Heart stealer (PART I)
I'm in the mall, shopping alone. I get bored at home so i decided to go to the mall. Bumili ako ng bagong damit, kumain sa fast food, at kung ano- ano pa. I don't care kung gumasta ako ngayon ng marami, para sa akin naman ang binibili ko. At tsaka my parents is one of the rich businessman/woman here in the country. Kumikita sila ng milyon kahit naka- upo lang sa swivel chair nila.
So ayun na nga, pagkatapos kong kumain sa fast food, napag desisyunan kong pumunta ng national bookstore, syempre hindi porque gumagasta ako e.. kung saan -san ko na lang ginagamit yung pera, bumili din naman ako ng kailangan ko sa school noh!. Syempre kasama na dun ang wattpad books. Hehe.. ito lang kaya ang libangan ko sa bahay pag na-bobored ako.
Ayun na nga nabili ko na ang mga kailangan ko. Nasa labas na ako sa exit nang may maka-bungguan pa ako. And because of that nahulog ang mga pinamili ko pati narin ang handbag ko.
"Ano bayan! Hindi kasi marunong tumingin sa dinadaanan." Sabi ko habang pinupulot ang mga pinamili ko.
"Sorry" Said the guy who bump into me. Inabot niya sakin yung handbag ko. Hindi ko masyado makita ang mukha bukod sa mga mata niya maganda, naka- cup kasi at naka mask.
Hindi ko nalang pinansin at umalis na naghintay na lang ako ng taxi na masasakyan. Nang may huminto sa harap ko, sumakay na ako dito gusto ko nang maka-uwi sa bahay dahil pagod na ako. Pagod kakagala sa mall.
Nang makarating sa bahay sinalubong agad ako ni Mommy.
"Hi there, sweetie. Kamusta ang shopping?" She happily said, and then hug me.
"Kapagod, mommy." Sabi ko at naupo sa sofa, nakita ko ang baso ng juice sa center table kaya ininom ko ito.
"Books again? Your such a bookworm, sweetie." Sabi nito ng makita ang binili ko.
"Mom, Don't call me sweetie I'm not a kid anymore, im already 18. And besides hindi books ang binili ko may damit din dyan." Naka nguso kong sabi.
"Yes, 18 kaya bawal pa ang boyfriend." Sabi naman ni daddy na nasa likod ni mommy. Yumakap ito mula sa likod ni mommy at kiniss sa cheeks si mom.
"Ate rick! Ate rick! Ate rick!" That's my noisy younger brother, he's 7 years old.
"Ate where's my chocolate?" Nag papacute pang sabi nito at nilahad ang kamay sa akin.
Lumapit ako kay Xyron. "Chocolate? Hmm...ito!" Hiniga ko siya sa sofa at kiniliti ko,
"Hahahaha! Ate! Stop! Hahaha! Mommy! Daddy! Help! haha!" Kahit ako ay nadadala narin sa pag tawa.
"ok stop that, tara na sa dining, para maka pag hapunan na." Sabi naman ni mommy kaya hininto ko na yung pakikiliti kay Xyron, aba't ang lokong bata binelatan lang ako.
"Mom, i just go to my room. Ilalagay ko lang po sa taas yung pinamili ko." Paalam ko kay mommy.
Umakyat na ako ng kwarto at nilagay sa book ahelf ko yung mga libro at yung damit nilagay ko sa closet ko. Pumunta ako sa kama para kunin yung handbag ko dahil andun yung phone ko. Pero nang tingnan ko yung handbag wala dun yung phone ko. Tinaktak ko ang handbag ko pero wala talaga ang phone ko. Nag mamadali akong pumunta sa sala kung saan dun ko pinatong yung mga gamit ko, pero pag tingin ko sa sofa wala naman dun yung phone ko. Kaya dumiretso na lang ako sa dining.
"What's wrong ericka?" Tanong ni daddy.
"Ahmm.." hindi ko alam kung sasabihin ko pa o hindi. Baka kasi pagalitan ako.
"What is it?" Sabi ni mommy habang pinupunasan ang bibig ni Xyron, ang kalat kasi kumain.
"...kasi po....nawawala yung phone ko." Sabi ko habang nakayuko at nakatingin sa pagkain. Hinintay kong sabihan ako nila mommy at daddy pero pag angat ko ng tingin nakain lang sila.
"Hindi po kayo magagalit?" I ask.
"Why We would? Buti nga at cellphone lang yan. Ang mahalaga hindi ikaw ang nawala." Sabi naman ni mommy.
Nakahinga ako ng maluwag dahil dun.
"And also reminder. Mag kakaron nga pala ikaw ng bagong driver." Daddy told to me.
"Bakit po? kaya ko namang mag comute mag isa." Takang tanong ko.
"It's not safe for you. Mas mabuti nang may sarili kang driver." Ma- awtoridad na sabi ni daddy.
"Ok po." Hindi na ako nakatanggi alam ko naman para sa akin iyon.
Matapos kumain umakyat na ako sa kwarto ko. Nag linis ng katawan at humiga na sa kama. Habang nakahiga, naalala ko yung lalaking naka bangga ko sa labas ng mall. Imposible naman siya ang kumuha ng cellphone ko mukha naman siyang mayaman sa suot niya kahit simple lang.
Tumatakbo parin sa isip ko kung sino ang kumuha sa cellphone ko or sadyang nawala lang? at pati narin sa bago kong driver kung magkakasundo ba kami or hindi?