Chapter 4✴ ✔️

85 6 0
                                    

Ako'y nakaupo ngayon katabi ang isang prinsesa na masayang nakikipag usap sakin. Simula nung nalaman niyang mag katulad kami ng power. Gusto niya akong makasama. I don't want to be rude but I hate the eyes of attention. Ako na talaga yung kinakabahan kase lahat nang students NAKATINGIN SAMIN!
  
   
I'm not used to being the center of attention. Mas magugustohan ko pa ang lumayo at kumain ng mag isa.
  
 
Si Lizz at Naicy meron sa left side ko. Hindi ako makapaniwalang tahimik lang si Lizz, kase siya yung maingay saming tatlo. Tapos parang sinadya nila maging busy ang sarili na mag basa nang libro. Ngunit hindi ako naniniwalang mahilig mag study si LIZZ! She doesn't like to study, kahit man lang makinig sa classes namin.
  
     
Very suspicious.
   
   
Ang mga prinsipe naman ay nakaupo sa harap namin. Tila bagut ng pinapakinggan si Prinsesa Pearl kakadaldal. Si Prince Blade ay tahimik lang sa kanyang inuupuan, at nakapikit ang kanyang mga mata.
   
   
Natutulog nanaman ba siya? Ah bahala siya! Wala akong pake sa kanya ang sama nang ugali niya! Tsk para namang may pake siya sayo Liliane. Argh!
   
    
"And then yung time na nag pakita sakin ang goddess of water. Grabe napamangha ako! Ang ganda ng goddess!" pagkwento ni Princess Pearl.

"A-ah oo ang ganda ni goddess of water" nahihiya kong bigkas.

"Diba!? Diba!?" masaya niyang sabi, kasabay ng kanyang mga matang kumikinang.

Cute! Bakit ang super cute ni Princess Pearl. Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko kase baka maging bastos pako sa paningin niya at ng ibang nobles.

"Pearl tama na nga yan, sobrang daldal mo. Isip bata ka talaga," naiinis na sambit ni Prince Axel.

Tumayo si Princess Pearl at binigyan ng masamang tiningin ang prinsipe.

"Ano ba pake mo ha? Hindi naman kita kausap. Wag kangang sumabat! Che malandi!"

"Huh! Ako?" sabay turo sa kanyang sarili "malandi? Seryoso kaba? Ang gwapo ko lang talaga kaya nag kakagusto ang mga babae sakin" maangas naman na tugon nang prinsipe.

"Ang hangin naman. Lili mahingin yung panahon ngayon noh. Kumapit ka nang husto, ha, baka madala ka sa malakas at MALANDING hangin" diniin ng prinsesa ang pag bigkas sa salitang malandi. Kaya mas lalong na inis si Prince Axel.

"E? Bat nasali ako?" Nasangkot pa talaga ako sa away ng dalawa, bagong salta lang naman ako. Hay nako.

"Hahaha!" tumawa sila Prince Clyde at Prince Damon. Parang walang balak paghintuin ang dalawang nag babangayan.

"Hayaan mo lang sila, Miss Naruki. Palagi talaga silang nag aaway. Walang araw na di nag aaway ang dalawang yan," pagsabi ni Prince Clyde sakin.

Napablush ako nang ngumit siya sakin. Ang gwapo niya.

Tumayo silang dalawa nila Prince Damon at humarap samin nila Lizz.

"Anong gusto niyong kainin, ladies" maamong sabi ni Prince Damon.

Napabaling agad ang tingin nila Lizz at Naicy. Pagkatapos ay tinignan ako, parang na nahihiya pang mag salita sa dalawang prinsipe.
  
   
Guys naman bakit ako. Nahihiya din ako, kala ko kayo yung makakapal ang mukha. Naman oh.
 
  
"U-uh, o-okay lang. Kami nalang bibili ng lunch namin."

"Wag na kayong mahiya. Kami nalang ang pipili para sa inyo," umalis na sila, at hindi na hinintay ang aming sagot.

Nakakahiya na talaga. Bakit pala ako sumama sa kanila in the first place. Normal lang ako na estudyante, I mean hindi sa normal na tulad ng mga mortal. I am just a normal student tulad nila Lizz at Naicy.

Napa buntong hininga na lang ako, at naririnig parin ang pag aaway ng dalawang nobles. Tapos sila Lizz at Naicy naman ay ganun parin nag papanggap na studious students sila.

GEMAINE ACADEMY: The Long Lost Princess (Revising)Where stories live. Discover now