“O. Ito na yung ID ko Mang Juan. Baka hindi niyo pa ko papasukin” sabi ni Drake habang winawagayway yung ID niya sa mukha ni Mang Juan.
“Oo nakikita ko hindi ako bulag. Saka paano mo nalaman yung pangalan ko ha? Stalker ka no? Bakla ka no?” sabi naman ni Mang Juan. Binalik na ulit ni Drake yung ID niya sa bag niya, tapos tumingin ulit siya sa gwardiya.
“Eh yun po yung nakalagay sa name plate sa may Guard House eh. Nakabalandra kaya, kaya nakikita ng lahat ng dumadaan.” sabi naman ni Drake at pumasok na siya sa loob. Pero hindi pa siya nakakalayo, pero bigla namang nagsalita ulit si Mang Juan.
“Yung mga cheap talagang tao. Dapat hindi na tinatanggap yung mga ganoong tao dito” pagpaparinig nito kay Drake. Pero nakaisip ng Bright idea ang ating bida para makabawi.
“Ako si Juan dela Cruks. Tagabantay. Naxa akin ang bakal na kruks.” tapos pumorma porma pa siya na parang si Juan dela Cruz na si Coco Martin. Yun Oh! At bago pa siya habulin ni Mang Juan, tumakbo na siya papunta sa room niya na nasa Building B sa di kalayuan. Dahil sa pagmamadali niyang tumakbo, hindi niya sinasadyang may mabubunggo siyang babae – si Anessa.
“Naku. Sorry Miss” sabi ni Drake habang tinutulungang makatayo si Anessa. Todo pagpag naman nitong si Anessa sa kanyang dress na pangDiwata, pero hindi yung pang-OA na diwata. Yung parang puti lang na dress. OA lang yung description ko kasi crush ko yun.
“It's okay.” landi ni Anessa. May namumuo sa isip niya na hindi gusto ng marami sa mga readers. “Are you new here?”
Tango naman ni Drake. “Uhh, oo. Kalilipat ko lang dito.” sagot naman niya sa tanong ng dalaga.
“Well, it's nice you being here. By the way I'm Anessa Chandria. And you are?” sabi niya at nilend pa niya yung malambot niyang kamay. Kinuha naman ito ni Drake at ngumiti naman siya nang pagkalaki-laki.
“Drake. I'm Drake Castro” sabi naman ng binata. Nagkamay sila at parang tumigil ang mundo ni Anessa. No doubt, may target na siya ng panglalandi niya.
“Nice name anyway” sabi niya at sinuot niya yung the best niyang smile.
“Ugh. Nice meeting you. Sige, mauna na ako ha? May klase pa kasi ako.” sabi naman ni Drake at tumalikod na siya dahil may nararamdaman siya sa ibaba niya. Isang matigas at mahaba na bagay ang nararamdaman niya sa ibaba niya.
“Muning! Wag ka nga diyan sa paa ni Kuya Pogi” sabi ng isang babae habang kinukuha yung pusang lumalandi sa binti ni Drake. “Pasensya na po kayo kuya pogi. Ano pong pangalan ni~” Sinampal naman siya ni Anessa at pinagtulakan ang babae at kinuryente ang ovaries nito.
“Eepal ka pang malandi ka ha” sabi niya habang umiiyak yung babaeng may Muning papalayo. “Ah sige Drake Ingat!” sabi naman ni Anessa habang kumakaway kay Drake na papalayo na.
Hindi alam ni Drake pero parang may kakaiba siyang naramdaman kay Anessa. Basta kakaiba. Pero parang wala pa sa timing at wala pa siguro siyang panahon para alamin kung ano nga ba yung nararamdaman niya. Nakakatamad kaya. At...... may nabunggo siya ulit.
“What the! Will you just please look at where you are going!!??” sabi naman ng babae na nabunggo ulit ni Drake. Pero bunggo lang. Hindi kagaya nung kay Anessa na parang nagBODY SLAM si Drake at tumumba talaga. Nang tingnan naman ni Drake kung sino ang nabangga niya, O_O PATAY. “Ikaw!? Oh my ghad. You bumped on my dress!” sigaw nito.
“Ang OA ah? Nabunggo ka lang, hindi ka naman nasagasaan.” sabi ni Drake habang hawak hawak yung eardrums sa ingay ng bunganga ni Nich.
“Diba sabi ko sayo wag kang lalapit sa akin?” paalaala ni Nich.
“Alam ko ba kung nasaan ka ha?” sabi naman ni Drake sabay ayos ng tayo.
“Well you should know! Kailangan ikaw ang mag-adjust kapag dadaan ako. Ikaw ang lalayo pag lalapit ako. At isa pa, ikaw ang kikilos at hindi ako!” sabi ni Nich habang nagpapagpag ng damit niya. Nahiya naman ang pinakamaarteng tao sa mundo sa kaartihan ng nilalang na ito.
“Wow ah. Ano ka Chix?” sabi naman ni Drake. Unti unti na siyang naiirita sa babaeng ito.
“Excuse me. Do you know who you are talking to?” sabi niya sabay pamewang at naka-chin up pa.
Pero sobra sobra na ang inis nitong si Drake sa babaeng ito at hindi na niya napigilang sumagot.
“Wala akong pakialam kung sino ka. Nagthank you ako sayo sa pagpasok mo sa akin dito, kahit na hindi mo sinasadya. Pero sa oras na ibully mo ako, lalaban ako tandaan mo” sabi naman ni Drake.
“Bully? Huh. I am not a bully. Pero kung gusto mo, FINE. Wala akong pakialam.” sabi ni Nich at binunggo niya si Drake. Pero hindi magpapatalo si Drake. “Tabi. I still have my boring classes”
“You want a fight? Okay. Get ready” sagot naman ni Drake at napaharap si Nich sa binata. First time na may kumalaban sa kanya nang ganito. Kaya kinakabahan naman siya ngayon. “I'll be your scariest nightmare. Hindi mo kagaya yung isang babae dito.”
“At sino namang babae iyon?” pagtataka ni Nich dahil alam niya naman na walang binatbat yung babaeng iyon for sure.
“Si Anessa. Siya nabunggo ko tapos nadapa siya, ikaw, wala ngang halos nangyari sayo makaREACT parang ninakawan ah. Buti pa siya” sabi ni Drake habang iniikutan si Nich “Maganda, mabait, at higit sa lahat maputi! Baka mainlove pa ko sa kanya kesa sayo!”
Natawa naman si Nich.
“Wow. Utang na loob ko pa kung hindi ka mainlove sa akin. Saka pakicheck nga kung na-receive mo na yung pake ko?” bara ni Nich. Natahimik si Drake. “Saka, Drake, Mahal mo siya dahil maputi siya? It's not love, It's Dove” sabi ni Nich at mataray siyang naglakad papalayo.
Drake: Alam niya ang pangalan ko?
Nich: Nakalapit siya sa akin by 2 steps?
O____O
أنت تقرأ
May Forever
أدب المراهقينAng lahat ng tao ay namamatay. That is a general truth, in short, fact. Kilala na rin ang kasabihang “Change is the only permanent thing in this world”. Hangtaray lang nung pag-English pero totoo daw iyon kaya maraming naniniwala sa kasabihan na iyo...