Paunang Salita

9 0 0
                                    

"Isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Tandaan mo yan"

Napakagat labi si Bela sa kanyang narinig mula sa kanyang matalik na kaibigan at lihim na iniibig na si Jason.

"Alam ko. Ngunit bakit mo ba sinasabi to bigla? Ginugulat mo ako." Lingon ni Bela sa kanya.

"Wala lang. Gusto ko lang na malaman mo yun. Hindi ko yata napaparamdam sa'yo ang bagay na 'yun simula pa nung una." Nakangiting tugon nya sa tanong nya sabay gulo ng buhok ni Bela.

"Ano ka ba, alam ko yun! Hindi mo na kailangan sabihin yun dahil nararamdaman ko at alam ko yun!" Hinawi ni Bela ang kamay ni Jason na nasa kanyang ulo sabay hampas ng mahina sa braso nito.

"At wag ka'ng mag-alala. Dahil ganun ka din sa akin. Isa ka sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko at importante ka sa akin. M-ahal kita, noh!" Kuyari'y wala lang sa loob at iwas na tingin na tugon nya sa kaibigan.

Napangiti si Jason. Tumayo sya at humarap kay Bela.

"Buti naman dahil ganun din ang nararamdaman ko. Mahal din kita, Bela." Sabay abot nya ng kamay.

Napanguso si Bela dahil alam nyang magkaiba ang uri ng pagmamahal ang tinutukoy nila sa isa't-isa. Mahal sya ni Jason bilang isang matalik na kaibigan at mahal niya si Jason nang higit pa sa isang kaibigan.

Inabot niya ang kamay ni Jason at tumayo na din. Sabay silang naglakad pauwi sa kanilang mga tahanan. Ngunit lingid sa kaalaman ni Bela, yun na ang huling pagkikita at paguusap nila ni Jason. Ang huling beses na mararamdaman nya ang hawak at makikita ang ngiti ng kanyang kaibigang lihim na minamahal.

 Ang huling beses na mararamdaman nya ang hawak at makikita ang ngiti ng kanyang kaibigang lihim na minamahal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lies and TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon