HEART STEALER (PART III)

5 1 0
                                    

Heart stealer (Part III)
-Nic✏

It's been days since nangyari yung kiss. Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto at nakaupo sa kama, habang nagbabasa ng libro. Pero wala sa story yung isip ko, andun parin sa kiss na nangyari samin ni drake.

"Haisst!!" Nilapag ko sa bedside table yung libro at nahiga sa kama. Nahiga ng isang minuto tapos bumangon uli. Sh*t hindi ako mapakali. Napag desisyunan ko na lang na lumabas ng kwarto at bumaba.

Pag kababa ko naabutan ko sila Mama at Papa na nasa sala habang kausap si.... sino to? Nakatalikod kasi yung pwesto niya sakin at mukhang isang business man dahil sa polo at slock na suot niya, pero bakit ang bata pa? Tsaka familiar yung likod niya.

"Mika" Napatingin ako kay mama nung tinawag niya ako. "Come here." Sabi ni mama at tinapik yung sofa sa tabi niya.

"Bakit po?" Sabi ko ng maka-upo sa sofa. Pag katingin ko naman sa harap ko. Nagulat ako sa nakita ko. Tama ba ito? SI DRAKE! pero bakit mukha siyang mayaman sa itsura niya.

"Were leaving sweetie, may sasabihin sayo si drake." Nakangiting sabi ni mama. Tumayo sila ni papa at naglakad paalis, iniwan kami ni drake dito!

Nakatingin lang ito sa akin. Umiiwas ako ng tingin, hindi ko kayang makipag titigan sa kanya.

"Don't you remember me?" Kunot-noo akong napatingin sa kanya.

"Ha? Anong sinasabi mo." Pinag sasabi nito.

"So i guess you don't." Sabi nito at may kinuhang sa bulsa niya. Nakita ko ang isang laruan. Laruan na Cellphone. Teka! Parang familiar yung laruan na yun ah!

"Here." Sabay abot niya sakin ng laruan na cellphone. Kinuha ko ito.

Tiningnan kong maigi ang cellphone tiningnan ko ito sa likod at lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pangalan ko. Akin nga ito! Ito yung laruan ko dati, ayaw kasi akong bigyan nila mama ng cellphone nun baka daw manlabo ang mata ko dahil bata pa ako nun. Pero nawala ito samin nung pinaheram ko sa kalaro ko dati, tapos hindi na niya naibalik pa, at hindi ko narin siya nakita. Pero bakit ito na kay drake? Hindi kaya siya---?

"If your thinking that i'm that boy? Yes that me." Sabi niya at mas lalo pa akong nagulat.

"Ibig sabihin, ikaw din yun batang lalaki na kiniss ako sa lips?"

"Yes."

Agad na namula ang mukha ko. I know dahil nararamdaman ko.

"Your cute when your blushing, love." Nakangiti nitong sabi.

A-ano daw?

"A-ano love?" Nauutal kong sabi. Sh*t i think my heart will explode.

"Why? nung sinabi kong boyfriend mo ako dun sa james na yun. Wala naman akong naalalang tumanggi ka. That explain that i'm your boyfriend." Nakangiti nitong sabi.

Hindi ako nakapag salita.

"And by the way." May dinukot uli ito sa bulsa niya. "Oh." Sabay abot sakin ng isang maliit na paper bag.

Kinuha ko ito at tiningnan ang nasa loob. Teka! Ito yung... "Cellphone ko!" Gulag akong tumingin sa kanya. "Paano? Ikaw?" Sandali akong napatitig sa kanya. "Ikaw! Ikaw yung lalaking nagnakaw ng phone ko!"

Lumapit siya sakin at yumuko. Magka-level na yung mukha namin. "It's fair, you STEAL MY HEART too." He said as he give me a peck of kiss. And for the third time he steal my 3rd kiss and also my heart. MY HEART STEALER.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon