"What the heck you're doing stupid girl?" sigaw ko, gulat siyang napatingin sa'kin.
Nagmamadali siyang bumaba, "Kung magpapakamatay ka huwag dito sa loob ng school, o kaya huwag sa harapan ko, huwag na andidito ako baka ako ang mapagkamalan na tumulak sa'yo." Nagangaliti na ako sa inis, pero naka'perfect "O" ang bibig niya na parang gulat na gulat talaga siya sa presensiya ko.
"Na-nakikita mo-mo'ko?" nagkaunda-utal-utal niyang tanong.
"Huy baliw na babae, siyempre nakikita ko ang pagtangka mong tumalon."
Ang gulat na mukha niya kanina ay agad napalitan ng inis, at napakunot-noo ito, "Anong sabi mo, baliw ako?"
Bahagya akong napatawa sa tanong niya, "Walang matino na babae ang papatong at tatalon diyan." Turo ko sa railings.
"Huy wala kang alam! Sino ba ang nagsabi sa iyo na tatalon ako at paano ka nakapasok sa lugar na ito?" galit na sigaw ng babae sa'kin.
"Wag kang boba, siyempre sa pintuan, andoon miss oh!" sigaw ko sabay turo sa pintuan sa kaniya na para bang hindi niya alam na may pintuan talaga.
Mariin siyang napapikit dahil sa sigaw ko.
"Wag mo nga akong sigawan!"
"Wa'g mo rin akong sigawan!"
"Sige hindi na tayo magsisigawan, umalis ka nalang dito." Kalmanteng pahayag niya.
Mas kumulo ang dugo ko para sa babaeng nasa harap ko, pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Miss do you own this school? Do you own this building? This rooftop?"
"I don't." simpleng sagot niya.
"Oh, hindi naman pala. You don't have any rights para ipagtabuyan mo ako dito." giit ko.
"I don't own anything, pero I rule this place Mr. whoever you are."
"Go rule this place but still you don't own this place." I smirk.
"Come on you jerk, umalis ka na lang dito!"
"How dare you to call me jerk, you...!" tinaas ko pa ang kaliwang kamay ko dahil sa sobrang inis, at hinambalos ito sa hangin.
Napakuyom ang mga panga ko sa pagtawag niyang jerk sa'kin. Wala siyang karapatan ni katiting tumawag sa'kin ng ganun. Who the hell is she?
Sisigawan ko pa sana siya ng magvibrate ang cellphone ko, agad ko itong kinuha at nakita ko na tumatawag si Carter. Kinuha nila ang phone number ko nung lunch time.
Tumalikod ako sa babaeng istupida at sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Tol asan ka ba? Hindi ka namin maagilap. Library period naman natin pero wala ka sa library." Ani Carter.
"May pinuntahan lang. Bakit you need anything?" walang interes na sagot ko.
"Kasi magsta'start na ang try out ng basketball, diba sasali ka?"
"Sige, hintayin niyo lang ako sa labas ng gym." At agad pinatay ang tawag.
Naglakad na ako palabas sa rooftop nang magsalita ang babae. Nakalimutan kong may kasama pala ako dito.
"That's good you better kick your own butt out of here."
"I'm not kicking my butt out of here miss, sadyang may importante pa akong lakad. You'll see kung paano ko aagawin sa'yo ang pinagmamalaki mo kaharian na ito." Sabay tingin sa bawat sulok ng rooftop.
"You'll see how I will steal this from you." Huling sabi ko bago bumaba at dumiretso sa gym. Hindi ako prepared for this, ni hindi ako nagdala ng jersey kasi first day pa lang magrerecruit na sila. Advance masiyado ang Unibersidad na ito.
BINABASA MO ANG
His days in Horizon (Ongoing)
FantasyWould he believe that it is possible that earth can touch the sky? That earth can be ignite with the sky? He will, but not until he experience 'His days in Horizon'. Date Started: October 08.2019