"Where are you, Gabriela?!" I rolled my eyes as i heard a baritone voice on the other line. My bestfriend-slash-sister-slash-nanay. Yes, he's one-hundred five percent gay. My bestfriend since birth. Magkadugtong na ang mga bituka namin. Our mothers were bestfriend so we don't have a choice to became bestfriends as well. Kidding aside! Mahal ko iyan! Mas malandi nga lang sa akin."Matthew, relax!" I heard his expression everytime i will call him in his real name. Natawa ako. I went outside of the house, hindi kasi kami magkakaintindihan dahil maingay sa kinatatayuan ko. May nakita akong swing sa may garden. Umupo ako doon.
"Malelate ako ng uwi ngayon. Charm invited me to her despidida party here in their house, she's flying to Florida two days after our graduation. E i can't missed this party kasi matagal-tagal din kaming hindi magkikita, you know. She's also inviting you. Habol ka!" Ngumiti ako kahit alam ko naman na hindi niya ako nakikita. Hindi kami magkaklase dahil VetMed ang kinuha niyang course while mine is BS in Hotel and Restaurant Management.
"Ay! Why hindi ko knowing yang event na yan ha? Hindi mo ko sinabihan. Nakakainis kang babaita ka!" Tumawa lamang ako. Nalimutan ko siyang sabihan kahapon, kahit na last week pa ako na-invite ni Charmaine. Masyado na talaga akong makakalimutin.
"Sorry naman bakla. Nasa fafa mo kasi ikaw kahapon kaya hindi na kita nasabihan. Nakakahiya ka namang istorbohin." Palusot ko na lamang. Buti pa nga itong baklang to may jowa e.
While me? NBSB at a age of 22. YES.
May mga nanliligaw pero wala akong magustuhan maski isa. Wala akong maramdamang sparks. Hindi din ako nagmamadali pagdating sa bagay na iyan. Naniniwala akong darating iyong taong para sa akin in God's right time, when I am completely ready. And I know, I'm a hopeless romantic person. Clichéd but I've always dream to have a man like in the movies and books, who will love me truly and completely.
"Huwag ka ng magtampo diyan bakla! Gora ka na lang dito!" Yaya ko sa kanya para hindi na masyadong magtampo.
"Oo na. Oo na. I don't have a choice naman." Narinig ko pang nag-inarte siya. Natawa ako.
"O sige, sige. Hintayin kita dito. Alam mo naman ang bahay nila Charm diba?" Once ko na kasi siyang napakilala sa mga college friends ko at naisama ko na rin naman siya dito.
"Opo, Madame." Sagot niya. Natawa ako dahil ramdam ko pa din ang tampo niya. Tampururot ang bakla.
"Gab! May ipapakilala ako sayo!" I heard Charm's voice.
"Gotto go, Matt. Tinatawag na ko ni Charm. See you later. Love you. Bye" Paalam ko.
"Ok. Bye." I ended the call. Agad akong pumasok ng bahay.
Sino naman kaya tong ipapakilala ni Charm sa akin? I'm sure lalaki na naman na irereto sa akin. I am sooo tired of this thing na para bang kailangan na kailangan ko ng lalaki sa aking buhay, when in fact, I don't need a man. I can live with my self and friends. I am so happy on just being alone. Really.
Siya ang atat na magka-boyfriend ako,-girl bestfriend e- na-aappreciate ko naman kaya lang minsan nakakainis lang. Last time kasi na may ipinakilala siya sa akin ay pwede ng tangayin ng bagyong Yolanda sa sobrang hangin. Napangiwi ako ng maalala ko ang lalaki. Isang beses ko lamang siyang pinagbigyan noon at hindi na iyon naulit.
Natatawa na lamang ako sa tuwing naaalala ko kung paano ako naging honest sa aking nararamdaman para sa kanya. And how i turned him down. Napapailing na lamang ako.
I always pray for the kind of love na hindi pinilit, na ako mismo ang makakaramdam.
"Oh! Here she is!" Narinig kong tili ni Charm. Kahit kailan talaga tong babaeng ito. Napangiti na lamang ako. At hindi ko inaasahan na sa pag-angat ng aking ulo ay sa isang tao lamang napako ang aking paningin. Napatulala ako sa lalaking katabi ni Charm na ngayon ay nakangiti na sa akin. He has a boyish smile. At parang inaakit ako sa paraan ng pagtitig at pagngiti nya sa akin. Or is it only my imagination?
YOU ARE READING
Sunset's With You
RomanceFirst love.. Second chance.. Trust.. Gabriella once believe that her forever is Ross Ledesma, pero dahil sa isang pangyayari ay nagbago ang paniniwalang iyon. Will their love would be enough to stay with each other? O hahayaan na lamang nila na m...