HEART STEALER (PART II)

4 1 0
                                    


"Ate! Wake up! Ate!" Naramdaman kong may yumoyug-yug sakin, kaya napamulat ako ng mata ko.

"Hmm...w-why? Ate is sleepy pa." Sabi ko at tumagilig ng higa. Bumalik ulit sa pag tulog.

"But! Daddy is calling you na!" Sabi ng makulit kong kapatid.

Kaya wala na akong nagawa. Bumangon na ako. Lumabas naman ng kwarto ang kapatid ko nang makitang bumangon na ako sa kama. Dumiretso na ako sa Cr at nag hilamos at nag ayos ng sarili ko bago bumaba. Nang makarating sa dining agad kong binati sila Mama at Papa.

"Morning to all." Sabi ko at umupo na sa pwesto ko. May pinggan nang nakalagay sa pwesto ko kaya kumuha na lang ako ng pagkain.

"Mika, ngayon na pala darating ang driver mo." Paalala sakin ni papa.

"Ah, talaga po." Sana nga wag na lang
.
"Mam, Sir. Dumating na po yung driver." Sabi ng isa sa matulong namin.

"Papuntahin mo rito." Sabi naman ni papa.

"Sige po." Sabi nung katulong at umalis.

Maya- maya lang dumating na ito. "Sir, ito na ho."

"Magandang umaga po, ako nga pala si Drake ang bagong driver po." Nag -angat ako ng tingin rito ng mag salita ito, nakita kong naka-ngiti itong bumati sa amin.

Bumaling ang tingin nito sa akin. Ilang segundong kaming nagkatitigan, he looks like familiar, parang pamilyar yung tingin niya. I don't know but i think i know him, i think i see him somewhere...

"Kumain ka naba?" Tanong ni papa rito.

"Opo" he politely answered.

Umiwas na ako ng tingin, at kumain na lang uli. Kung siya ang magiging driver ko.. hmm..pede naman. Sana gwapo din ang ugali niya katulad ng gwapo niyang mukha.

———•———

"Sa mall tayo diretso." Sabi ko pagkatapos makasakay ng kotse. Kalalabas ko lang ng university. 2 buwan narin mula ng maging driver ko si Drake. Minsan nagugustuhan ko ang ugali nito minsan naman ang sungit, dinaig pa ang babaeng may period.

"Bakit dun? Why don't i drive you to your home and do your assignments?" Oh! Tingnan mo kung maka-asta parang siya pa ang amo samin. Kung kumilos rin ito parang hindi driver.

"Bakit hindi dun?" Tinaasan ko siya ng kilay nakatingin siya sakin mula sa rear view mirror.

He just rolled his eyes to me. And maneuvered the car. Naging tahimik lang ang biyahe. Hanggang sa makarating kami sa mall.

"Doon tayo dali!" Sabi ko ng makita ko ying arcade. Hinila ko na siya papunta dun ambagal kasi maglakad.

"Tss. Childish." bulong nito.

"Ano?" Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya ng naka-pamewang. Nginitian na lang niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na..." Sabi nito at nakapasok na kami sa loob ng arcade.

"Waaaa! Dun tayo."Nakangiti kong turo dun sa basketball, napansin kong hawak niya parin ang kamay ko kaya inalis ko na lang ito. Hindi ako komportable, my heart always beats fast everytime he holds my hand.

"Oh, sige! Pero kung sino ang matalo may punishment ha" Panghahamon nito.

"Ok! Deal." Matapang kong sagot.

Nag papalit muna kami ng token pag katapos naglaro na. Sa 1st round ako pa yung lumalamang, i think ako na ang mananalo, but nagkakamali ako. Sa 2nd round siya na ang lumamang hanggang sa matapos ang laro at siya na ang nanalo.

"Paano bayan?" Mauabang na sabi nito.

"Tss. Chamba lang yun!" Nakanguso kong sabi. "Tara na kain na lang tayo, ayoko ng maglaro." Sabi ko at lumabas ng arcade.

"Intay!" Sabi ni drake na humahabol sakin. "May punishment ka sakin." Natatawa pa ang loko!

Inirapan ko na lang ito at naglakad nalang papuntang food court.

"Mika?" Napalingon ako sa gilid ko ng may tumawag sakin.

"James!" My childhood friend, nilapitan ko ito at niyakap. "Long time no see." Naka ngiti kong sabi.

"Same to you. How are you now?" Nakangiting tanong nito sakin.

"I'm ok."

"Ahmm...do you want to eat?"

"Why not, tara!" Akmang maglalakad na kami ng may tumikhim sa likod ko. Oo nga pala andito pa si Drake na nakahalukipkip at mukhang ang sama pa ng mood.

"Ahh... james this is drake, drake this is james." Pagpapakilala ko sa kanila.

"I'm drake, Mika's boyfriend."Gulat akong napabaling ako kay drake. Ano? Boyfriend?

"Ano---" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan sa lips.

"If you don't mind. We're leaving kakain din kasi kami ng GIRLFRIEND KO." Hindi ako nakapag react sa mga sinabi niya.

Hindi na niya hinintay pang makasagot si james, hinawakan na niya ang kamay ko at naglakad na paalis. Nang makalayo -layo dun lang bumalik yun senses ko.

"Bakit mo ginawa yun?!"

"Ang alin?" At parang wala lang talaga sa kanya?

"Anong alin?! Yung pag kiss mo sakin!" Sa pag kakasabi kong iyon pakiramdam ko namula ang pisnge ko, bumilis din ang tibok ng puso ko. Wala akong pakialam kung pinag titinginan na kami ng mga tao dito sa mall.

"Your blushing." Nang-aasar pa ito.

"Haisst!..." nag lakad na ako papuntang exit at nakarating sa parking lot kung saan andun yung kotse. Nakasunod naman siya sakin kaya binuksan na niya ang passenger seat nung makapasok ako tsaka siya pumasok sa driver's seat at pinaandar na yung kotse.

Yung isa niyang kamay nasa manibela samantalang yung isa nakatukod yung siko sa bintana ng kotse habang kinagakat yung daliri niya, parang nangingiti siya.

"Bakit ka nakangiti?!"

"Bakit masama?" Nakangiti parin nitong sabi habang nakatingin sa daan.

Hindi na ako nag salita nabubwisit na ako. Naging tahimik na ang biyahe hanggang sa makauwi kami ng bahay.

Short Stories for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon