chapter 2

7K 280 59
                                        

I woke up in the middle of the night by the ring of my phone. It was no other than my poser boyfriend.

"Hello?" He said. Tahimik lang ako. Kanina pa akong nag-iisip kung paano ko siya kakausapin pero dumating na yata sa pagkakataong kailangan ko ng itigil ang kahibangan ko.

"Yes?" Sagot ko bagamat nararamdaman kong tumataas na ang tono ng boses ko. Mukhang magkakahighblood pressure ako sa demonyong poser na 'to.

"Kumusta ang baby ko?" He said. I smirked. The audacity of this jerk!

"So hanggang kailan mo ako balak lokohin?" Matapang kong sabi. He was caught off guard dahil hindi siya nakaimik kaagad.

"Kleya.." I wished hindi totoo ang hinala ko, pero mukhang totoo nga!

"Tangina, isang taon akong nagpapaloko sa isang lalaking hindi ko pa kilala? And guess what? Nagpauto ako sa'yo kung sino ka mang demonyo ka! Nameet ko lang naman kahapon ang boss ko! Hulaan mo, siya 'yung litratong sine-send mo sa aking gago ka! Mabaog ka sana!" Galit na galit kong sabi na halos magngalit ang ngipin ko sa pagkamuhi.

Pakiramdam ko ay natapakan ang buo kong pagkatao. How would I even face Box after what happened?

"Let me explain, Kleya!" He said pero pinutol ko na ang tawag. Iniisip kong ipa-trace siya or even put him in jail pero hindi ko na ginawa. It is to save my pride. All I can do is to accept the fact na niloko ako at kailangan kong mag-move on. It's not like may nawala sa akin. It's emotional torture, I guess.

Pangit siguro ang lalaking 'yun at sadyang nanggagamit pa ng larawan ng iba! And imagine, I almost lost my job! I even tried to apologize to Sir August pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado sa desisyon niya.

The interview went well. Kahit labo ang utak ko dahil sa rebelasyon, pinilit ko pa ring maging professional alang-alang sa trabaho ko.

"This is the very first time someone told that to me. I'm pretty sure I only have a girl in my life at wala ka sa kalingkingan niya, Miss Altamirano." Sir August pointed that out to me pagkatapos ng interview namin.

Ngayon ko lang narealize na kung gaano kabait 'yung poser na 'yun, ganoon naman kasama ang ugali ng bago kong boss. Napakabastos at sadyang mataas ang tingin sa sarili. Aminado akong tanga ako at nagkamali pero kailangan niya bang ipamukha sa akin na napakatanga ko? At sabihin niya sa harap ko mismo na wala ako sa kalingkingan ng girlfriend niya? Wow!

Pumasok pa rin ako kinabukasan. I just made myself a good breakfast para kahit papaano ay may energy ako buong maghapon. Who knows kung anong problema ang kakaharapin ko ngayon?

The office was in chaos when I came. Rinig na rinig ko ang boses ng demonyito kong boss na si Sir August habang sinisigawan yata ang isang empleyado.

"I told you this is important! This is due today! And wala kang back-up! If hindi mo ito magagawan ng paraan, pwede ka ng humanap ng ibang trabaho!" Napairap ako sa narinig ko. Oh, the almighty August.

Oh at naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin na wala ako sa kalingkingan ng babae niya? Ha! At sino namang magkakagusto sa kanya? Sa ugali niyang iyan!

Nakatungo ang lahat ng empleyado dito na parang mga takot na tuta dahil sa takot. Dumiretso ako sa aking opisina dahil kailangan ko ng magsimula para sa trabaho. Nabrief na rin naman ako kung paano ang gagawin. My job's very similar to the last job pero mas complex lang dahil mas malawak ang operasyon ng company. It's okay. This is my expertise. I can handle everything.

Maya't maya kong naririnig ang pabulagsak na pagbukas ng pinto ni Sir August. Medyo malapit kasi ang pintuan ng office niya sa opisina ko kaya rinig na rinig ko kapag may komosyon. Hindi ko na lamang pinansin iyon at nagpatuloy sa trabaho.

Fall For Me Again, August (Published under Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon