Chapter 4 (Nakakainis na SHORT UPDATE) - Nich VS Anessa and Drake

97 10 4
                                    

 <=Nich's POV=>

It's like, OMG.

Pupunta daw si James Reid sa PSJU. Sabi lang sa akin ng maganda kong mommy at, uhmm, old kong daddy. Di naman siya old talaga pero, ang tanda niyang manamit. Eeeew.

"Anak, papasok ka na school?" tanong ni Dad.

"Duh. I'm wearing a famous dress by Garcia. And it's still 5:30 in the morning. Where would I go? Of course at the school" sabi ko with feelings.

Is he dumb?

"Ah. Sige. Mag-ingat ka. Mag-aral ka ng mabuti"

Like wow. We are rich and famous pero ganun parin siya magsalita!? He should be talking like in authority now. May-ari kami ng isang kumpanya then siya, diction-mahirap pa rin? It's like eew!

"My beautiful princess?" narinig kong sabi ni Mom sa may kitchen.

"Yes my sexy Mom?" ganti ko.

"Are you and Anessa okay?"

NO. How can we be okay kung may gusto siya sa mga cheap na bagay, which I hate seeing in my whole life.

"Of course Mom we're okay. Why?"

"Ah. Nothing. Okay. You go now. You don't want to be late honey. I thought she was the one who competes with you?"

Yes. And she's with that f*ckin Drake owl lizard.

"No she's not. She's my bestfriend right? Okay. I'm gonna get going. Baka maunahan pa ko ng kaaway ko. Bye!" Bineso ko na siya at umalis na suot ang aking mgandang dress. Mas magaganda pa sa inyong readers of course.

Tanggap ko na. I'm always late in the morning.

 Kaya hahayaan ko nang manalo yung butiking unggoy na yun.

.. BUGSH.

AT MAY BUMUNGGO PA SAKIN AH ANG KAPAL!

"Ay sorry. Akala ko daanan eh" SABI NI... ow. Anessa my dear.

"Oh. Don't worry. Hindi ako pumapatol sa mga mukhang construction worker." sabi ko naman sabay flip ng hair. O diba. Ang aga niyang mang-alaska ha.

"Ikaw pala yan Bitch! Este Nich. Hahaha sorry. Minsan napagpapalit-palit ko yung dalawa. Pareho kasi ng meaning." sabi niya.

SIguro sa isip niya: Boom panes ka gurl.

"Magbabasa ka kasi ng books para hindi ka na malito. Hindi puro pagpapaganda na kahit ano namang gawin sayo walang effect" sabi ko at nagsimula nang maglakad sa school ko. YEP. SCHOOL KO.

"Nagsalita. Between us, whose face looks like a coloring book?" sabi niya with confidence.

"At least may pattern. Eh yung sayo? Abstract?" sabi ko.

"Atleast PAINTER ang gumawa sakin. Eh ikaw? Pre-school?"

"Atleast I know na Pre-school ang gumawa, meaning hindi niya alam yung ginagawa niya pero maayos. Eh yung iyo? Painter ba kamo? Matanda na pero ang hirap ma-gets nung ginagawa" ~Ako

"Oh. Oo nga sorry. Slow ka nga pala kaya di mo gets."

"Haha. Don't be sorry. Kahit naman si Einstein di magegets yang mukha mo. Kahit anong ANGLE mukha ka parin trapezoid" sabi ko. Haha! She's really giving me the creeps with her face!

"G-grabe ka! May anggulo naman akong maganda! Feeling maganda" sabi niya. Haha. Nasaktan siya.

"Anggulo? Meron nga kaso. Anggulo eh! Sobrang gulo." sabi ko at hinawakan ko siya sa balikat. Pumalag siya pero nilagay ko ulit yung kamay ko. "And okay lang magFeeling maganda Anessa. Basta maganda ka naman talaga. Kaya wag kang magfifeeling ah?"

BOOM.

Nag-walkout siya.

I won! No one has ever defeated me in conversations like that. She knows that, but she still engaged. Well, look who's crying haha!

"Maganda nga heartless naman"

O_O

Who dares to say that!?

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko yung butiking unggoy, oh, let's pay him some respect, Lizard-Eating Monkey Drake.

"i have a heart bro. i still feel my blood"

"Heartless nga, corny naman."

"Atleast maganda"

"Saan? Wala naman eh. Tsk." sabi niya. Hmph!

"You just said earlier na maganda ako."

"I said 'Maganda nga heartless naman'. Pertaining to no one." ~Drake

"Yes. No one but me!" sabi ko.

"Ano ba kasing nangyayari sayo? Bakit ganyan pakikitungo mo sa ibang tao?" sabi ni Drake. He asked me that like, uhmm, he wants to ask that question to me for years.

"Una sa lahat, wala kang pakialam. Pangalawa, wala kang alam. At pangatlo, wag ka nang makialam. O yan Tagalog para maintindihan mo." sabi ko at hinawakan niya yung ... kamay ko!!!?

"Nich. Naniniwala akong hindi ka ganyan dati." sabi ni Drake.

"Drake. Past is past. Move on. Hindi ka History teacher para balikan yung past. At hindi ka FOREVER na maiiwan sa past. Kasi, wala namang FOREVER." sabi ko. "Take note. Walang FOREVER pero hindi ako BITTER"

At inalis ko yung kamay niya sa kamay ko. Hindi ko namalayang, umiiyak na pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

May ForeverWhere stories live. Discover now