Chapter 1

10 0 0
                                    

Veronica's POV

So... simula na nang pasukan bukas. At di pa ako ready. Like duh? Ang boring kaya ng summer ko. Hindi kami nagbakasyon sa leyte kasi di na natuloy

Kaya kulang pa bakasyon ko. Miss ko na pumunta sa probinsya namin, last last year kasi nung pumunta kami dun. Maganda sa probinsya namin. Malinaw tubig ng dagat, sariwang hangin, at madami kang mapagpapasyalan, kaso wala e. Di kami umuwi. Kaya di pa sapat yung bakasyon ko

Kakabadtrip den. In-aga kasi pasukan, kaya ayon wala akong magawa pero okay lang miss ko na mga kaibigan ko. Isa lang naman ang itinuturing kong kaibigan at yun ay si Elisha

Mas naging close ko talaga siya last year, kasi nung grade 6 pa kami iba palagi ang kasama niya, si emily pero nasa iisang tropa kami (nays, dba? Hahaha) may nagaganap kasi saming favoritism kaya pagwala ang isa sa kanilang paborito, maghahanap sila ng pakikisamahan. Kasama ko palagi nun si maikee at erin, matatangkad kasi kaming tatlo kaya sila ang kasama ko

Kasalukuyan...nasa mall kami ngaun. Kasama ko si mama, bibili kasi kami ng gamit sa school. Hinayaan ko siya sa gusto niya, kahit di ko taste pinagpipili niya. Di namin kasama si keith (kapatid ko) abala sa ML. Kakaadik ang laro na yan, naiinis ako sa kapatid ko kasi di na mautusan! Feel niyo ko? Kahit may katulong kami, hindi kasi inaasa ni mama ang lahat sa katulong namin kailangan daw na matuto kami gumawa ng gawaing bahay

Tapos na kami mamili— este si mama sa National bookstore. Nang pumasok kami sa department store

Here we go again...

Eto talaga yung hate kong part tuwing kasama ko si mama sa mall, titingin ng sandalas, plates, kitchen wares, damit at iba pa na makikitaan niya ng interest tas sa huli...Hindi niya bibilhin. Eh sa hindi kami masyadong mayaman para ibili lahat ang gusto ni mama

Nasa women's footwear section kami, nandito mga iba't ibang klase ng sapatos at sandals. Pumunta si mama sa mga sandals kaya sinundan ko siya. Sinukat niya ito

"Miss?" tawag niya sa saleslady. Napabaling naman ang tingin ng saleslady sa pagtawag ni mama sakanya kaya lumapit siya at ngumuti "How may I help you ma'am?" ngiti niyang tanong

Tiningnan ko ang kabuoan niya hanggang baba. Mestiza... short ang buhok..at bawing bawi naman ang itsura, may hubog ang katawan

bat kaya siya nagta-trabaho? Eh parang galing siya sa mayamang pamilya

"Umm...may size 7 ba kayo nito?" Tanong niya habang tinutukoy ang sandal na nagustuhan niya "Meron po. Kunin ko lang po sa stock room, kukunin mo po ba ma'am?" tanong ng saleslady "Oo" sabi ni mama

Napaawang labi ko. Seriously? Kukunin ni mama? Wow ah. Di na bago sakin toh. Napairap nalang ako

"Really ma? Bibili ka?" naninigurado kong tanong ko "Oo...bakit?" takang tanong niya "Wala" sagot ko. Walang pasabi-sabing binitbit ang pinamili at iniwan ko nalang si mama at lumabas sa department store

Nang mag-vibrate cellphone ko ay nag text si mama

From: Ma

San ka?

Tanong niya sa text. Di ko na nireplayan at pumuntang mcdo kanina pa ko gutom sa totoo lang  may dala akong pera just in case na kailangan at finally kailangan ko para lumamon

Nag-order ako ng ala-king tas wintermelon milktea dinagdagan ko pa ng french fries at mcflurry di halatang gutom eh, noh? Nang matapos umupo na ako sa pangdalawahang upuan at inilapag ang pinamili sa baba ng upuan ko at hinintay ang order ko

Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now