Inabot ni Bela ang larawan na nakalagay sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama ni Jason. Larawan nila ito noong grumaduate sila ng high school. Magkaakbay sila habang hawak ang kanilang mga diploma at bakas ang kanilang kaligayahan noong araw na iyon.
"Dalian mo ang bagal bagal mo naman!" Nakangiting hila ni Jason kay Bela sa harap ng kanilang mga magulang na may hawak na camera.
"Ito naman. Nagdadrama pa nga ako sa mga kaklase ko eh." pairap naman na sabi ni Bela. Biglang humarap si Jason sa kanya upang ayusin ang kanyang toga na nagulo na pala kakayakap nya sa mga kaklase kanina.
"Ikaw, magka-college na tayo pero hindi ka pa rin marunong mag-ayos ng sarili mo. Hindi ka na bata." Pangaral ni Jason sabay ngiti kay Bela.
"Opo, lolo." Nakangising tugon ni Bela.
"Congrats satin, pangit." Pagbati ni Jason kay Bela sabay kurot sa kanyang pisngi.
"Congrats din sayo, mas pangit." Balik bati at pang-aasar ng dalaga.
"O 'sya. Humarap na kayo dito para mapicturan na namin kayo." Sita sa kanila ng mama ni Bela. Sabay naman silang tumingin sa camera at umakbay sa isa't-isa habang nakangiti.
"CHEESE!!"
Pinunasan ni Bela ang luhang lumandas sa kanyang pisngi matapos ang pagbabalik tanaw niya sa masayang alaala na iyon. Tatlong linggo na ang nakakalipas ngunit sariwa pa rin sa isip niya ang lahat. Saglit siyang humiling na sana, sana panaginip lamang ang lahat.
"Iha, halika at kumain ka na muna dito." Napatingin si Bela ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Jason. Nakita nya ang mama nito na nakadungaw sa kanya. Halata din sa mata nito ang pagdadalamhati nito. Labis na nasasaktan si Bela hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa mga magulang ni Jason. Hindi lingid sa kaalaman niya kung gaano iningatan, inalagaan at minahal ng mga ito ang bunsong anak.
"Opo, tita." Pinatong muli ni Bela ang litrato sa lames at sumunod kay Sonya, pangalan ng ina ni Jason. Bago isara ang pinto, iginala niya ang paningin sa kuwarto nang nawalang kaibigan. Pakiramdam niya ay nandito lamang si Jason. Naaamoy niya pa rin ang pabango nito at nakikita niya pa rin ang imahe ni Jason na nasa kuwarto. Malungkot siyang napangiti at isinara na ang pinto.
--
Nakatingala si Bela sa harap ng gusali nang mga kursong pang Business Administration sa loob ng kanilang Unibersidad. Hindi niya maiwasang gunitain ang mga alaala na pinagdaanan nila sa lugar na ito.
"Naaalala mo siya, noh?" Nagulat siya nung may magsalita sa likod niya. Nakita niya si Noah. Isa sa mga taong laging nakakasama ni Jason sa loob ng Unibersidad. Ngumiti lamang siya at nagsimula ng maglakad. Sumunod sa kanya si Noah.
"Hindi ko akalain na magagawa ni Jason iyon sa sarili niya." Ani ni Noah na sumabay sa paglakad ni Bela.
"Lahat tayo ay hindi makapaniwala." Tugon ni Bela. Sandaling nanahimik si Noah.
"Hindi dapat siya nasangkot sa mga taong iyon." mahinang sabi ni Noah atsaka siya pumasok sa loob ng silid para sa kanyang klase.
Napalingon bigla si Bela ngunit wala na sa tabi niya si Noah. Mahina ang pagkakabanggit nito ngunit naniniwala siya na tama ang kanyang narinig.
"Nasangkot sa mga taong iyon?" Naibulong ni Bela sa kanyang sarili habang nakatingin sa silid na pinasukan ni Noah.
Ano ang ibig niyang sabihin?
BINABASA MO ANG
Lies and Truth
Teen FictionNawala ang simple at tahimik na pamumuhay ni Bela Dorothy matapos ang pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan. Sa kaligtnaan ng kanyang paghihinagpis ay malalaman nya ang mga dahilan at rason ng kinasapitan na trahedya ng kanyang kaibigan. Mga baga...