CHAPTER 1: MY GHOST BOYFRIEND

11 0 0
                                    


L I E Z E L

Nakangiting humarap ako sa human-sized mirror para suriin ang sarili ko. Konting liptint, polbo at bagsak na straight hair, check. Tapos na akong kumain kasabay ng boyfriend ko. Mag-isa lang akong nakatira dito sa apartment ko pero hindi naman malungkot dahil araw-araw ko namang kasama ang boyfriend kong multo. Yes, multo siya, as in ghost, ghosto ko siya, charot. Seryoso, multo ang boyfriend ko, alam kong weird pero mahal ko eh.

At kung nagtataka kayo kung paano ko siya nakilala simple lang naman, nakakakita ako ng multo at nilalabanan ko din sila dahil 'yon na ang trabaho ko. Isang araw ay may kliyente ako na nahihirapan na sa pagpaparenta ng isa sa mga apartment niya dahil nagrereklamo ang mga tumitira doon na palaging nawawala ang tuwalya sa tuwing naliligo ang mga ito kaya inaksyunan ko kaagad at ang lokong multo, adik pala sa tuwalya.

Ang laki ng katawan at medyo brutal siya no'ng pinatay dahil hindi maitsura ang mukha pero adik sa tuwalya. Nahirapan talaga akong talunin iyong tuwalya-adik at sa kasiya-siyahang parte ng laban namin ni tuwalya-adik ay dumating ang isang pogi, matangkad at machong multo na tinulungan ako! Simula no'n ay tinutulungan na niya ako sa trabaho kong dispatyahin ang mga multong nambubulabog at nagkamabutihan kaming dalawa hanggang sa naging magjowa. Gusto ko din talaga siyang dispatyahin dahil nambubulabog siya… sa puso ko, charot.

"Liezel, bilisan mo diyan baka ma-late ka," narinig kong sabi ni Hub short for Hubby dahil hindi niya daw alam ang pangalan niya kaya Hub ang tinawag ko sa kanya at wala siyang kaalam-alam na Hubby slash Husband ang ibig sabihin no'n! Hayaan niyo na, boyfriend ko naman na siya eh kaya ayos lang 'yon.

"Yes, Hub! Tara na!," masiglang sabi ko tsaka kinuha ang bag ka at lumabas na ng apartment. Hindi ko na siya hinintay na sumunod saakin para dumaan sa pinto dahil kaya niya namang mag-teleport.

Pumupunta din siya sa school kasama ko para daw bantayan ako at para atleast man lang may matutunan din siya sa pang-araw-araw. Yes, para na din siyang nag-aaral kahit hindi na kailangan dahil ang talino niya! Matalinong multo. Hindi kami sabay pumunta sa school dahil baka masabihan daw akong baliw ng mga taong makakasalubong ko dahil ang daldal ko daw at palagi ko daw siyang kinakausap.

Naiintindihan ko naman si Hub kaya pumayag ako. Alam ko naman na mukha talaga akong baliw dahil hindi naman nila nakikita si Hub. At kung tatanungin niyo ako kung may mga kaibigan ba ako, syempre meron! Alam din nila na may boyfriend akong multo dahil minsan na nilang nakita si Hub no'ng sumama sila saakin sa pagdispatya ng multo. Dala siguro ng takot ay nakita nila si Hub at ang malas na part ay pati iyong babaeng multo na wala ng mata na kalaban ko that time ay nakita din nila kaya hindi na sila sumama saakin pag may laban ulit ako.

Nang makarating na ako sa hindi kalayuang school na pinapasukan ko ngayon ay deretso agad ako sa isa sa mga bench na nandito sa malawak na field ng school na may malalaking kahoy sa gilid dahilan para gawing tambayan ng mga studyante dahil bukod sa sariwa ang hangin ay hindi mainit dahil sa naglalakihang mga kahoy. 

Naabutan ko kaagad ang dalawang kaibigan ko na masayang nagkwe-kwentuhan kaya dumalo kaagad ako sa kanila.

"Anong meron at ang saya-saya ng mga bruha?," tanong ko at umupo sa tabi ni Aia.

"Kasi naman, Zel! Si Mika nabunggo si Aki kaya nagalit si Boy at sinabihan si Mika na tanga! Sinabihan siyang tanga ng crush niya!," at sinabayan pa niya ng tawa na parang wala ng bukas kaya ayon, nalunok ang sariling laway at nabilaukan. Buti ng sayo, Aia.

GOODNIGHT, MY GHOST BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon