Chapter 13:Awkwardness

49 5 0
                                    

Thea bilisan mo na malalate na tayo!sigaw ni kuya sa baba.

Patapos na!pero sa totoo lang wala pa talaga ako naligo at wala naman akong plano nang dahil sa lalakeng yun.

Eh sino namang hindi mababaliw kakaisip kung ang isang tao ay yayakapin ka nalang ng basta-basta?isali mo pa yung ugali niya.

Alam kong hindi talaga ganon ang ugali ng lalakeng yun,yung basta nalang niya akong yayakapin ng walang dahilan,imposible yun noh may dahilan talaga siya kung bakit niya ako niyakap ng napakahigpit pero...ano?ano ang dahilan?topak?

Hayys,bahala siya sa buhay niya duhhh!pinapasakit niya lang ang ulo ko.

Kagabi ko pa siya iniisip este---yung ginawa niya sakin,hindi ako makatulog ng maayos nang dahil sa mokong na yun.

As in shookt na shookt talaga ako sa nangyari kahapon,umuwi ako na para bang wala sa sarili,mabuti na nga lang at nakauwi ako sa bahay ng ligtas at buhay pa.

Hayyy.sabay inat-inat.makatulog na nga lang ulit.buo na ang desisyon ko hindi na talaga ako papasok ngayon.Kainis kasi yung nilalang na yun.

Alam kong hindi parin ako makapag-concentrate sa klase lalo na't magkatabi pa kami.

Baka mapahiya lang ako duon mamaya kaya mas mabuti pang dito nalang muna ako hangga't hindi pa bumabalik sa normal tong utak ko,tss.

After a while...

1 message...

Agad ko itong tiningnan.Wrong timing naman tong nilalang na to,kung kailan nakatulog na tayo dyan pa magtetext.

FROM:Sisi

Sisi tapos ka na bang mag-aral?My God sisi hindi talaga kaya ng brain ko ang 1-70 na quiz natin ngayon.Sisi hindi ko na alam ang gagawin ko😭.

MOTHER F!ngayon nga pala yung long quiz namin at hindi pa ako nakapag-aral!

Paano na?plano ko pa namang lumiban sa klase ngayon pero hindi pwede,may long quiz kami!pambihira!





                 ---------------------------------

Napilitan akong bumaba sa kwarto ko.Eh ano ba ang dapat kong gawin?alangan naman liliban ako?ang laki kaya nang mawawala sa grado ko.

Sa kusina...

Jdikwlabsidgsjpeosb.ingay naman ng lalakeng to!kanina pa daldal nang daldal ewan ko ba kung sino ang kausap nito.

Apakababoy kung kumain.Pwede naman sigurong tumahimik nalang siya kung kumakain noh?

Kala mo naman may naintindihan tayo dyan sa mga daldal niya.

Shjahannsjsb---

Kuya pwede bang hinaan mo yung boses mo?nasa pagkainan tayo oh.hindi na talaga ako nakatimpi sa lalakeng ito.

Pero may napansin ako,ang sipag niyang mag-aral ngayon.Kahit nasa pagkainan kami nag-aaral parin siya,aba himala ah!

Sipag mo ngayon ah.agad naman siyang tumingin sakin habang nagkasalubong yung dalawang kilay.

Bakit may problema ba?tanong niya.

Ah,wala naman naninibago lang.sagot ko.

Ahh naninibago din ako sa mga taong hindi nag-aaral at napaka-judgmental pa.wow nagpaparinig na naman ang gago.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now