CHAPTER FOUR: IRRITATING ALIEN
ALLODIA SHANE’S POV
Yes! Sa wakas! Thank God it’s Friday! Makapag-facebook nga muna.
*Message Notification- 1 Message
May nagmessage, baka si Aunty Victoria toh.. Nagtatrabaho kasi Aunty sa Seoul kaya sa facebook na lang kami madalas mag communicate.
Hi Ate Sha! Kumusta na kayo diyan? Miss na miss ko na kayo. Ay, siya nga pala.. May favor akong hihingin sayo. Ang anak kasi ng kaibigan ko ay nandiyan sa Pilipinas. Bago pa lang siya diyan, baka pwede mo siyang samahan magsettle diyan. Di pa kasi siya sanay. Makipagkaibigan ka na rin. Bang Min Jae pala ang pangalan niya. Magkita kayo sa Starbucks ng mga 4:00 PM today sa *toot* mall. Sabi ng mommy niya, sa may counter daw yun uupo. ‘Wag kang mag-alala, marunong yun magtagalog kaya di ka mahihirapan. Ate, gwapo yun, parang katulad ng mga idol mo sa korean dramas na pinapanood natin. Malay mo Ate Sha, siya na yung The One mo. Hahaha, biro lang ate. Sige, ingat ka ha! Salamat!
Haha, ito talagang si Aunty. Yes, may gagawin na rin ako sa wakas. Mga 3:30 PM ay nagcommute na ako papunta sa nasabing mall. Maglilibot kasi ako before kami magkita nung Min Jae. Naglalakad lang ako nang may nakabangga ako.
“Ano ba Miss! ‘Wag kang tatanga-tanga! Damn!” sabi ng lalaki na singkit ang mata. Ang gwapo, kaya lang, walang modo! Ako pa talaga ang tanga ha!
“Hoy! Bakit ako lang ang tanga?! Ako lang ba ang bumangga?! Aba! Kung tanga ako, tanga ka rin! Akala mo kung sino ka!” Tinarayan ko siya ng bonggang-bongga. Aish, sarap sapatusin nito eh!
“Oo nga naman. Pero, mas tanga ka! Move! You’re wasting my time, *pabo.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na siya paalis.
Napapadyak nalang ako sa sobrang inis. Nakakabadtrip naman yung lalaking yun. Aish! Okay, inhale, exhale Shane. Dapat at least good mood ka sa pagkikita niyo ni Min Jae mamaya. Wag kang magpapaapekto sa bad vibes na dala nun.
After ng ilang minuto ay napagpasyahan ko rin na pumunta na sa starbucks, 5 minutes na lang kasi before 4:00. Nung makarating na ako dun, nakita ko kaagad ang kaisa-isang tao na nasa may counter. Etoh na siya...
“Uhh, excuse me., ikaw ba si Min Jae?” Nakatalikod kasi yung lalaki kaya di ko makita ang mukha.
“Yes, i a-----.” Lumingon na sakin yung lalaki. Nanlaki ang mga mata ko.
“IKAW?!!” At sabay pa talaga kami! Aish!
**********************
O Diyos ko! Anong kasalanan po ba ang nagawa ko sa inyo para parusahan niyo ako ng ganito? Why oh why of all people ang lalaking ito pa?!
“tch. Small world” sabi niya at nag smirk.
“Oo eh. Sa sobrang liit, nasasakal na ako. Ang malas ko talaga. Lechugas!” Tinawanan lang ako ng mokong-slash-alien na toh!
“Shut up stupid. Samahan mo na ako.” He’s so irritating!
“Sa impyerno? Oh sure! Basta wag ka nang bumalik.” Sana nga lamunin ka dun!
“My mom’s friend ordered you to go with me, right? Kaya no choice ka *evil grin*”
Patay ka talagang Bang Min Jae ka!!!!! Anong akala niya sakin? Alalay? Julalay lang ang peg ko, ganun? Eh di ba, taga sama lang ako? Ba’t inuutusan niya kong dalhin lahat ng maleta at binili niya?!
“Here, carry this” Nag-e-enjoy pa talaga siya ha! May araw ka rin sakin!
“Wait for me, mag-c-cr lang ako. Wag kang aalis, sasamahan mo pa akong maghanap ng hotel na matutuluyan.”
Buti naman ang nagdisappear ang irritating alien na yun. Sana di na siya bumalik, higupin sana siya ng inodoro! Waittttt... I have an evil plan! Hihihihi!
Nilaga ko sa isang tabi malapit sa CR ang mga gamit nung irritating alien na yun. Nagsulat ako sa isang post it na dala ko at dinikit sa bag niya.
Bahala ka sa buhay mo! Mag-isa kang maghanap ng hotel mo! :P ta-ta! Ciao!
Pagkataposkong ilagay yun ay naglakad na ako palayo. Buti nga sayo! Ang mean ko diba? Pero bahala siya noh! Hanapin niya mag-isa ang hotel!