Chapter 4

3 0 0
                                    

May nag-skip ng prologue ko HAHAHAHA kung sino ka man... chour HAHAHAHA but still i love you kasi binasa mo ito hehe.... Yon lang start ko na!

__

Ngayong araw na ito ang gala namin kaya excited na ako plus may kasama kaming pagtritripan charot! kasamang bagong kaibigan. Pinagiisip niyo eh... tsk tsk. Mamaya pa namang hapon yon di naman halata na excited ako, noh? hahahaha

Nasa kwarto pa ako di ko pa feel lumabas kaya nagbasa muna ako ng wattpad. Kakabasa ko lang yung Love without Limits ni maxinejiji.

A/N: Must Read guys!!!

Ako dapat magsasabi niyan! Whatev! So yun nga nagbabasa ako ng ibang story nang may biglang kumatok. "Kain na raw!!" sigaw ni kuya sa labas ng pinto ko. "Waitt langg!!" sabi ko. Ganda na ng story eh! Epal talaga aissh!

At dahil ako ang pinaka pasaway samin. Hindi ako bumaba. Mga ilang oras ay may kumatok. Binalewala ko lang hanggang sa binuksan yung  pinto. "Ano?! Hindi ka kakain?!" sigaw ni mama.  Tumayo na ko habang nakamot pa sa batok. "Eto na po" sabi ko

Tumabi naman si mama kaya dali dali akong bumaba. Nakasalubong ko si kuya sa may sala nangaasar. Inirapan ko nalang. Sasapakin ko nalang maya. Umupo na ko sa dining table at nagdasal muna bago kumain. Banal kaya ako!.

Late ako kumain kaya ako nag hugas para din payagan mamaya hehe

Napagusapan nmin kanina kung anong time pupunta don. Pupuntahan ko muna si eli para sunduin namin si ashlie. Di kasi minsan pinapayagan yon unless pumunta kami para ipagpaalam siya

Oi papunta na ko :Me

May data ako kaya chinat ko si elish. Matagal pa bago niya ako ichat

Elish: Sge sge

Kinuha ko na sling bag ko at pumunta sa baba magpapahatid. Nakita ko naman si kuya nage-ml kaya mabagal wifi eh. Hinanap ko si mama sa labas para nga magpahatid. "Magpahatid ka kay ate mo" sabi agad ni mama. "Nasan si ate??" tanong ko. "Nasa kwarto niya ata" sabi niya habang nagaayos ng paso. Di na ko umangal at dali daling pumunta sa kwarto ni ate

Hindi na ko kumatok at dumeresto na sa higaan niya amp! Tulog?! puyat nanaman siya. Niyugyog ko naman balikat niya. "Hoy! Hatid mo daw ako sabi ni mama!" pasigaw ko unti. Na alimpungatan ata kaya gumalaw na. "Saan ??" tanong niya habang nakusot ng kanang mata. "Kela elish. Bilisan mo na!" sabi ko at bumaba para maghintay. Maghihilamos pa yon. Chinat ko naman si elish na male-late ako ng unti.

Mga ilang minutes tapos na ate ko. Btw, tomboy ate ko, pamangkin ni mama. Dito na siya samin para maghanap ng trabaho. Agad niyang kinuha yung susi at lumarga na.

Andito na kami sa mall. Nahirapan kaming dalawa ni elish ipaalam si ashlie pero pinayagan din naman. Andito na din si yash masyado pang mahiyain. Nag decide muna kaming manood. Si kallaine at yash daw sa pagkain kaming natira sa drinks. Horror ang napili namin para thrill.

Pagkaupo namin sa gitnang parte ay commercial pa lang kaya nagdaldalan muna kami pero pa-bulong baka sitahin kami eh. Mga 20 minutes nagsimula na kaya tahimik na kami. Nasa kanang dulo si kallaine sunod si ashlie, tapos si yash. Ginitna namin siya para hindi siya ma-out of place samin, then si elish, at ako may dalawa pang bakante sa tabi ko. Habang naka-focus ako sa harap may biglang umupo sa bakanteng upuan hindi ko nalang pinansin. Nasa climax na kami kaya medyo nakakatakot na, kumakapit na nga sakin si elish tapos yung tatlo don nagyayakapan na. Ako lang hindi matatakutin charot lang! Napapakapit na nga ko sa katabi ko eh— K-KATABI?! Hindi ako kay elish naka kapit kaya dahan dahan kong nilingon tong KATABI ko.

P-precy?! Bat andito siya?!

Lumingon naman siya sakin at ngumiti. "Grabe pagkakapit mo, ah?" sabi niya at tumawa. Mabilis kong binitawan braso niya. Taena ka veronica! Kakahiya ka dzaiUmayos na ko ng upo at tinuon ko nalang ng pansin ang manood, hindi niya rin ako pinansin. Mabuti't di napansin ni elish yon.

"Grabe! Nakakatakot yon ah!" sabi ni yash habang palabas ng sinehan. Isang magandang pahiwatig na hindi na siya naiilang samin. "Oo nga eh! Eh eto namang si ver nakakapit na sa isa niyang katabi!" biglang sabi ni elish. PAKSHET napansin niya pala yon?! Kala ko hindi! I'm doomed. "Lalake ba yan?" tanong ni kallaine. "Ewan ko lang. Ang dilim nun eh kaya di ko naaninag yung mukha" sagot ni elish. Tiningnan naman ako nilang apat. Nag-iwas lang ako ng tingin.

"Uyy! Umiiwas! Lalake siguro yon, noh?" asar ni ashlie. Tumango nalang ako, humiyaw naman ang mga haliparot. "Mygosh! Ansabi ni kuya?" tanong ni yash. Huminga muna ko ng malalim. "Sabi niya 'Grabe pagkakapit mo, ah?' yon lang" naghiyawan ulit sila. Kinakahiya ko kayo huhuhu. "Ano pa??" sabay sabay nilang tanong. Napakamot nalang ako ng batok at sumenyas na wala na. Sabay sabay sila nag reklamo di ko na sila pinansin at nauna ng lumakad.

Dahil nagugutom na kami. Naghanap muna kami ng fastfood. Nag-away pa tong si ashlie at kallaine. MCDO kasi kay ashlie, eh kay kallaine Greenwich, nagc-crave sa pizza. So bagsak kami sa Greenwich kasi nagc-crave din si yash, walang magawa si ashlie. Parehas lang kaming lahat ng in-order.

"Ohmygahd" biglang sambit ni ashlie, kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Is that precy?!" sabi niya sabay turo sa likod ko. Sinundan naman namin yung tinuturo niya. oh fvck sinanggi ko kamay niya kaya binaba niya na "And he's with a girl" sabi ni kallaine. Tiningnan ko naman yung kasama ni precy ay wala na mas maganda sakin kasama niya oh Iniwas ko nalang tingin ko.

"Okay... girls kumain na muna tayo" sabi ni yash. Tumingin naman siya sakin at tipid na ngumiti tapos tinuon na sa pagkain ang paningin niya. Kaya kumain na din sila ashlie.

"I can't believe na may kasama siyang babae kanina" sabi ni ashlie. Nandito kami sa jeep papauwi na. "Girlfriend niya ba yon?" nagtatanong na tingin sakin ni kallaine. "W-wala siyang sinabi sakin" sabi ko at umiwas. "Girls... wag muna kayo mag-conclude na girlfriend niya yon. Malay niyo best friend niya yon or sister etc." pairap na sabi ni eli. Sumangayon naman sila sa kanya

"And you. Do you have any feelings towards percy?" tanong ni eli sakin kaya laking mata akong tumingin sa kanya at umiwas. "I-I don't know" nakalumbaba kong sagot. "It's okay naman kung may feelings ka sa kanya but ang masakit is kung may feelings din ba siya sayo" sabat ni yash. "Wow. Didn't even know na may bago tayong friend na taga-bigay ng advice, tiyak na si yash takbuhan natin pag may lovelife failure tayo" patawang-tawa ani ni ashlie kaya tumawa din kami.

Gabi na, nasa bahay na ko. And as usual tanong ng tanong tong kuya ko kung may pagkain ba daw akong binili. Ano akala niya sakin? Mayaman? Eh humingi lang ako ng pera kay mama tapos pinagsama ko na dun allowance ko. AND hindi pa niya ko nililibre!

Sino kaya kasama ni precy? Girlfriend niya? Sister? Cousin? Childhood fr— okay tama na. Pag girlfriend niya yon, lalayuan ko na siya. Pake niyo ba kung gusto ko lumayo sakanya? Edi mas lalo pang mahulog loob ko sakanya. No way, noh!

Makatulog na nga!










Tagal kong mag-update, noh? Aba gamer toh oi HAHAHAHA And tbh, nakakalimutan ko ng gumawa ng story as always naman. Busy ako sa paglalaro, panonood ng k-drama, social media, and webtoon, ganyan ginagawa ko ngayong naka-quarantine. So... sorry for the long long long update hehe. Tamad author niyo. Love lots!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Life (ON-GOING)Where stories live. Discover now