Veronica's POV
Kasalukuyan ay lunes na ng umaga. Kaya kumakain ako ngayon ng almusal na hinanda ni mama. "Gising na ba kuya mo?" biglang tanong ni mama, umiling ako.
"Anubayan! Ikaw ang nau-unang gumising kaya dapat gisingin mo ang kuya mo!" sabi ni mama sakin. "Hirap gisingin non ma! Kaya ikaw nalang po" sabi ko. Di na nagsalita si mama at pinuntahan na si kuya sa kwarto niya
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na bumaba na si kuya tingnan mo nga nmn... alam na may pasok, late parin ng gising binalewala ko nalang si kuya at pinagpatuloy ang kain. Naiinis na talaga ko jan e
Last year kase madami na ang naging late namin. Dahil jan sa kuya ko at aaminin ko rin na mabagal ako kumilos kaya nga ako ang unang gumigising e
Pagkatapos ko kumain ay umakyat ako para mag-toothbrush. Kinuha ko na rin gamit ko at bumaba na. Nakita ko naman si kuya na nakahanda na para umalis. Minsan nagtataka ako kung bat ang bilis kumilos ng mga lalake. As in.... wow lang
Tinawag na ni mama yung driver namin. Oo, may driver kami kasi ayaw ipa-drive ni mama si papa kasi nakakatakot daw, kami nga rin ni kuya e natatakot kay papa mag-drive kasi para kaming masesemplang any time, may pagkaskasero pa din yan si papa. Tsaka kaya kami may driver para mahatid't sundo kami pag wala sila
Sumakay na kami ni kuya sa kotse. Medyo malayo pa yung school namin galing dito kaya mapaparesbak kami sa traffic
Habang nasa biyahe kami ay nagsalita si kuya. "Bat gabi kana nakauwi?" tanong niya. Luh? Alam naman niyang nasa mall kami e. "Duh? Nasa mall kami ni mama" irap kong sabi. "Nakauwi na si mama kahapon nang di ka kasama" sabi niya. "Ahh...kumain ako ng mcdo, alam mo naman nanay naten" sabi ko. Di na umimik si kuya, di ata kumbinsido
Mga ilang oras ay nakarating na kami sa school. Pinagbuksan ako ng driver namin ng pinto at bumaba na. Sabay kaming pumasok ni kuya sa gate. Una namin pinuntahan ang bulletin board kung saan makikita kung saang section kami ilalagay
8- st. Dandelion
Angeles, Ashlie Shanna
Monzato, Kallaine
Reyes, Veronica Zebby
Willer, Elisha
Sh*t! Kaklase ko parin sila! I'm very very thankful HAHAHAHA thank you lord! hehe
Matapos kong matingnan ay umalis na ko para mapuntahan na ang room ko nang hinigit ako sa braso ni kuya. "Anuba?!" sigaw ko kaya maraming tumingin sakin
hayst , pahiya tong kuya ko huhuhu
"Hatid mo muna ko sa classroom ko" sabi niya. "Ano ka? Prinsipe? para ihatid sa classroom mo? No way!" sabi ko. "Wag kana mag-reklamo, hatid mo nlng ako" sabi niya. "Aba! Alam ko ba kung sang classroom ka? Ha?" ewan ko ba dito sa kuya ko, papansin nanaman. Di naman gwapo unti lang hehe Inakbayan niya ko at inipit niya ulo ko sa braso niya at sinapilitang lumakad. Ano pa bang magagawa ko? Baka pag pinatulan ko toh e, ako pa magmumukhang masama
"A-aray! Kuya nmn! Dahan-dahan nmn oh!" reklamo ko. Di niya ko pinansin
Pinakalawan niya naman ako nang paakyat na kami ng hagdan. Nasa 3rd floor daw yung room niya at kailangan ko pang bumaba kasi nasa kabilang building pa yung sakin at nasa 2nd floor pa. Nang malapit na kami sa room niya ay huminto ako, huminto din sa paglalakad si kuya at lumingon sakin
YOU ARE READING
Life (ON-GOING)
Randomthis story is real reality of life. Judgements Suicides Love atbp.