KABANATA 1

9 0 0
                                    

Nagulat si Bela nang madatnan nya ang ilang mga pulis sa kanilang tahanan pagbaba niya mula sa kaniyang kuwarto. Paalis na sana siya patungo sa kanilang paaralan ng mamataan niya ito sa kanilang sala. Dali dali siyang nilapitan ng kanyang mga magulang.

"Anak..." Umiiyak na yakap sa kanya ng kaniyang ina.

"Ma, ano po'ng meron? Bakit po may mga pulis?" Balik yakap niya sa kanyang ina. Napatingin siya kanyang ama at nakita niya rin ang sakit sa mga mata nito. Lumapit ito sa kanya upang hawakan sya sa kanyang balikat.

"Anak, wala na si Jason." Nahihirapang usal ng kanyang ama.

Tila nabingi si Bela sa kanyang narinig. Hindi maproseso ng kanyang utak ang sinabi ng kanyang ama. Napakalas siya ng yakap sa kanyang ina.

"P-po? Paano pong w-wala na?" Naluluhang mga amta na tugon ni Bela. Alam niya sa sarili niya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ama. Patunay ang mga pulis na nasa kanilang tahanan.

"Patay na siya, anak. Suicide ang hinala ng mga pulis." Lumuluha na sabi ng kanyang ina.

Halos matumba sa panghihina si Bela. Hindi niya mapaniwalaan ang sinasabi ng kanyang ina. Hindi matanggap ng kanyang isip ang nangyari kay Jason at ang ginawa nito sa kanyang sarili. Hindi ganoong uri ng tao si Jason. Alam niya sa sarili niya na walang pinagdadaanan si Jason dahil wala itong naikekwento sa kaniya. Ngunit hindi nga naman niya nalalaman ang iniisip nito at ang lahat ng pinagdadaanan nito. Napaisip siya bigla kung nagkulang ba siya bilang isang kaibigan.

"P-pero kasama ko pa siya kagabi. Nakakwentuhan ko pa siya kagabi. Ma, Pa. Hindi totoo itong sinasabi niyo di ba? Ginu-good time niyo lang ako di ba? Ayoko. Hindi ako naniniwala. Hinding hindi ako maniniwala sa sinasabi niyo." histerikal na sabi ni Bela. Nagmamakaawa siya sa kanyang mga magulang na bawiin ang kanilang mga sinabi habang pilit siyang niyayakap ng mga ito.

Pinakalma nila si Bela at inabutan ng tubig. Pinaupo sa sofa upang kausapin ng masisinsinan.

"Anak, alam kong mahirap paniwalaan. Maging kami ng papa mo ay hindi makapaniwala sa hinatid nilang balita. Ngunit ito ang katotohanan." hawak kamay sa kanya ng kanyang ina. Tulala lamang si Bela at hindi pa rin matanggap ng kanyang puso't isipan ang balitang bumungad sa kanyang umaga.

"Iha, nandito kami para kausapin ka. Nalaman namin na ikaw ang kasama ni Jason Estrada kagabi. Nais lang namin itanong kung meron ba siyang kakaibang ikinilos o may iba pa ba siyang nakasama matapos ninyo mag usap?" malumanay na tanong sa kanya ng isang pulis. Labis ang habag nito sa nakikitang paghihirap ng dalaga.

Napaisip si Bela. Ang mga sinabi ni Jason kagabi. Iyon na pala ang huling pag uusap nila. Kaya pala sobrang sweet nito. Hindi niya alam na ito na pala ang pahiwatig ni Jason.

"Hindi ko po alam kung may iba pa po syang nakasama matapos namin mag-usap. Wala rin po siyang nasabing kakaiba kaya hindi ko lubos maisip na gagawin niya ang bagay na ito." Lumuluha at naghihinagpis na sabi pahayag ni Bela sa mga pulis.

"Ganoon ba. Kung ganun ay lubos kaming nakikiramay sa inyo. Batid namin na lubos na magkalapit ang pamilya ninyo at ang pamilya ng Estrada. Salamat po sa inyong kooperasyon."Lahad ng pulis at nakipag kamay ito sa mga magulang ni Bela.

Nakaupo pa rin at tulalang lumuluha si Bela sa kanilang sofa. Parang kagabi lamang ay kasama niya pa ang kaibigan. Kung alam niya lamang na ganito ang mangyayari, sana ay hindi niya ito iniwan kagabi. Sana ay inamin niya ang nararamdaman niya dito. Sana ay sinabi niya ang lahat ng gusto niyang sabihin.

Ngunit huli na ang lahat.

Ngunit huli na ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lies and TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon