ang tagal tagal niyo ng magkarelasyon, tapos hindi pa rin kayo nag-uusap kahit sa videocall. You know kapag miss niyo na isa't isa. Hindi ba kayo nagsasawa na puro boses lang?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi naman sa nauumay pero gusto ko rin namang makita si Hercules sa personal bukod sa larawang ipinapadala niya sa akin. Sinubukan ko na rin naman na magsabi sa kanya na kung pwede ay sa videocall kami mag-usap pero idinadahilan niya sa akin na hindi niya 'thing' ang pakikipag-usap doon at hindi rin siya komportable kaya hindi ko na ipinilit. Isa pa, nakapangako siya na magkikita kami kapag umuwi na siya dito sa Pilipinas.
"Hindi kasi siya komportable. Bakit ko naman kasi ipipilit?" Sagot ko.
Hindi umimik si Box. Alam kong concerned siya sa akin pero panay pangangatwiran lang ang ginagawa ko. Sabi niya kasi na poser daw etong si Hercules at hindi ko alam kung anong basehan niya doon.
"You know ang dami dami namang lalaki dyan e. Bakit ka nakipagrelasyon sa taong nakilala mo lang sa Facebook? Hindi na ako magtataka kung isang araw makikita kitang naglulupasay dyan kasi niloko ka."
Hindi ko na lang siya pinansin. Alam ko naman ang ginagawa ko. At hindi naman siguro ako magkakamali.
"Hello, baby?" Nagising ako ng madaling araw dahil sa tunog ng phone ko. Tumatawag si Hercules. Walang pasabing sinagot ko kaagad iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/203423603-288-k924592.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall For Me Again, August (Published under Dreame)
General FictionWhen a 24-year old, hardworking office woman Kleya Altamirano falls in love with a guy she only met online named Hercules, she believes she has found her perfect match. Everything was in full technicolor...until she sets for an interview of her drea...