Chapter 7

59 2 1
                                    

"We're done, we should chill. I'm exhausted." nakapameywang na sabi ni Zeian.

"Why not..."

"SA BAHAY NI ALDUS!" sabay sigaw ng dalawa pang gago.

"Sa bahay namin! yuuhoooo!"

Parang mga babae ang mga 'to!

"You should come Trist."

"Nah, may iba pa kasi akong gagawin."

"What is it? uhuh? hanging up with your girlfriend?" kung batukan ko na kaya 'tong si Zeian, sinabing wala akong girlfriend.

"Mamaya na yang babae pre, enjoy muna tayo." tinatapik pa ni Carter ang balikat ko.

"You know,  my sister and I had a little misunderstanding so I think this will be the perfect time to make it up to her." palusot ko.

"Pwedeng sumama?" gulat kaming tatlo na  napatingin kay Carter.

Is he really hitting my sister? Napansin niya ang nagtataka naming mga ekspresyon kaya bahagya siyang tumawa.

"I mean tayong lahat sasama kay Tristan para makapag-ayos silang magkapatid."

"Are you interested with my sister?" deretsahang tanong ko sa kay Carter.

He didn't expect my question kaya halatang nagulantang siyang nangangapa ng sagot.

"A-a-ano bang klaseng tanong 'yan pare." dala kamot ng kaniyang batok.

"Unang sinuwerte si Carter maagang nakahanap ng chiks pero una rin namang minalas. Imagine sa dami daming pwedeng maging kuya ni Tanya tropa pa namin HAHAHAHAH." humagalpak si Zeian at ganun din si Aldus.

"Hi-n-n-di, Aish! bahala na nga kayo diyan!" agad itong tumalikod at naglakad palayo sa amin.

"Gago talaga si Carter, ayaw pang umamin!" halos mangisay na silang dalawa sa kakatawa.

Tinatanaw namin ang papalayong imahe ni Carter.

"Pero pare next time, aasahan ka namin huh?"

"Sige Aldus, next time."


Sa wakas makakalanghap na naman ako ng katahimikan.

Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa college building ng unibersidad.

Lunch time, kaya tahimik ang college building. Ito ang gusto ko, katahimikan. This is my plan for one long week celebration ng Acquaintance ang magmukmuk kasama ang katahimikan. Kung aabsent ako, wala akong pupuntahan, kung sa bahay naman sesermonan lang ako ni daddy.

Nakikita ko na ang bakal na pintuan na siyang magluluwa sa akin sa rooftop. Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang abot kamay ko na ang knob, ipipihit ko pa lang ang knob nang may narinig akong maliliit na hikbi.

Don't tell me...

May multo ba dito?

What the fuck?

Idinikit ko ang aking tenga sa pintuan at doon ka napagtantong nanggagaling sa rooftop ang munting paghikbi.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at dun bumungad sa akin ang babaeng minsang nakakainis at nagpapakulo ng aking dugo na lugmok na lugmok sa kaniyang kinauupuan.

Ang inaakala kong munting hikbi ay naging hagulhol na sa aking pandinig.

Nakapatong ang kaniyang ulo sa dalawa niyang tuhod habang humagulhol, biglang may kirot na naramdaman ang aking puso habang tinitingnan at pinapakinggan ang kaniyang hinanagpis.

His days in Horizon (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon