CHAPTER THREE: LIBRE DATE??
ALLODIA SHANE’S POV
Lagot ako nito! Nawawala yung ID ko! Saan ko ba kasi nalagay yun?! No choice ako kundi pumunta nalang sa school ng walang ID. Pero para hindi violation, magsa-sign ako ng affidavit of loss. May ganyan sa school ko. Buti na lang, half-day kami.
After ng class, lumabas muna ako sandali para ilagay ang mga gamit ko sa locker. Pabalik na ako ng salubungin ako ng mga kaklase ko.
“Shane! May naghahanap sayong cutie!”
Huh? Ano daw? Hinila nila ako papuntang open court. May magarang sasakyan na nakaparada at may nakasandal sa pinto nun.
“A-Akira?”, di makapaniwala kong sabi.
Nilingon niya ako at nginitian. Oh my Gulay, his smile melted my heart. Aish, erase, erase! Ang landi mo talaga Shane!
“Pinuntahan kita kasi naiwan mo yung ID mo.”, sabi niya sakin sabay abot ng ID ko. Nanlaki ang mga mata ko. NAGTATAGALOG SIYA!!!!!!!
Mukhang nabasa naman niya ang iniisip ko kaya tumawa siya ng mahina,”Oo, marunong akong magtagalog.”
“Ah, nga pala. Wala ka na bang gagawin ngayon?” Teka... parang alam ko na toh. Kyaaah! Excited na ako.
“Oo eh, half-day lang kasi kami tuwing Wednesdays. Manlilibre ka?”. Kumikinang pa yung mga mata ko. Tanggap ko naman na palagi akong nagpapalibre. Kapalan na ng mukha!
Tumango siya. “Let’s go!”
********************
Wiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!! Ang saya ng araw na toh! Nag-enjoy talaga ako kasama ni Akira! Hahaha! Naaalala ko tuloy yung mga nangyari kanina...
Pumunta kami sa mall nun tapos nag-aya siyang manood ng sine. Kaso, no choice kasi sold out na daw yung mga tickets except sa movie na “The Anabelle Doll”. So, yan na lang ang pinanood namin.
Tawa ako ng tawa kasi sobrang natakot si Akira! Grabe! Akala ko ako ang titili sa takot eh, kaso, siya pa! SIYA!
Pagkatapos naming manood, sabi niya mag foodtrip daw kami. Hep, hep, hep! Siya ang nag suggest niyan ha! Kaya ayun, kain dito, kain doon. Nako! Pag uwi namin, di na siguro kami kakasya sa exit!
May one time din na hinabol kami ng mga na love at first sight sa kanya. Mukha tuloy kaming nagma-marathon sa loob ng mall. Buti at nakalayo kami. Naks, ang hirap talaga maging cutie!
Pagkatapos namin doon ay ako naman ang nag-aya na pumunta ng National Bookstore. Gusto ko kasing tingnan ang mga libro. Oo, book lover ako. Tingin-tingin lang naman ako.
Lastly, pumunta kami sa Blue Magic. At dahil napasaya niya ako sa araw na toh, bumili ako ng matching bracelets para sa amin. Remembrance na namin yun.
Ang saya talaga!