Chapter 1 (Agad-agad) - The Spoiled Brat and The Breadwinner

335 18 8
                                    

Naintriga kayo sa title ng chapter noh? Sinong hindi naintriga? Punta kayo kay ChamyCham at paputol niyo na mga ovaries niyo. Leshe. =_= Well, halata naman na ang POV nito ay pang third party. De joke lang. Third person. This is my POV. POV ni gwapong otor. O sige pakamatay ka na kung ayaw mo. Eto blade. Bente. May lubid din ako pangbigti, 25 php may kasama nang sabitan. Geh.

O sige. Lemme explain.

Si Drake Castro ay isang binatang patuloy na nagsusumikap para maabot niya yung mga pangarap niya sa buhay. Yung mga tipong mahirap lang ang pamilya niya kaya kailangan niyang magtinda ng Ice Candy, Magtitinda ng dyaryo, magbebenta ng uling. Lahat ata ng klase ng bagay naibenta na niya para lang kumita siya – well, maliban sa katawan niya at saka dun sa virginity niya.

Dahil sa patpatin (Drake: Aray naman!) at epal. =_=, madalas siyang magkasakit. Ngunit hindi ito naging balakid para ipagpatuloy niya ang pag-aaral sa High School. In fact, siya ang Valedictorian ng kanilang batch. Taray diba?

Bukod doon. Siya rin ang palaging Escort dahil daw sa gwapo siya. Ewan. Malakas daw ang appeal kaya ayun, palagi siyang nilalapitan ng mga babae. Ngunit hindi lahat, sapagkat marami pa ring mga diskriminada (mapanghusga actually) at ayaw nila kay Drake dahil daw sa mahirap ito at, dala nga ng kahirapan, eh may Body Odor na hindi kayang tiisin ng lahat. (Drake: Kanina ka pa otor ah. Pag ako hindi na nakapagtimpi)

Pero sa kabila ng kanyang pagsabat, nananatili siyang mabait at gentleman, kaya naman halos lahat ng babaeng kakilala at kaibigan niya ay gusto siyang gahasain. Este, landiin. Este times two, gusto siyang mahalin.

Mahal na mahal siya ng Mama niya na si KarlaCastro. Wala siyang Papa. Gaya ng mga walang kwentang istorya dito sa Wattpad, ang Papa ang laging masama, o di kaya laging nasa business o talagang ayaw lang silang isali ng mga kapwa ko author dahil may hinanakit sila sa kanilang ama. =_= Pero sa kaso ni Drake, hindi niya nakilala ang kanyang ama, kaya naman siya ang tumatayong ama sa pamilya nila. Ang lakas kong magsabi ng pamilya eh dadalwa lang sila ni Karla sa iisang bahay T.T okay ako na walang kwenta.

(Drake: Ang tagal naman ng mga linya ko. Naglilitanya pa si Otor)

Leche maghintay ka ha.

Ngayon, itong si Drake ay nagpaplanong mag-entrance exam sa Pogi Si James University. Kahit na mahal ang tuition, gusto niyang suungin ang pagkakataon kasi ang ganda ng turo doon. Scholar naman siya kaya halos wala naman siyang babayaran. Tapos ang gaganda pa ng mga lahi ng mga nandoon. Wala ring matandang prof, lahat ay fresh graduate, tapos yung mga graduate na iyon pa ay mga Cum Laude. O diba. Tapos bagong pintura pa yung buildings doon. Tapos airconditioned pa. Yung ChamyCham University? Wala pa yun sa entrance ng PSJU. Yung guard doon? Sundalo. Nagmakaawa doon sa may-ari ng school na sana siya na lang daw ang guard doon. Pinagbigyan naman siya kaya ayun.

So? Simulan na kaya natin ang istorya? Umpisahan natin ito sa isang patay na dahon na nalaglag sa ulo ni Drake na kasalukuyang naglalakad papuntang PSJU.

Drake ~ (==__==)*

Simple lang ang suot niya. Maong pants, fit na t-shirt tapos rubber shoes. Pero kahit ganoong kasimple, marami pa ring babae ang tumitingin sa kanya. Hindi lang babae, pati pala feeling babae. If you know what I mean.

May ForeverWhere stories live. Discover now