CHAPTER ONE: CUTIES

7 0 0
                                    

CHAPTER ONE: CUTIES

ALLODIA SHANE’S POV

“Salamat po manong.”

            Kinakabahan ako. Palagi naman eh, kapag nakakarating ako sa school kung saan nagtatrabaho ang nanay ko as the school cashier. Yes, pangmayaman ang school na toh.

“Oh, ija, hinahanap mo ba ang nanay mo?”. Tanong ni Mang Robert, ang guard. “Sige, pasok ka lang.”

            Medyo namumukhaan na ako ng ibang staff dito sa SGE. Ewan ko kung ano ang meaning nga mga letters na yan, basta, iyan lang ang name ng school.

            Naglakad na ako papunta sa office ng nanay ko. Malapit lang naman. Nung nakarating na ako, tinapik ko iyung glass. Lumingon naman ang nanay ko.

“Anak, nandiyan ka na pa la. Hintayin mo muna ako, tatapusin ko pa ito. Tapos na ba kayo sa project niyo?”

            Gumawa kasi kami ng project sa bahay ng isang kaklase ko na nakatira malapit sa SGE kaya naisip ko na puntahan na din ang nanay ko.

“Opo Ma. Ma, lakad lang po ako sandali.”

            Ang ganda talaga ng SGE, pangmayaman na pangmayaman. Tingin-tingin lang ako sa mga istudyante na dumadaan. Grabe, siguro ang easy ng life nila. Mga rich kids kasi. May napansin rin akong mga foreign students. Oo nga pala, international school toh.

            Sa paglilibot ko, nakarating ako sa likod ng isang building. Nagulat ako kasi, biglang nagtago sa likod ko ang isang bata na napansin ko kanina na tumatakbo papalapit sakin kasama ang isang lalakeng teenager.

“Awwwww, tingnan niyo mga pre! Nagtatago sila sa likod ng isang babae! Tsk, tsk, ang babakla niyo pala eh!”, sabi ng isang lalaking mukhang unggoy.

“Wala pala kayong binatbat eh!,” sabi naman nung mukhang baka.

            Tiningnan ko ang batang nasa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko. May sugat siya sa may daliri! About 8 years old pa naman toh. Iyong kasama niya naman ay sugatan din. Putok yung labi.  Mga walang hiya itong mga takas sa zoo!

“Hoy kayong mga takas sa zoo! Kayo ang mga bakla! Bata, pinapatulan niyo! Walang hiya! Sige, suntukan tayo! Di ko kayo aatrasan!”

            Lagot na! Saan ba nanggaling iyong sinabi  ko! Aish, ang boba mo talaga Shane!

“Aba! Matapang pala ang babaeng toh! Sayang naman ang mukha mo.”, sabi ng mukhang gorilla.

            Waaaaaaahh! Isip Shane! Paano kayo tatakas?! Ano bang pwedeng gawin para -----, ting!

“Oy tingnan niyo! Si Santa Claus!” Pagkasabi ko nun ay tumingin ang mga takas sa zoo sa tinuro ko. Now’s my chance, hinila ko ang braso nung bata at teenager. “Takbo!”

                                                               ***************

Hingal na hingal na kaming tatlo sa katatakbo. Mabuti na lang at natakasan namin iyong mga yun. Haha! Mga uto-uto pala ang mga yun eh! Teka, mga sugatan pala tohng mga kasama ko. Waah! Pinatakbo ko pa naman sila!

“S-sorry ha. Pinatakbo ko pa kayo. Okay lang ba kayo?”. Tiningnan lang nila ako na para bang alien language ang ginamit ko, well, except for the teenager. That’s when it hit me.

“oh, I’m sorry. I forgot that you speak in English here. By the way, sorry for dragging and making you run in your condition. I’m Shane nga pala.“

“*Noona.. we’re sorry we dragged you in that mess”, sabi nung bata. Ang cute niya, grabe!

“Nah, It’s okay.” I smiled at him, “I’m even quite happy about it because it has been a long time since I ran like that.” I pinched his right cheek.

Ginamot ko iyung sugat nung bata. Buti na lang talaga at may first aid kit akong dala.

“Now, I’ll kiss it so it will heal fast”, hinalikan ko yung nasugatan niyang daliri. He smiled,”Thanks Noona.”

“Hyung, gwenchana? ”, tanong ni Jiro Gongshil, oo yan ang pangalan niya, sa kasama niya kanina.

            Oo nga pala, may isa pa akong gagamutin. Nilapitan ko siya at tiningnan ang putok niyang labi at ang namamaga niyang pisngi. Kawawa naman toh, sinuntok siguro ng mga gagong yun.

Kumuha ako ng bulak at d-in-ab ko sa sugat niya sa labi. He flinched.

“Oops, sorry, does it hurt? I’ll be gentle this time.”

“N-no, it’s okay. I can manage.”

            Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos ko nang gamutin ang mga sugat nila. Ngayon, ang kulang na lang ay yelo para sa namamagang pisngi ni ---- sino nga ba siya?

“Now, all we need is an ice pack for, uhh, what’s your name?”

“Akira. Akira Shiraishi”

-NOONA/UNNIE- older girl/sis

Queen of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon